isaraulo's Reading List
4 stories
Tenebris Anima by DyslexicParanoia
Tenebris Anima
DyslexicParanoia
  • Reads 879,366
  • Votes 28,821
  • Parts 53
Walang taong ipinanganak na masama. Ngunit si Seth, isang lalaking hinubog ng pait ng nakaraan, ay hindi kailanman nabigyan ng pagkakataong piliin ang sarili niyang landas. Sa kanyang mga mata, anino ang sumisilip-multo ng kahapong puno ng sakit, lungkot, at pagkakanulo. Pilit niyang tinakasan ang dilim, ngunit sa mundong malupit, siya ay itinulak palalim sa anino at napilitang maging isang mamamatay-tao. Ngunit ano ang hustisya kung ito ay nababahiran ng dugo? Ngayon, hawak ang punyal ng paghihiganti at ang baril ng hustisyang ipinagkait sa kanya, si Seth ay naglalakbay sa landas ng kamatayan upang ipaglaban ang katarungan para sa iba-katarungang kailanman ay hindi niya natamasa. Sa gitna ng dilim at liwanag, kasalanan at katubusan, alin ang mananaig sa pusong bihag ng galit at pagdadalamhati? Humanda ka sa isang kwento kung saan ang pag-ibig ay nakikipagtagisan sa poot, ang hustisya ay nakikipagsayaw sa karahasan, at ang isang lalaking pinipilit magpatawad sa sarili ay natatagpuang nakaharap sa katotohanang maaaring huli na ang lahat. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Standalone Cover Design: DPEditors Started: August 2016 Completed: March 2017
A Doctor's Love Story **Published under Lifebooks** by YGKing
A Doctor's Love Story **Published under Lifebooks**
YGKing
  • Reads 51,400
  • Votes 861
  • Parts 10
Nakilala ni Aliyah si Dane nang matanggap siya bilang doctor sa isang private hospital sa bayan ng Kitcharao. Unang kita pa lang niya rito ay naattract na siya. Pero pinigilan niya ang sarili niya na mahumaling dito lalo nang malaman niya ang record ng pagiging playboy nito. Parang laruan lang ang tingin nito sa mga babae. Dahil sa hindi niya maiwasan ito sa trabaho ay lagi niyang binabara at pinagsusungitan. Hanggang sa dumating ang araw na dinukot siya ng mga rebelde. Nagulat na lang siya nang makita niya ito sa kampo ng mga rebelde matapos ang ilang araw para iligtas daw siya nito at handa daw itong isugal ang buhay makita lang siya nitong ligtas. Seryoso kaya ito o isa lamang itong laro upang maging bahagi siya ng listahan sa mga babae nito? Pero pareho silang nagimbal sa isang rebelasyon na pareho nilang natagpuan doon...
Tales of Love and Lust by Vanessa_Manunulat
Tales of Love and Lust
Vanessa_Manunulat
  • Reads 376,334
  • Votes 3,389
  • Parts 20
A compilation of stories of love and lust that all started in No Tomorrow, a rave party.
Ivy's League by JasmineEsperanzaPHR
Ivy's League
JasmineEsperanzaPHR
  • Reads 133,535
  • Votes 3,544
  • Parts 14
"Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He's out of my league." Teaser: Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. "Ano ba?" mataray na sabi niya dito. "Miss, sorry, ha?" Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba't ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were... pink! Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. Was it really pink? Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi? At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing. French kissing, she emphasized to herself. ******** Hi, everyone! This is one of my previously published book. I am posting a part of the book for all of you to read. I hope you enjoy the excerpt. Published under PHR Men In Blue Imprint