Belle Feliz books
2 stories
The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 41,045
  • WpVote
    Votes 2,832
  • WpPart
    Parts 20
Sariwa pa kay Mariquit ang pagkabigo niya sa pag-ibig nang makilala niya si Tutti Madrigal. Halatang interesadong-interesado ang guwapong binata sa kanya ngunit hindi niya magawang i-entertain man lang ang ideya sa kanyang isip. Matindi pa rin ang paghahangad niya na bumalik sa kanya ang kanyang dating nobyo. Tutti seemed perfect. Masarap titigan ito at magagawa niya iyon buong araw dahil sa gandang lalaki nito. Mayaman ito ngunit hindi mayabang o maramot. Mahusay itong kumanta at tumugtog ng gitara. Hindi ito nakakabagot kausap. Napapabilis nito ang tibok ng kanyang puso. May mga pagkakataon na natatagpuan niya ang kanyang sarili na kinikilig dito. Naipaparamdam nito sa kanya na espesyal siya. Kung tutuusin, wala na siyang hahanapin pa sa isang lalaki. But he was like a fantasy, a prince from a fairy tale. Mariquit wanted reality. Plus, she was not a princess, she was the wicked stepsister to Ella, ang anak ng namatay na pangalawang asawa ng kanyang ina at tila may interes din kay Tutti. May posibilidad ba na makuha niya si Prince Charming kung may asungot na Cinderella?
Contessa's Intruder (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 168,478
  • WpVote
    Votes 7,943
  • WpPart
    Parts 24
Nagulo ang nananahimik na buhay ni Contessa sa isang liblib na pook nang may biglang pumasok na magnanakaw sa bahay niya. Inakala niyang tatangayin ng lalaki ang mga alaga niyang hayop pero hindi pala ito kawatan kundi si Adrian Neiderost, ang mapapangasawa ng pinsan niyang si Lindy. Nagtungo raw ito roon upang hanapin ang bride nito na hindi sumipot sa kasal. Hindi nito natagpuan ang pinsan niya dahil hindi naman doon tumutuloy si Lindy. Pero iginiit nitong doon muna ito upang hintayin ang pinsan niya. Tutol siya sa desisyon nito pero wala rin siyang nagawa kundi sumang-ayon. May kakaibang panghalina si Adrian. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na hinahangaan ito. Mali na mahulog nang husto ang loob niya rito dahil masasaktan lamang siya sa huli. Hindi ito mananatili sa kanyang tabi habang-buhay dahil pag-aari ito ng pinsan niya. Pinilit niyang huwag umibig dito pero hindi niya nakontrol ang kanyang puso, umibig pa rin siya rito. At tama siya. Hindi ito nanatili sa tabi niya...