eayyyy
- Reads 7,464
- Votes 261
- Parts 58
Mika Salamanca, 2nd year college sa DLSU, certified vlogger, content queen, at social media girly. Sanay siya sa camera, sa clout, sa mundo ng likes and shares. Love life? Hindi priority. Basta makapag-upload, makapag-edit, at makasabay sa trend-okay na siya.
Pero lahat nagbago nang isang araw, biglang may pinasok na campus project. At doon niya unang nakilala si Brent Manalo.
3rd year. Suplado. Mysterious. Instagram-famous. Model na halos hindi nagsasalita pero laging pinagtitinginan. Yung tipong pag dumaan sa hallway, automatic slow-mo ang mundo.
Hindi sila magka-vibe. Wala silang common ground. Pero sa isang collab shoot, biglang nagkatagpo ang dalawang mundo. At doon na nagsimulang gumulo ang tahimik na buhay ni Mika.
Pero sa likod ng filters at fame, kaya ba nilang panindigan ang connection nila?
Or magiging isa lang ba 'tong part ng algorithm-na lilipas din?
Because when Mika met Brent... hindi lang siya nagka-content. Nagka-heart content siya. Literally.