FluffyChicz's Reading List
3 stories
Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1] | Published on AMAZON  by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 315,088
  • WpVote
    Votes 1,220
  • WpPart
    Parts 5
Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang ginaganap sa kapwa nila kaharian. Ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom, ang mga kahariang ito ay hindi kailanman uurong sa kanilang mga pansariling layunin at hinding-hindi kailanman makikita ang kanilang sarili na nasa ilalim. Sinasabing ang paglitaw ng Lungsod ng Dou na nagdudulot ng kapayapaan sa mga lupaing ito hanggang sa mga araw na ito dahil sa Kasunduan ng apat na kaharian na ito. Ngunit hanggang kailan magiging mabisa ang isang kasunduan o paano mas masusuportahan ng kapirasong kontrata na ito ang paparating na mga digmaan na gagawin ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian kung ganid ang nananaig sa kanilang mga puso? Sa edad na anim, napagtanto ng batang si Li Xiaolong ang hirap ng kanilang buhay dulot ng masama at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sumasakop sa kanilang angkan na Li Clan. Ito ay usap-usapan na ang kanilang Li Clan sa nakaraan ay nagpapagalit sa kanila ng Sky Flame Kingdom at hanggang ngayon ay nananatiling hindi nalutas na nagresulta sa ilang mapangwasak at kasawian ng Li Clan sa mga kamay ng kahariang ito. Ang Li Clan ay itinuturing na isang progresibong angkan sa nakaraan. Ang pagkakaroon ng ilang mahusay na tagumpay at pundasyon sa mga lupaing iyon na naninirahan sa mga progresibong angkan ngunit ngayon ay itinatapon sila sa mababang uri ng lupain sa Green Valley kung saan kailangan nilang magsimulang mabuhay muli at magpatuloy sa kanilang sariling pamumuhay. Ang sinasabi noon na nasa masaganang buhay ay nakabaon na sa nakaraan. Makakaligtas kaya sila sa kamay ng matataas na opisyal ng Sky Flame Kingdom kung sila ay mismo ay nananatiling mahina?
Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 418,100
  • WpVote
    Votes 74,710
  • WpPart
    Parts 72
Synopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumapaw na ulit sa determinasyon at buhay ang kanyang mga mata. Mayroon na siya ulit inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang mga hangarin sa buhay. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan dahil sa pagsasabwatan nina Munting Black, mayroon siyang natutunang bagong karanasan na kinapulutan niya ng aral. Mas lalo pang lumawak ang kanyang pag-iisip, at mas naunawaan niya kung gaano kadilim ang mundo ng mga adventurer kung saan anomang oras ay mayroong trahedyang maaaring mangyari. Ganoon man, ngayong humiwalay na ng landas si Munting Black at ang mag-asawa nina Leonel at Loen, mas mapapabuti kaya ang buhay ni Finn, o mas lalo siyang mahihirapan? Date Started: June 1, 2022 --
Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 731,649
  • WpVote
    Votes 119,827
  • WpPart
    Parts 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul sa loob ng isang misteryosong mundo. Bagong mga kalaban, kakampi, at katunggali ang kanyang makikilala sa pag-aagawan sa mga oportunidad at kayamanan. Isang panibagong paglalakbay na puno ng misteryo at pakikipaglaban sa loob ng mundong tinatawag na "Mundo ng Alchemy". Ganoon man, sino ang nilalang na nagmamay-ari sa mahiwagang mundo? At ano ang kanyang magiging papel sa buhay at pakikipagsapalaran ng binata sa hinaharap? -- Started on wattpad August 17, 2021 - November 25, 2021