Akira Ellie PHR
9 stories
Love Thy Neighbor (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 84,767
  • WpVote
    Votes 1,565
  • WpPart
    Parts 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao. Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban na niya iyon kahit pa nga mukhang walang interes ito sa kanya. Nang malaman pa niya ang totoong katauhan nito ay lalo siyang nawalan ng pag-asang mamahalin din siya nito. Paano naman ang pagsinta niyang inabot nang isang taon? Hanggang isang gabing nalasing siya ay hinalikan siya nito. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?
Tale As Old As Time (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 79,362
  • WpVote
    Votes 1,447
  • WpPart
    Parts 12
Dahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang makilala niya si Kwesi. Para itong anghel na pinababa sa lupa upang mabilis siyang maka-recover mula sa pagkasawi niya. Sa maikling panahon ay na-in love siya sa binata. Kinalimutan niya ang mga agam-agam dahil sa puso niyang nagpasyang mahalin ito. Hanggang sa malaman niya kung sino ba talaga ito at kung ano talaga ang pakay nito sa kanya. Dapat pa ba niyang ipagkatiwala rito ang puso niya o hahayaan na lamang niyang masaktan siya nito?
Bright Like Neon Love by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 13,050
  • WpVote
    Votes 576
  • WpPart
    Parts 21
Meet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa gusaling iyon ay Block Seven. No one would dare come near Block Seven. Halos lahat ng mga estudyante ng RIS ay takot sa grupong kinabibilangan ni Neon dahil kilala sila sa pagiging brusko. But not him. Meet Xanther Garcia. Pogi extraordinaire. Ito ang dakilang transferee na may malaking paniniwala na kayang-kaya nitong pasukin ang Block Seven... Pati na rin ang puso ni Neon.
Loving Him Is Red by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 7,168
  • WpVote
    Votes 200
  • WpPart
    Parts 10
Caleb loved Reddin–the most notorious woman in RIS– the moment he laid eyes on her. Kahit alam niyang imposibleng maging sila nito dahil matigas pa sa bakal ang puso nito, he still stayed beside her acting to be her friend-slash-classmate, then eventually, business partner. Sa bawat taong dumaraan na kasama siya nito ay unti-unting nawawala ang pag-asa niyang mababago ang relasyon nila ng dalaga. But maybe, gods heard his prayers when one fateful day, she had an accident–and lost all her memories. “Sino ka?” tanong ng dalagang puno ng kalituhan ang ekspresyon sa mga mata. Nag-alis si Caleb ng bara sa lalamunan. It’s now or never. “I’m Caleb, your fiancé,” kinakabahang sagot niya dito.
Twinkle's Star by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 69,393
  • WpVote
    Votes 1,138
  • WpPart
    Parts 11
Sa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa't isa. Kaya nang malaman ni Milo na may bagong kinalolokohang lalaki si Twinkle ay talagang nag-panic siya. He realized that he can't just give Twinkle to any man. So, he proposed to her. Ipinangako ni Milo sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mapasaya si Twinkle. Pero hindi pala mangyayari ang lahat ng iyon dahil sa isang biro ng tadhana. Isang malagim na aksidente ang bumago sa pagmamahal nito sa kanya.
It's Gonna Be Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 97,644
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 10
Hindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at kabanda nito na si Milo. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit sa iniirog ay nilapitan niya ito at nagpatulong na "ilakad" siya kay Milo. Pumayag ito ngunit binigyan siya nito ng kondisyon: kailangan niyang maglinis sa apartment nito tatlong beses sa isang linggo. Walang nagawa si Cindy kundi pumayag. Iyon lang ang tanging paraan para magkaroon ng katuparan ang fairy-tale love story nila ni Milo. Sa bawat araw na kasama niya ito ay unti-unting nagbabago ang nararamdaman niya para kay Colt. Sa halip na si Milo ang laman ng panaginip at pantasya niya ay ito ang naging perma- nenteng namamahay sa isip niya. Lalo lang niyang nasiguro na mahal na niya ito nang ma-threaten siya sa mga babaeng umaaligid dito. Ngunit mukhang kahit ano pa ang gawin niya ay hindi rin magkakaroon ng katuparan ang love story nila dahil pagtinging-kaibigan lang ang nararamdaman nito sa kanya.
Take A Chance On Me (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 92,631
  • WpVote
    Votes 1,711
  • WpPart
    Parts 10
Dahil sa pagmamahal sa mama niya, napadpad si Drei sa Lucban, Quezon para hanapin ang tahanan ng mga Moretti kung saan ay nakatira ang pintor na si Pazzia na ni minsan ay hindi niya hinangaan ang obra. Ngunit nang makita niya ito, na ang tunay na pangalan pala ay Nerissa, inihanda niya ang sarili na kalimutan ang lahat ng morbid at nakakadiri nitong paintings. He instantly fell in love with her kahit mukhang ang plano nito ay bigyang-buhay ang Addams family. Kaya naman nagkampo siya sa bahay nito para makapasok sa buhay nito. Sa bawat araw na inilalagi niya sa bahay nito, lalo niya itong nakikilala at ang bawat sekretong pilit nitong itinatago sa ibang tao ay kanyang nahahalukay. But it did not stop him from loving her and begging her to take a chance on him. Ang kaso... hindi yata talaga nadadaan sa panunuyo si Nerissa.
Jackpot In Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 94,808
  • WpVote
    Votes 1,463
  • WpPart
    Parts 10
Dahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya-at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya. Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa buhay nila ng kanyang ina. Kaya nang sabihin sa kanya ni Hero na nasa pangangalaga nito ang ticket niya, agad siyang sumang-ayon sa kondisyon nito para maibalik sa kanya ang ticket-kailangan niyang magpanggap na nobya nito. Pine-pressure kasi ito ng tatlong tiyahin nito na maghanap na ng mapapangasawa dahil kung hindi ay ibebenta ng mga iyon ang shares sa kompanya at mapupunta ang pamumuno niyon sa ibang tao-bagay na ayaw mangyari ni Hero. Kailangan nila ang isa't isa kaya nagtulungan sila. Pero nang makilala ni Barbie nang husto ang binata, tila nawaglit na sa isip niya ang pangarap na maalwan na buhay. Napalitan na iyon ng pangarap na makasama ang binata sa habang-buhay. Ngunit may lihim na maaaring sumira sa pangarap niyang iyon...
Love And Lies (Published Under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 80,373
  • WpVote
    Votes 1,225
  • WpPart
    Parts 9
Helloooo~ It's G and I'm using this account. R and N are still busy kaya hindi pa matapos ang story ni Red. So, for the mean time, I'll post here yung mga unedited manuscripts ko. 'Yun lang, bow. Hindi lang ang pagiging vocalist ni Jessie sa bandang Picayz ang dahilan kung bakit sikat siya sa Saint Raphael University. Kilala rin siya sa bansag na "snob, heartless, unfeeling bitch" dahil sa hindi niya pagpansin sa mga lalaking pilit lumalapit sa kanya. Then she met Nathan Valdez. Dahil sa kapatid nito ay kumalat sa buong campus na "magkasintahan" sila ni Nathan. At tila hindi tumalab sa lalaki ang mga bansag sa kanya. Nagawa pa nitong ialok sa kanya na magpanggap sila bilang magkasintahan. Kailangan nito ang tulong niya para makaiwas sa babaeng naghahabol dito. The next thing she knew, napapayag na siya nito sa alok nito. Inisip niyang pareho silang makikinabang doon. Ngunit hindi niya inaasahang madaragdagan ang mga dahilan niya sa pagpayag niyang iyon. At ang dahilan na iyon? She started to fall for Nathan...