mymelodyisyou's Reading List
3 stories
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 56,087
  • WpVote
    Votes 4,044
  • WpPart
    Parts 9
Ano nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa isang kasunduan na ililibre ni Novi si Taurus ng paborito niyang pares kada Huwebes kapalit ng pagtago ni Taurus ng sikreto. Pero tulad ng pagluluto at paghahain ng pares, may mga sangkap na ihahanda ang universe na mas magpapasarap at magpapakulay sa ugnayan nilang dalawa.
Tibok (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 111,235
  • WpVote
    Votes 4,453
  • WpPart
    Parts 8
Tila tadhana nang makita uli ni Kayi si Kabi sa isang salo-salo matapos niya itong makasalamuha sa siksikang tren. Sa dami ng kanilang pagkakatulad, nakabuo sila ng natatanging koneksiyon . . . na madaling namang nakapagpatibok ng puso ni Kayi. Mahirap man, alam ni Kayi na kailangan niyang ihinto ang kanyang mga nararamdaman. Una, may boyfriend si Kabi na hindi niya masikmura. Pangalawa, di rin naman niya alam kung posible bang magkaroon ng pagtingin si Kabi para sa kanya. Pero kung tadhana na ang paulit-ulit na nagsasabing pagmamahalan ang dapat magwagi, mapipigilan pa ba niya ito? Pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo, lila -- ano nga ba ang kulay ng pag-ibig? Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2020 (with additional content). Now available in bookstores nationwide.