BenDeCastro
- Reads 1,879
- Votes 26
- Parts 12
A Novel by: Joemar Ancheta
Lumaki siJustine sa hirap. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga kamag-anak para lang makatapos sa pag-aaral ngunit hindi isang kadugo ang itinuring sa kaniya kundi isang alila. Gusto niyang maiahon sila sa hirap. Ngunit may madilim siyang nakaraan dahil sa pang-aabuso ng mga taong noong una ay pinagkatiwalaan niya. Nabuo ang galit at hindi niya iyon nakakayanang kontrolin sa tuwing nakakakita siya ng mga alanganin.
Si Liam ay anak mayaman. Isa siya sa mga kinaiinggitang may ginto na sa labi bago pa man siya iniluwal sa mundo. Sunod ang layaw, lahat ng maiibigan madali lang niyang makamit. Ngunit noon pa man ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa kaniyang pagkatao. Dahil sa kaniyang pagmamahal sa pamilya ay minabuti niyang kumilos sa kung ano ang naayon sa kaniyang kasarian.
Ang tingin sa kaniya ng kanilang pamilya ay "Black sheep" at laging may dalang gulo at kahihiyan sa pamilya. Sa tuwing lumalabas ay siguradong may iuuwing balitang sumisira sa reputasyon ng kanilang pamilya. Lahat sinusubukan, alak, sigarilyo, droga at babae.Bilang kaparusahan ay kailangan niyang maranasan ang buhay ng mga mahihirap.
Dahil doon ay pumasok sa buhay niya si Justine.
Kailangan niyang takasan ang mahigpit niyang Bodyguard ngunit paano kung may nararamdaman na siyang paghanga sa akala niya ay nagbabantay para sa kaniyang kaligtasan? Paano niya tatanggapin ang pagiging iba ngayong tinutupok na siya ng iniiwasan niyang damdamin. Ang masaklap pa ay ikakasal na sa babae ang lalaking tanging minahal niya. Ang lalaking pinangarap niyang dumating ngunit malabong siya ay papansinin dahil sa paniniwalang isa siyang tunay na Adonis. Saan siya dadalhin ng pagmamahal na ito? Kailangan ba niyang ipaglaban sa kawalang pag-asa o kailangan niyang kalimutan at hintayin ang talagang para sa kaniya?