jayvelll's Reading List
22 stories
PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 27,314,711
  • WpVote
    Votes 451,759
  • WpPart
    Parts 44
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them together, will this be a chance to make them acknowledge the growing feelings they have for each other? *** Growing up in a conservative family, Shiela Mariano believed in the 'no sex before marriage' rule. That was until she got cheated on by her ex-boyfriend and so she decided to throw her inhibitions away with a stranger. But when her one-night stand got her pregnant, her father disowned her and was left alone with her twins. Then came Magnus San Diego, the ill-tempered boss of the company that she's trying to get into. No matter how hard she tried to avoid him, circumstances always brought them together. Will the growing annoyance that they have for each other change when they finally discover that they were each other's perfect stranger? Cover Design by Rayne Mariano DISCLAIMER: This story is written in Taglish.
SUKIYAKI (COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 387,119
  • WpVote
    Votes 14,247
  • WpPart
    Parts 32
Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang magsasaka. Simple lamang ang pangarap niya sa buhay. Mabigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang at kapatid. At isa lamang ang naiisip niyang paraan para maisagawa ang ganoong misyon sa buhay---ang Tita Chayong niya na matagal nang nakabase sa Japan. No'ng una inisip niyang mag-asawa na lang ng matandang Hapon para mapadali ang pagtupad niya sa number one life goal niya. Subalit nang mapag-alaman niyang maaari rin pala niyang magamit ang tinapos na kurso sa Education, nagpursige na siyang maghanap ng trabaho bilang English teacher. Kaso sa kasamaang palad ay hindi siya matanggap-tanggap sa mga pinag-aaplayan... Siya naman si Kaito Furukawa. Nag-iisang anak ng may-ari ng Furukawa Builders, ang pinakamalaking construction company sa buong Kansai. Sanay siya sa maluhong buhay. 'Ika nga'y nakahiga sa salapi. By a twist of fate, nagkrus ang landas nila ng ating dalagang Pilipina na simula't sapol ay mainit na ang dugo sa binata. Napagkamalan pa niya itong bulakbol na salary man kahit na ilang beses nang sabihan ng tiyahin na galing ito sa mayamang angkan sa Osaka. Ang tingin kasi ni Pipay dito batugan, pero dahil kaibigan ng tiyahin niya ang ama nito'y bini-build up na lang sa kanya para may pumatol ding babae. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Pipay kapag nalaman niya na ang inakalang bulakbol na salary man ay may-ari pala ng pinakamalaking video game company sa buong Japan at nag-iisang tagapagmana ng Furukawa group of companies?
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 1,328,484
  • WpVote
    Votes 42,924
  • WpPart
    Parts 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano raw kasi makakayang bilhin ng isang ordinaryong Pinoy family ang koleksiyong luxury cars ng pamilya nito? Dahil sa paratang na iyon inulan ng batikos si Alexis. Sa galit ng dalaga, tinawag niyang sukdulan ng panget at poorito si MarkydeLurky at inakusahan pang inggit lang ito sa estado niya sa lipunan. Nagkahamunan silang mag-eyeball para ma-settle na ang issue nila sa isa't isa once and for all. At laking gulat ni Alexis nang matuklasan na ang lalaking inakala niyang hampaslupa at ubod ng suwanget ay isa pala sa kinalolokohang San Diego brothers ng mga kolehiyala sa Maynila. Paano na niya ito haharapin ngayon? ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 1,653,780
  • WpVote
    Votes 54,384
  • WpPart
    Parts 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni Markus noon daig pa ang basahan. Ganunpaman, kahit ano pa ang sabihin ng kanyang utak, Marius found himself wanting her. At hindi lang iyon basta-basta pagkagusto. Kaya niyang isugal ang buhay para lamang sa dalaga! Pero paano kung matuklasan niya ang sekreto nito? Mamahalin pa rin kaya niya ito sa kabila ng lahat? ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"
MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 1,343,315
  • WpVote
    Votes 41,693
  • WpPart
    Parts 29
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng feelings niya rito. Ang gusto raw nito'y isang modelo ng mga panties at bra. In short, pakakasal lamang ito sa isang Victoria's Secret angel. Nang nagdalaga sila't nagbinata, nagtaka ang dalaga kung bakit grabe itong makabakod sa kanya to the point na wala na halos makalapit sa kanyang manliligaw. Naisip tuloy niya, gusto rin kaya siya ni Matias? Kung kailan nag-iilusyon na siyang nagkapitak na rin siya sa wakas sa puso nito'y saka naman sasabihin ng damuho na biro lang ang lahat. Hanggang kailan kaya maghihintay si Ella na totohanin ni Matias ang mga biro-biro nito sa kanya? Dapat pa ba siyang maghintay o maghanap na lang ng iba? ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 561,581
  • WpVote
    Votes 24,469
  • WpPart
    Parts 42
