my precious hearts romances
142 stories
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,456,668
  • WpVote
    Votes 28,692
  • WpPart
    Parts 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman. Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito. Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,604,565
  • WpVote
    Votes 30,800
  • WpPart
    Parts 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
For Revenge or For Pleasure (R-18) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 420,028
  • WpVote
    Votes 7,412
  • WpPart
    Parts 23
Nakipagtanan ang kapatid ni Red na si Violet. Sinsisi niya ang taong alam niyang nakapagpabago sa pinakamamahal niyang kapatid---ang erotic romance writer na si Nina Kareene. Kailangan niya ng mapapagbuntunan ng inis at galit. He tried to make revenge and punished her. But when he did with a kiss, all he could think is the feel of pleasure... "I am a greedy man. And I always wanted for more." Pinatunayan ni Red ang mga salita. He claim Kareene's body. He was rewarded of a thing that is more than what he thought and deserved... Virigin ang erotic romance writer! Na-guilty si Red. Si Kareene naman ngayon ang binigyan niya ng pagkakataon para makapaghiganti.... "You are writing another erotica book. And you want me to teach you.." conclude ni Red sa kondisyon ni Kareene para mapatawad siya. Kinuha ni Red ang baywang ni Kareene. Hinapit niya ito palapit sa kanya. "Paanong gusto mo akong magturo sa 'yo? Do you want me to tell you...or just show you?" Note: This is not the official teaser of the book
+17 more
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 611,404
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 413,912
  • WpVote
    Votes 7,187
  • WpPart
    Parts 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko, basta nasa tabi kita." Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe-magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman. Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura-super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya! Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito-at nagustuhan niya iyon...
The Girl In A Vintage Dress COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 174,368
  • WpVote
    Votes 4,219
  • WpPart
    Parts 30
The Girl In A Vintage Dress By Chelsea Parker Lumipas man ang ilandaang taon, pagtatagpuin at pagtatagpuin ang dalawang tao na itinakda ng tadhana para sa isa't isa. Nagsimula ang lahat nang sumama si Ayu sa field trip ng klase nila. Para daw mas ramdam nila kung ano talaga ang ibig sabihin ng "history," imbes na sa museum ay sa isang lumang bahay na hitik ng throwback items sila dinala ng kanilang history teacher. Doon, isang lumang picture ng babae ang natagpuan ni Ayu. Pero nasira niya iyon. At sa takot na mapagalitan ng teacher nila, wala siyang choice kundi ibulsa ang litrato. Dahil doon, nagsimula na ang kalbaryo ni Ayu nang pumunta naman siya sa lumang bahay ng kanilang pamilya. Maya't maya na lang kasing may nagpapakita sa kanya na isang babae-in a vintage dress! But that was ten years ago. At ngayon, nagbalik si Ayu sa kanilang lumang bahay. Siguro naman, panis na ang multo. Pero nagkamali siya ng akala. Dahil nasa harap na niya ngayon-in flesh-ang babaeng noong una ay inakala niyang multo. Julia ang pangalan nito. At sa paglipas ng mga araw na nakasama niya ang babae ay minahal niya ito. At nakahanda siyang sundan si Julia sa taong 1896 sakaling bigla itong maglaho...
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 671,414
  • WpVote
    Votes 12,313
  • WpPart
    Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,893,792
  • WpVote
    Votes 30,613
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 595,652
  • WpVote
    Votes 10,768
  • WpPart
    Parts 29
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw By Victoria Amor "Kung dumating ang araw na kailangan kong pumili, paulit-ulit kong bibitawan ang lahat kapalit mo." Buong pusong tinanggap ni Gabrielle ang isang napakahirap na role-ang maging ina ni Avi na anak ng kanyang adopted sister. Sa pagtanggap niya sa role na maging ina ay kinalimutan niya ang sarili. Si Avi na ang naging sentro ng kanyang atensiyon at pagmamahal. Hindi niya gustong maranasan ni Avi ang kanyang dinanas bilang ulilang nagkaisip sa ampunan. Dumating ang panahong dumarami na ang tanong ni Avi tungkol sa tunay na ama-na sa litrato lang nila nakilala. Pagsapit ng sixth year birthday ni Avi ay hiniling ng bata na makasama ang ama. Inimbitahan ni Gabrielle si Liam De Nava ngunit hindi siya umasang darating ang lalaki. Ngunit dumating si Liam. At ang pagbabalik ng lalaki sa Pilipinas ang magpapabago ng buhay ni Gabrielle at maglalantad din sa isang lihim na ipinagkait sa kanila ng yumaong ina ni Avi...