freudfratone's Reading List
177 stories
MY ENIGMATIC STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 283,363
  • WpVote
    Votes 8,468
  • WpPart
    Parts 22
Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat. Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.
One-Week Date Project by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 66,077
  • WpVote
    Votes 2,003
  • WpPart
    Parts 20
Nang ma-"reject" ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head editor ng publishing house na pinagsusulatan niya upang tanungin ito kung ano ang problema. He turned out to be the gorgeous France Buencamino, the guy she rejected back in college for being a playboy. Ayon dito, kulang daw sa romance ang mga nobela niya dahil hindi pa niya nararanasan ang ma-in love. He offered to help her out. "Date me for a week," anito. "It will give you a brief idea of what romance truly feels like." At tiyak daw na ang resulta niyon ay makakasulat na siya ng isang nobela na siguradong maa-approve. She thought it made sense so she accepted his offer But during their "dates," she started to fall for him. May pag-asa bang mauwi sa totohanan ang "romance" nila pagkatapos ng "one-week date" nila? At kung sakali, kaya ba niyang i-reject uli ito kapag napatunayan niyang hindi pa rin ito nagbabago sa pagiging palikero nito?
The Queen of Heralds (COMPLETED) by ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Reads 74,230
  • WpVote
    Votes 2,096
  • WpPart
    Parts 22
Cerise Lopez was the editor-in-chief slash queen bitch of 'The Philippine Herald,' a national broadsheet owned by the Delgado family. Ilag ang halos lahat sa kanya, kahit kasi ang mismong publisher nila na si Julian Luis "Ledge" Delgado, inaaway niya. Pero biglang nagulo ang mundo ni Cerise habang nag-iimbestiga sila sa masalimuot na mundo ng isang sindikato na nagpapatakbo ng isang male sex den. She suddenly found her condo unit trashed by unknown people, getting two of her beloved cats killed. Kinailangan niyang makitira sa bahay ni Ledge para sa kaligtasan niya at ng natitira pa niyang mga alagang pusa. Huli na ng maisip niya na mayroon pa pala siyang hindi nagawang paghandaan: ang pagkahulog ng puso niya kay Ledge Delgado. Dahil kahit anong iwas niya, unti-unti pa rin niyang nakasanayan ang set-up nila. And getting used to having Ledge around was simply a trip bound for heartbreak. - Note: This is Book One of 'The Queen Series'
Camp Speed Series 3: My Stupid Heart [Published Under PHR] (Completed) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 48,699
  • WpVote
    Votes 695
  • WpPart
    Parts 12
"The one who loses, falls." "Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move na ako at hindi na kita mahal, ayaw makinig ng puso ko. My stupid heart won't stop loving you." Slater and Bea had a perfect relationship. They were inseparable. At nakikita na nila ang future sa piling ng isa't-isa ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay ni Bea. Kailangan niyang gumawa ng isang mabigat na desisyon. At dahil mas importante sa kanya ang makasama ang kanyang ama, pinili niyang saktan ang damdamin ni Slater at sumama siya sa kanyang ina pabalik ng Amerika. Limang taon ang lumipas at desidido siyang muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin siya nitong muli. Ngunit kung kailan ang akala niya ay nagtatagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso nito, 'tsaka niya nalaman ang plano nitong gantihan siya. Patuloy pa ba siyang aasa na mamahalin siya nitong muli o susuko na siya na muling mabihag sa puso nito?
