GurlSimpleSwagger
Sa totoo lang. Sobrang namimiss ko yung dati. Nakakamiss yung mga kulitan natin yung mga asaran natin Nakakamiss yung GALA NIGHT. yung dating ikaw na dating nanliligaw pa lang noon sakin, yung dating ikaw na makulit, yung dating ikaw na gusto makipag palit ng panyo ung dating ikaw na gustong iuwi ang panyo ko at ibabalik kinabukasan. miss na miss na kita. Sobra. Anong nangyari? Nagbago ka na, wala na yung dating ikaw hindi ko alam kung tuluyan nang nawala ang dating ikaw. Nasasaktan ako tuwing maalala ko yung mga sandaling okay tayo, pero hanggang dyan nalang yan. Hanggang miss nalang. Hanggang memories nalang. Gusto ko pa sana kaso di na pwede. Kelangan ko rin isipin yung sarili ko. Ayokong aminin sayo na namimiss kita Gustuhin ko man ibalik sa dating tayo, hindi na pwede. Kasi ayoko na. Ayon. Alam mo naman. Minahal kita. Ayoko lang ipakita pa ngayon kasi nga tinapos ko na. Gusto ko lang malaman mo na lahat ng pinakita ko sayo, totoo lahat yun. Sana maalala mo parin ako kahit papano. Alam kong maaalala mo ko..
PS: I still love you. I just cant control myself. Mahal na mahal parin kita talaga.