MaribelMabaylan's Reading List
4 stories
The Reckless Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 209,993
  • WpVote
    Votes 2,831
  • WpPart
    Parts 10
Lakas-loob na nakipagpustahan si Elise kay Jarvis kahit na malaki ang posibilidad na matalo siya at maging alipin nito. Hindi niya rin naman kasi akalain na seseryosohin iyon ng lalaki kaya napasubo na siya. She gave her hundred and ten percent for her overall makeover. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil nakilala siya bilang isang "playgirl" kahit na medyo edited version lang naman iyon ng katotohanan. Ngunit kung kailan akala niya ay tagumpay na siya, nalaglag ang panga niya sa sahig nang muli silang magkita ng lalaki makalipas ang sampung taon! Kung dati kasi ay fafable na ito, ano pa kaya ngayong nag-mature na ang mga assets nito? Puwede na nga siguro itong bigyan ng free pass sa Mount Olympus kung saan ito nababagay. The guy's a freaking god of hotness! Ano kaya kung magpaalipiin na lang siya rito? Hindi na siguro siya talo doon...
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,292
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 974,396
  • WpVote
    Votes 15,318
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Paint My Love (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 829,426
  • WpVote
    Votes 13,175
  • WpPart
    Parts 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.