username48
My journal,
Sa bahay laging magulo, minsan may demonyo, minsan naman may anghel tas maya-maya magiingay kasi gusto ng kumain ng walang kwenta kong kapatid. Alam mo yun! Spoiled much, di naman gwapo, palagi pang mabaho. Whatever, di ko aaksayahin ung oras ko sa kanya, at wala din akong balak na sabihin ang pangalan nya. Never ever. So eto na nga dito sa journal ko sasabihin ko sa inyo lahat ng mga nangyayari sa buhay ko (wala akong pake sa hindi interesado, bahala kayo. Pag di nyo to nabasa, parang half of your life di ka kuntento). Well, hindi ako magpapakilala, sa dulo na lang para may thrill. Basta 4th year highschool na ko, babae ^,^, cute, mabait, maganda, magalang, kahit kaylan di naging BV. Syempre lahat yun di totoo. Tanong mo pa sa mga kaibigan ko, kung meron man. Meron akong kabati, meron ding akong kaaway, kinaiinisan, sinusupladahan. I'm just a normal sweet girl :D.