Batch 1 [ Critique ]
4 stories
Karen Deryahan by unvividstar
unvividstar
  • WpView
    Reads 96,565
  • WpVote
    Votes 3,622
  • WpPart
    Parts 29
Dahil sa isang mananaliksik si Marissa, kailangan niyang humanap ng lugar na maaari niyang maging asignatura para sa kaniyang trabaho. Ang bayan ng Kalu ang lugar na kaniyang sasaliksikin upang alamin ang natatagong ganda nito. Ang nasabing bayan ay probinsya ng isa sa kaniyang mga kaibigan. Ni minsan ay hindi pa niya narinig ang lugar na iyon kaya iyon ang naging tulay upang puntahan niya ang bayan na iyon. Sa pagpunta niya roon ay saka pa lang niya nalaman na maraming kaso ng pagkawala ng mga naninirahan sa bayan na iyon at iyon ang hindi nabanggit sa kaniya ng kaibigan. Ni isa ay walang nakakaalam sa likod ng sunod-sunod na pagkawala ng mga tao roon. Lingid sa kaniyang kaalaman na sa kaniyang pagtuklas sa natatagong ganda ng lugar ay matutuklasan din niya ang dahilan sa likod ng pagkawala ng mga tao roon. May misteryo sa likod ng 'Karen Deryahan'. Handa ka na bang alamin kung ano ito? Book Cover Made By: stuck_n_silence
Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at Si Ms. Kikay) by DiyosaMamita
DiyosaMamita
  • WpView
    Reads 11,613
  • WpVote
    Votes 808
  • WpPart
    Parts 52
[Completed] "Maybe the start of our lovestory was cliché but i will make sure that your future with me will be very unique." Cliché pa sa cliché na mga love story. Magkaaway mula pa sa pagkabata sina Grachelle at Kyle. At kahit mag-bff ang mga parents nila, they keep on fighting. Sila ang pinakamakulit na bata sa balat ng lupa kaya kung pagsasamahin, wasak ang buong universe. Kahit sino ay mamumuti at malalagas ang lahat ng buhok sa ulo dahil sa kanila. Pero paano kung i-force silang maging mag-bff, may pag-asa bang magkaroon ng special feelings? At kung magkaka-feelings nga, masabi kaya ng makulit na si Kyle ang feelings niya kung baliw na baliw naman si Grachelle sa hinahangaang bokalista ng isang banda? Posible bang mapaibig niya si Grachelle sa pamamagitan lamang ng larawang iginuguhit niya? Highest ranking: #49 in Humor (Aug. 21, 2017) #83 in Teenfic! #17 in Chicklit. 4 in 1 Genre: Romance, Teenfic, Chicklit and Humor! This is my 3rd story. Hope you like it. Enjoy reading! Godbless! Date started: Feb. 10, 2017 Date finished: Jan. 17, 2018 Copyright 2017 All right reserved
Half-life: The Seven Abecedarian by memai_blanca
memai_blanca
  • WpView
    Reads 722
  • WpVote
    Votes 87
  • WpPart
    Parts 14
Para kay Amira Creana Fontana, kaliwanagan ang ibig sabihin ng panaginip. Kahindik-hindik man o kahanga-hanga ang itsura nito, hinuha niya ay may inihahatid ito na mensahe Hanggang sa isang gabi, nanaginip si Amira. Napakaganda ng paraiso na nasa panaginip nito pero puno ng misteryo. Isang misteryo ng kagandahan ngunit ang katumbas pala ay isang kapahamakan. Pitong letra na isang simbolo. Pitong simbolo na may nagmamay-ari na pitong tao. Pitong insignya na kailangang maibuo. Pitong sagisag na konektado sa kakatwa niyang mga panaginip. Not your ordinary fantasy story.
The Felon Mark (Wattys 2020 Winner) (Filipino Dystopian Novel) by Gregor_io
Gregor_io
  • WpView
    Reads 308,835
  • WpVote
    Votes 17,185
  • WpPart
    Parts 65
WATTY AWARDS 2020 WINNER (Science Fiction Category) || COMPLETED || Limang Marka: Elite, Independent, Trooper, Slave, at ang Felon Mark. Mga Markang kumakatawan at nagbubukod sa buong populasyon ng bansang Circa na minsang tinawag na Pilipinas. Taon-taon ay isang malaking kaganapan ang isinasagawa sa bansa. Ang Trial. Kung saan lahat ng kabataan sa edad labimpito ay kinakailangang sumalang sa iba't ibang uri ng pagsubok na siyang tutukoy sa Marka na kanilang kabibilangan. Sa ganitong paraan ay napanatili ng Gobyerno ng bansa ang kaayusan at kapayapaan. Cheska Reyes, na walang ibang hangad kundi makapiling ang kanyang nag-iisang kapatid, ay mamamarkahan gaya ng nakararami. Subalit ang pagkakaroon niya ng marka ay magbubukas sa kanya ng pinto upang makilala ang kanyang sarili . . . maging ang Gobyernong naghahari sa bansa. Sa mundo kung saan marka ang magdidikta kung sino ka. Sa kamay ng makapangyarihang Gobyerno. Paano mo maisisigaw ang iyong tunay na pagkatao? "Marks Dictate Us" 2020 Watty Awards Winner (Science Fiction Category) First Novel of The Watty Awards 2019 Winner, Living Pawns. Highest Rank: #2 in Science Fiction |COMPLETED| A wonderful cover by: -starless A Young-Adult Filipino Dystopian Science-Fiction Novel