Head over Heels(Completed)
endorphinGirl
- OKUNANLAR 2,165,126
- Oylar 48,012
- Bölümler 43
LOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon.
Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang lugar. Hindi lang kayamanan ang kanyang maipagmamalaki dahil taglay niya rin ang kagandahan na hindi matatawaran. Nakukuha niya lahat ang lahat ng kanyang luho at nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto. Ngunit isang gabi ay may nangyaring aksidente sa kanilang sasakyan na halos maging dahilan ng kanyang kamatayan. Mabuti na lamang at nailigtas siya ng isa sa pinakamagaling na neurosurgeons, si Dr. Arthur Alarcon. Isang guwapo, matipuno ngunit masungit na manggagamot. Sa kabila ng kapintasan nito ay nahulog ng husto ang kanyang loob dito.
Lumipas ang siyam na taon, nagkaroon siya ng masidhing pagnanais na tumanaw ng isang malaking utang na loob sa manggagamot. Ang kaso, hindi pera o kahit anong materyal na bagay ang kailangan nito kung hindi ay isang...yaya! Yaya ng isa sa mga anak ng biyudong si Dr. Arthur. Makakaya ba niyang lunukin ang kanyang pride at kalimutan ang karangyaang nakasanayan para lang pagsilbihan ang taong nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataong mabuhay?