KLBacud's Reading List
2 stories
Emperor of the Forsaken Planet: Between Light and Darkness by KLBacud
KLBacud
  • WpView
    Reads 57
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 1
"Strength does not come from winning. Your struggles develop your strengths. When you go through hardships and decide not to surrender, that is strength." -Arnold Schwarzenegger Napilitang lumikas sa planetang Mars ang mga tao pagkatapos ng matinding digmaan laban sa mga kampon ng kadiliman. Makalipas ang isang daang taon ay natuklasan ng mga tao na may mga nabiyayaan ng kapangyarihan. Ito ang naging susi upang simulan muli ng sangkatauhan ang pagsugpo sa kalaban. Naging tapunan ng mahihirap, basura, at mga kriminal ang planetang Earth na pinamumugaran ng mga kampon ng kadiliman. Kasama dito ang isang batang lalaki, si Spencer. Maagang naulila kaya napatapon sa sira-sirang daigdig. Sinuong niya ang lahat ng panganib at hinarap ng buong tapang ang mga pagsubok upang makaahon, ngunit nadapa dahil sa pagtataksil. Simula noon, one man, one gun; tinahak niya ang mapanganib na landas sa pagitan ng pwersa ng liwanag at kadiliman. Nakikipaglaban siya para sa kanyang dangal kahit pa mamatay siya o kahit ang kapalit ay maging kampon ng kasamaan. Dahil sa kanyang mga karanasan at pinagdaanan ay nais niyang maging emperador ng isang patay at napabayaang planeta para sa mga taong mahihina at walang kapangyarihan. *** Current schedule for updates: Unidentified XD Naisipan ko lang isulat habang may Writers block ako. Action, vampire, werewolves, military at romance ang story. Please vote guys. Thanks! :)
Supremacy Online by KLBacud
KLBacud
  • WpView
    Reads 16,581
  • WpVote
    Votes 1,465
  • WpPart
    Parts 21
"Vengeance is in my heart, death in my hand, blood and revenge are hammering in my head." -W. Shakespeare Daniel at Selena, magkapatid na sinubok ng panahon sa maagang pagkaulila. Napuno ng galit at lungkot ang puso ni Daniel. Sa edad na 13 ay nagsanay siya upang maging isang tagapaslang. Ito lamang ang naisip niyang paraan upang maipaghiganti ang kanilang magulang. Tatlong taon din ang lumipas nang mapagtanto niya na hindi ito ang buhay na gusto ng mga magulang nila para sa kanya. Nagdesisyon siyang magbagong buhay at mabuhay ng masaya kasama ang kapatid na si Selena. Doon nga ba magtatapos? Happy ending na ba agad? Syempre hindi. Magkaka-interes si Daniel sa larong Supremacy. Isang virtual reality massive multiplayer online role playing game. Dito magsisimula ang paglalakbay niya sa bagong mundo. Tiwala, pananampalataya sa Diyos, tibay ng loob, pagtataksil, paglilihim, pagpapatawad, galit, lungkot, saya. Samahan si Daniel sa paggawa ng alamat at pagtuklas sa katotohanan. ★★★Current Schedule: 1 chapter per week ★★★ Hi guys! My first story in wattpad. Suggestions and comments are very welcome. Enjoy! :) Please refer to my other book Supremacy Online Game Guide for some details used in this story. Cover Reference: https://moonworker1.deviantart.com/art/Dragon-Riders-155600060 Dragon Riders by moonworker1