user37440598's Reading List
63 stories
FLOWER BOYS HOST CLUB 2: XIEN, My Hunky Master by HirayaZR
HirayaZR
  • WpView
    Reads 48,027
  • WpVote
    Votes 1,154
  • WpPart
    Parts 56
Sa isang pagkakamali, nabasag ni Reinne ang antigong figurine na pag-aari ng isang mayamang detective, si Xien Leighton. Ang halaga ng figurine ay isang daang dolyar - isang halagang hindi niya kayang bayaran. Kaya naman, naging instant all-around maid siya ng masungit at supladong amo. Ngunit, sa gitna ng kanilang hindi pagkakasundo, magkakaroon kaya ng pag-ibig na sisibol sa kanilang mga puso? Isang pag-ibig na magpapabago sa kanilang mga buhay magpakailanman?
The Unexpected You (COMPLETE) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 95,277
  • WpVote
    Votes 2,220
  • WpPart
    Parts 10
Isang eccentric music genius ang biglang nawalan ng gana magpaka-music genius dahil nawalan ng inspirasyon sa buhay. He met an ordinary girl one day, and fell for her. Unfortunately, the girl had other dreams, like going abroad to work for her family's future. Mukhang mawawalan na naman siya ng inspirasyon. Good thing he had a bunch of crazy friends who helped him with his problem. Pero mas lalo lang lumala ang problema ni kuya. Paano na ang lovelife niyang walang kwenta? Paano na ang puso nyang ngayon pa lang natutong magmahal? Sino sa mga kaibigan niya ang uunahin niyang upakan?
Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 167,008
  • WpVote
    Votes 4,340
  • WpPart
    Parts 11
Ginamit ni Moira ang lahat ng nalalaman niya sa taekwondo upang mapatumba ang taong sumusunod sa kanya nang minsang mag-jogging siya sa gabi. Pero mukhang mas magaling at mas mabilis ito. Hanggang sa magpakawala siya ng malakas na sipa. "Ops, ops." Nasalo nito ang kanyang paa. "Huwag si Manoy ko." She knew that voice. It was Chancellor Ortega III, her neighbor and her favorite enemy. "Bitiwan mo ako!" "Muntik mo ng madisgrasya ang future ko. Kaya mag-sorry ka muna." "Manigas ka!" "Sige, kiss na lang."
My Super Shy Boyfriend by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 217,339
  • WpVote
    Votes 8,545
  • WpPart
    Parts 65
My boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.
Territorio de los Hombres Series 4 Batch 1: Urbino Caleon  (Published by PHR) by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 256,793
  • WpVote
    Votes 5,893
  • WpPart
    Parts 23
"I wanna marry her and put her up on a pedestal if only she'd let me." Maraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pagkakaroon niya ng anak na walang nagisnang ama. Hindi siya naghahanap ng katuwang sa buhay. Kontento na siya sa pagmamahal ng kanyang anak. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya si Urbino-ang dating nobyo ng kanyang kapatid at matagal na niyang lihim na minamahal. Para itong hulog ng langit na naging sagot sa kanyang mga dasal. Napakalaki ng puso nito para tanggapin ang lahat-lahat sa kanya, pati na ang ginawang pag-iwan kay Urbino ng kapatid niya sa araw ng kasal ng mga ito. Ipinakita ng lalaki ang labis na pagmamahal kay Kristina at inalok pa siya ng kasal. Dahil doon ay nagsimula siyang humabi ng mga pangarap-pangarap na agad ding gumuho nang sa araw ng kanilang kasal ay hindi dumating ang lalaki...
My Favorite Girl (Completed) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 103,135
  • WpVote
    Votes 3,288
  • WpPart
    Parts 22
Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkatuluyan sina Kraige at Cleo. And yes, proud at masaya siya na naging successful ang plano nila. Pero ang masama, na-love at first sight siya kay CeeCee--- ang ex-fiancee ni Kraige na iniwan nito dahil sa udyok niya. Nakita niya kung ga'no ka-devastated si CeeCee pero nakita rin niya kung ga'no ito katatag at kabait sa kabila ng heartbreak na pinagdadaanan nito... dahil sa kanya. He fell madly in love with CeeCee. Pero pa'no niya aaminin dito na siya ang dahilan kung bakit ito iniwan ni Kraige? He doesn't want to lose CeeCee, dammit.
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 161,694
  • WpVote
    Votes 3,027
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
The Right Mr. G (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 124,281
  • WpVote
    Votes 1,838
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2012 "Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita. Letter 'G' ang umpisa ng pangalan niya. Isang bato ang ibibigay niya sa 'yo bilang simbolo ng kanyang pag-ibig. Bibigyan ka rin niya ng tatlong puting rosas bilang simbolo ng puro at wagas na pagmamahal niya." Iyon ang sinabi kay Leila ng manghuhula tungkol sa lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi siya likas na nagpapaniwala sa hula, pero nang isa-isang magkatotoo ang mga senyales na sinabi ng manghuhula ay unti-unti siyang nakumbinsi na totoo iyon. Mr. G was indeed her destiny. Ang problema, dalawang "Mr. G" ang swak sa hula sa kanya. Si Glenn, ang suitor niya na pang-CEO ang dating, at si Gerry, ang guwapong "ampon" ng pamilya niya, maginoo pero medyo pilyo ang dating. Dumating ang pagkakataong kailangan nang mamili ng puso niya. Ngunit may isa pang problema. Dahil mahal ng kapatid niya ang lalaking napili niya.
Unbreak My Heart (as published by Precious Hearts Romances) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 65,929
  • WpVote
    Votes 1,411
  • WpPart
    Parts 11
A Legarda Series Spin-off - Mico & Sugar's story (I suggest you read this after Race Me to Your Heart) Galit si Sugar kay Mico. Iyon ay pagkatapos siyang iwan nito pitong taon na ang nakararaan na walang naging balita rito sa mga panahong iyon. Pero isang araw ay bigla na lang itong bumalik sa buhay niya at sinabing nais nitong bigyan uli ng pagkakataon ang relasyon nila. Tumanggi siya pero mapilit ito. Niligawan uli siya nito. Sinikap niyang bale-walain ang lahat ng efforts nito, dahil takot siyang mahalin ito. Hindi na niya kayang masaktan-especially for the same reason and with the same person. Pero kaya ba niyang panindigan ang desisyon niya gayong araw-araw ay palaging ito ang naiisip niya at unti-unting napapaniwala nito ang kanyang puso na mahal siya nito at hindi siya sasaktan?
Race Me to Your Heart (as published by Precious Hearts Romances) by maryruthwrites
maryruthwrites
  • WpView
    Reads 149,234
  • WpVote
    Votes 3,172
  • WpPart
    Parts 12
The Legardas Book One - Lynd's Story Lynd was a playboy, born a playboy's son, and raised a playboy. Isang normal na gawain na para sa kanya ang magpapalit-palit ng nobya. Kaunting bola lang ay kusa nang bumibigay ang isang babae. At kapag nagsawa na siya rito, agad na hinihiwalayan niya ito, and he would proceed to a new one. Ngunit iba talaga ang topak ng isang Shenise, ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa kanya-isang babaeng pinaliguan ng sandamakmak na katarayan at isang babae na ni lamok ay matatakot dumapo rito. He planned to play with her. Mukha kasing masaya itong paglaruan. But his game turned out to be her game. Siya ang naakit nito, siya ang nahumaling dito, at siya ang naghahabol dito. Never pang nangyari iyon sa history ng mga Legarda. The moment his arms were around her, everything changed. He found... love.