If You And Me Are Meant To Be - Published under PHR by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 51,002
  • WpVote
    Votes 943
  • WpPart
    Parts 12
PHR #6227 Fil-Am Marie Hautesserres was instantly attracted to Noah. Nakilala niya ang lalaki sa isang family gathering nang umuwi siya sa Pilipinas para sa concert kasama ang kanyang internationally renowned worship band. Being a celebrity, sanay siyang makakita ng gorgeous men-handsome Hollywood actors, hot sports personalities and sexy models. Pero iba ang dating ng kaguwapuhan ni Noah. Nakadagdag pa sa appeal ng lalaki na isa rin itong musician at composer tulad niya. Mukhang attracted din si Noah sa kanya. Kung hindi, bakit siya sinabihan nito ng, "You're just so beautiful" habang nakatitig sa kanya? But her heart sank when she learned that Noah was already her cousin's boyfriend. Marie went back to Portland, Oregon and resumed with her life. Pero nagulat siya isang araw nang biglang sumulpot sa doorstep niya si Noah. Nasa States ang lalaki para sa isang training na magtatagal nang anim na buwan. They shared common friends kaya lagi silang nagkikita at nagkakasama. Naging sobrang close sila sa isa't-isa. Hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan: they shared a kiss. Alam ni Marie na mali ang nangyayari, na panandalian lang ang lahat. Soon Noah would go back home, into the arms of his girlfriend. Pero mapipigil ba niya ang puso na si Noah ang piniling mahalin?
#ScaryTales by Serialsleeper
Serialsleeper
  • WpView
    Reads 87,369
  • WpVote
    Votes 5,839
  • WpPart
    Parts 8
❝ We all have our own scary experiences, whether it's caused by the supernatural or those of our own kind. This is the time for you to tell your tale ✉ ❞
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 141,617
  • WpVote
    Votes 6,447
  • WpPart
    Parts 93
A famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters ng SCIU - another murder and the killer's suicide. Sa pagiimbestiga ng kaso, nalaman nina Jemimah na iisa lamang ang gumawa ng lahat ng iyon. Isang serial killer ang gumagala sa lungsod, pinaglalaruan ang isipan ng mga tao para sila ay pumatay at pagkatapos ay kitilin ang sariling buhay. Isang monster na ginagawang puppet ang mga tao... Pero hindi magiging madali ang lahat, lalo na at iniimbestigahan nila ang serial killer na nagtatangkang sumira sa kasiyahan nilang lahat - si Destroyer...
A Walk Down The Spring Lane by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 16,051
  • WpVote
    Votes 396
  • WpPart
    Parts 10
Teaser: Sa pangalawang beses na pagtapak ng mga paa ni EM sa South Korea. Walang ibang laman ang kanyang isip kung hindi ang trabaho. Ngunit sa pagdating sa magandang siyudad ng Seoul, dinala siya nito sa isang tao na naging bahagi ng kanyang nakaraan. Si Marcus Yoon, ang miyembro ng sikat na grupong Seven Degrees. Her first love. The man who broke her heart on that one Spring Day. Sa pangalawang pagkakataon, nagulo ang tahimik na buhay ni EM matapos niyang maharap ang binata makalipas ang maraming taon. Akala niya ay okay na siya. Ngunit nang magkita sila nito, bumalik ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan. Lalo siyang nainis kay Marcus ng kausapin siya nito na tila wala itong kasalanan sa kanya. But he always has the way to make her fall for him. Sa naging madalas nilang pagsasama, hindi akalain ni EM na mabubuhay ang pagmamahal niya na minsan niyang naramdaman para kay Marcus. Akala niya ay wala ng katapusan ang saya ng ipahayag ni Marcus ang pagmamahal nito sa kanya. History repeats itself. Again, for the second time, Marcus broke her heart. Dahil bumungad sa kanya ang isang masakit na balita. Marcus is engaged to someone else.
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,331,998
  • WpVote
    Votes 196,697
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
This is How We End (Published under Pop Fiction)  by hanmariam
hanmariam
  • WpView
    Reads 2,973,115
  • WpVote
    Votes 125,979
  • WpPart
    Parts 51
The lethal and the pure. The black and white. Opposite sides burning each other's souls. Parvana Naia Bukhari and Zeus Vincenticus Ferrer. When she first stepped into his life, he knew she was nothing but trouble. Sweet smiles and prayers doesn't fit with his rock n roll soul. As fast as they catch the burning flame of attraction, it spiraled down into nothing but specks of dust. What the fuck is love when religion, beliefs, and their entire lives contradicts each other? This is how we started. And this is how we end.