Temptation and Desire [COMPLETED]
Ttotoy
- Reads 218,072
- Votes 2,885
- Parts 26
[UNEDITED]
PaperInk Publishing Collaboration.
Dahil sa utang na iniwan ng ama ni Angelica Soriano, kailangan niyang iwan ang bahay na nag-iisang naiwang alaala ng kaniyang ina. Hindi niya alam na ginawa pa lang collateral ng kaniyang ama ang bahay na iyon at pagkatapos ay iniwan siya nito.
Dahil sa mahalaga para kay Angelica ang bahay na iyon dahil sa maraming alaala niya kasama ang ina, desidido siyang mabawi ang bahay sa kahit anumang paraan.
Nakilala niya si Zero Cordalez, ang gwapo at mayamang nakatira sa bahay niya. Dahil sa kagustuhan niyang mabawi ang bahay, gumawa siya ng plano. Nakiusap siya kay Zero na payagan siyang tumira sa bahay kapalit ng serbisyo niya, ngunit ang plano niya'y akitin ang binata para sa huli'y ibalik nito ang bahay sa kaniya.
Magtatagumpay kaya si Angelica na akitin si Zero habang kasalukuyan wasak ang puso nito? May mabubuo kayang pag-iibigan sa pagsasama ng dalawa? Mababawi pa ba ni Angelica ang bahay o siya mismo ang maaakit sa binata?