BethanySapitin
- Reads 60,074
- Votes 1,350
- Parts 56
Binigyan lang si Lucia ng tatlong bagay ng kanyang ama-cellphone, black card, at isang mahigpit na bilin: "Magtago ka. Huwag mong hayaang makita ka nila." Sa dilim ng gabi, dala ang kaba at lungkot, nilisan niya ang kanilang munting tahanan. Tahimik ang paligid, tanging buwan lang ang nagsilbing ilaw sa daan. Hanggang sa marating niya ang isang misteryosong lugar-Serendipity City-isang paraisong puno ng lihim. Pero hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Ang tunay niyang destinasyon: The Academy-isang engrandeng institusyon na may gate na tila may buhay at bulong, "Once you enter, exit doesn't exist." Pagkapasok niya, biglang bumigat ang hangin. Napahinto siya sa gitna ng tahimik na daan. May kakaibang presensyang dumaan... parang may matang nakamasid sa kanya mula sa dilim