JeConquis
Sabi nila, kung magdedesisyun daw ang isang tao kung sino ang dapat niyang piliin sa dalawang taong iniibig niya, piliin niya raw yung ikalawa. Dahil hindi naman daw niya mamahalin ang ikalawa kung mahal niya talaga ang una.
Ngunit sa mundo ng pag-ibig, hindi lang iyon ang basihan sa pagpili ng dapat mahalin. Minsan kasi, may mga tao rin namang mahal talaga yung una kaya lang mas pinili nila ang ikalawa dahil iyon ang nararapat para sa sitwasyon na naro'n sila.
Iyon bang pakiramdam na kailangan niya na lang magsettle sa ikalawa dahil hindi siya makalabas sa sitwasyon na naroroon siya.
Iyan ang hinaharap ni Mara Claire Torres sa buhay pag-ibig niya. Ngunit hahayaan niya nalang ba na tuluyan siyang lamunin ng sitwasyon na pigilan siya sa pagpili nung na una? O baka naman mahal niya talaga ang ikalawa kaya hindi niya ito kayang saktan at iwanan nalang?
Love indeed is complicated for the complicated persons like, Mara Claire.