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa paghahanap ng ka-match ng kanyang bone marrow ay matatagpuan niya rin ang lalaking magpapabago sa kanyang pananaw at magpapatibok sa niyeyelo niyang puso. Si Moses San Diego ay isang accomplished businessman. Masasabing maswerte siya sa buhay dahil nakamulatan na niya ang karangyaan, subalit hindi ito ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam ng binata, isang sumpa ang mapabilang sa pamilyang San Diego. Lahat kasi ng mga tao sa paligid ay sumasamba sa kanila. Isang hamon tuloy ang makakita ng isang babaeng tunay siyang mahal at hindi dahil isa siyang San Diego. Isang araw, naisipan na lang niyang magpakalayu-layo sa anino ng kanilang angkan at mamuhay bilang si Mon Batumbakal, isang hamak na janitor ng Bianchi-Moretti Corporation sa Chantilly, Virginia. Ano kaya ang mangayayri kapag pinagtagpo ang isang dalagang bato na ang puso at isang binatang wala na ring tiwala sa kapwa? ABANGAN! ********** Alam ko marami ang maiinis dahil nga hindi pa tapos ang dalawang kuwento pero heto't may sisimulan na naman ako. Hehehe! Sorry, guys. I just want to write the plot so I can have peace of mine. :) Promise, hindi na lalampas ng Setyembre bago matapos ang dalawang ongping stories. I am planning to finish When I love this July-August. Cheers! ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 553,146
  • WpVote
    Votes 18,990
  • WpPart
    Parts 32
NORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, minalas siyang mapabilang sa pamilya na may mga kuyang pinaulanan ng Diyos ng kaguwapuhan at kakisigan. Tuloy ay tumataas ang kilay ng sinuman kung sasabihin niyang kapatid niya ang mga kuya niya. Idagdag pa ro'n ang pagkakaroon niya ng mga kaibigang gaya nila Ysay at Leigh na sadyang lingunin ang kagandahan at kaseksihan. Kaya nang makilala niya ang isang Lukas Borsett, isa sa mga Norwegian engineers na nakatoka sa hotel project ng kompanyang pinagtatrabahuhan, ni hindi niya inisip na magkakagusto ito sa kanya. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang blonde hunk na isa sa pinagkakaguluhan sa upisina nila ay sa kanya manligaw? Pero totoo nga naman kaya ito? O baka ginu-good time lang siya ng damuho. Baka tama ang narinig niyang tsismis na isa lamang siya sa Filipina conquests nito. Pagkakatiwalaan pa kaya niya ito o maghahanap na lang siya ng Pinoy na magkakagusto sa isang katulad niya?
NOW OR NEVER (COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 450,221
  • WpVote
    Votes 15,671
  • WpPart
    Parts 27
THORPE SERIES #3 (This is Nathan Thorpe's story. SIya ang isa sa kambal na anak ni Brian Thorpe at Alex Marquez sa The Jilted Bride.) ********** Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Desperada. Damsel in distress. Hayok sa UK visa. Ganoon ang pagkakilala ni Nathan Thorpe kay Aalia Carlson. Hambog. Bastos. Kaibigan ng scammer. Iyon naman ang impresyon ni Aalia kay Nathan. Sabi nga nila, birds of the same feather flock together kaya naniwala rin ang dalaga na isa ring walanghiya si Nathan. Subalit nang mangailangan siya ng matitirhan sa London ay nagmagandang loob ang binatang patuluyin siya sa townhouse nito. Mababago kaya ng pagtira nila sa iisang bubong ang impresyon nila sa isa't isa?
YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED) by Gretisbored
Gretisbored
  • WpView
    Reads 571,495
  • WpVote
    Votes 16,036
  • WpPart
    Parts 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudyante roon simula ng sila'y nasa elementarya pa lamang, outcast ang turing nila kay Mara. Lagi na lang siyang target ng pambu-bully lalung-lalo na ng grupo nila Minami, ang pinaka-popular na babae sa campus at ni Keisuke, ang guwapong swimmer. Naging malala ang naranasan niya sa kamay ng mga ito nang ipakilala siyang girlfriend ng pinaka-hot na baseball player at lider ng banda ng eskwelahan na si Ryu Otsuji--pamangkin ng pangalawang asawa ng mama niya. Kagaya ni Minami, galit din si Ryu kay Mara. Subalit ang ipinagtataka ng dalaga, lagi na lang siyang nililigtas ng binata sa mga kamay ng kanyang bullies sa tuwing nalalagay sa panganib ang kanyang buhay. Gusto kaya siya nito? O baka hinahanda lang siya para sa plano nitong paghihiganti dahil sa pamumulabog daw nila ng tahimik niyang buhay? ********** Ang nasa cover po ay si Jin Akanishi---ito ang gumanap sa papel ni Hayato Yabuki sa Gokusen 2. Ang kuwentong ito ay inspired ng character ni Yabuki. :) Thank you for supporting my story.
The 13th Guy [On-going] by marielicious
marielicious
  • WpView
    Reads 9,183,689
  • WpVote
    Votes 289,279
  • WpPart
    Parts 100
X10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic pa nang malaman kong magiging step-brother ko ang isa sa mga naantalang boyfriend ko sana noon. But hey, he seems to be a cool step-brother, eh? Hindi naman ako desperada pero tinulungan niya akong magkaroon ng boyfriend by setting me up to thirteen guys on his list. Let's see if this will work... Book cover made by @minmaeloves