karenpanesa's Reading List
145 stories
Casa Inferno (The heart's home) by JFstories
JFstories
  • WpView
    Reads 7,727,261
  • WpVote
    Votes 302,990
  • WpPart
    Parts 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank in Paranormal: Top 1
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 930,480
  • WpVote
    Votes 18,148
  • WpPart
    Parts 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin? Imbes na paibigin mo siya ay ikaw mismo ang napaibig nang isang Christian Grae Dela Vega.
Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITED by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 753,791
  • WpVote
    Votes 18,963
  • WpPart
    Parts 30
Bata pa lang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang tumakas para sa kanyang kalayaan. Sa tulong ng kaibigan na si Shin, ay nakaalis siya ng japan at sa pilipinas siya napadpad. Kailangan niyang magtago, at para hindi siya mahanap ng Daddy niya ay nagpalit siya ng profile, sa katauhan ng isang Jhaycee Akina Flores, na simpleng babae, mahirap sa buhay, at boyish um-awra. Nilunok ni Akina ang lahat at nagtiis sa ganoong buhay kung iyon lamang ang paraan para makamit niya ang pangarap na matagal na niyang inaasam. Sa pagpunta niya sa pilipinas ay hinanap niya ang taong kilala niya na lubos na makakatulong sa kanya---ang tinatawag niyang Auntie Isabelle. Tinulungan siya nito at pinatira sa bahay nito. Ito rin ang tumulong sa kanya upang ibahin ang imahe niya. At dahil sa amo nitong si Beatrice Ford ay nakapasok siya sa eskwelahan ng BF Island, kung saan makikilala niya ang pangatlo sa mga ford na si Diesel Aaron Ford, na isa sa tinaguriang campus crush, leader ng Bangtan boys, at isang singer at dancer. Si Diesel ang matatawag na cutie and lovable prince sa itsura nito, ngunit sobrang mainitin ang ulo, makulit, at kapag gusto niya ay iyon dapat ang masunod. Si Jhaycee ang isa sa nakaranas ng pambu-bully mula kay Diesel. Pero balewala lamang kay Jhaycee ang napaka isip-bata na pambu-bully ng binata. Dahil doon kaya lalong kumulo ang dugo ng binata para sa dalaga. At dahil din sa pambu-bully ni Diesel sa dalaga ay hindi niya aakalain na mahuhulog ang loob niya para rito. Lahat sa paligid ni Diesel ay tila nagiging rosas kapag naiisip lamang ang dalaga. Hindi pa niya maamin nung una, pero kalaunan ay naramdaman na ng binata na umiibig na pala siya sa dalaga. Copyrights 2017 © MinieMendz
Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,245,670
  • WpVote
    Votes 25,029
  • WpPart
    Parts 33
Ang binansagan na playboy sa pamilyang Ford ay walang iba kundi si Deorico Alesano Ford. Ang pang-apat na anak at pangatlo sa triplets.. Umibig ang binata ngunit nasaktan ng mamatay ang kanyang unang pag-ibig dahil sa isang aksidente. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang kasintahan ay minabuti niyang hanapin ang taong may sala. Nakilala niya ang isang dalaga na kanyang magiging kapitbahay. Puno ng galit agad ang kanyang naramdaman na makita ito. Pero hindi niya akalain na ang babaeng paghihigantihan niya ay isa pa lang bulag. Ngunit namuo pa rin sa isip niya na dapat na paghigantihan niya ito. Gagamitin niya ang appeal niya upang makuha ito. Ngunit tila pinaglalaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil ang akala niyang patay na dating kasintahan ay buhay pa pala. Bigla na lang itong lumitaw sa kanyang harapan. Ngunit ang dati niyang nararamdaman rito ay bigla na lang naglaho. Para sa iba na ang tinitibok ng puso niya. Para sa babaeng dapat ay pinaghihigantihan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nalaman na lang niya na sobra na pala siyang nahuhulog sa dalagang si Lara Evangelista. © MinieMendz
Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 690,685
  • WpVote
    Votes 14,132
  • WpPart
    Parts 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha lamang ang pagtingin ng kanyang iniibig. Ang madikit pa sa pandikit na si Nyebe ay patay na patay sa pinakabunso ng mga Ford na si Benjamin Apollo Ford. Sya na ata ang malinaw pa sa radyo kung wagas makapagbroadcast ng feeling sa buong mundo . Kahit na hindi sya pinapansin ng suplado'ng si Benj ay todo parin sya sa paghahabol rito. Pero siguro kahit ano mang bagay sa mundo ay nasisira din, gaya lang din ng puso nya. Na-wasak ang puso nyang patay na patay kay Benj ng mismo nitong nilibing ang puso nya sa mga salita nito na nagbigay ng malaking impact sa kanya. Naging sirena sya na naging bula at bigla nalang naglaho. Katulad rin ng pangalan nya na isang nyebe na natunaw at lumipas. At sa taong lumipas ay muling nagkita ang landas nya at ni Benj na sa pagkakataong iyon ay hinahanap pala sya ng binata. Pero sa pagkakataon na ring iyon ay hindi na nya kilala pa si Benj. Ang prince charming nya na ngayo'y naghahabol sa kanya.
The Return of ABaKaDa (Published) by risingservant
risingservant
  • WpView
    Reads 6,263,163
  • WpVote
    Votes 206,187
  • WpPart
    Parts 111
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo rito sa mundo. Hindi mo alam, may kutsilyong maaaring tumarak sa likuran mo. O hindi kaya, hatawin ka ng matigas na bagay sa iyong ulo. Ngunit, sa mga oras na ito, ihanda mo ang sarili mo. Mayroong nagmamatyag sa 'yo. Huwag kang lilingon sa magkabilang gilid mo. Sapagkat, kamataya'y nakadikit sa 'yo.
Alphabet of Death (Published) by risingservant
risingservant
  • WpView
    Reads 20,452,912
  • WpVote
    Votes 455,447
  • WpPart
    Parts 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng kamatayan mo.
THE PLAYMATE by PagOng1991
PagOng1991
  • WpView
    Reads 558,633
  • WpVote
    Votes 9,899
  • WpPart
    Parts 45
"Taguan tayo, ako ang taya. Kapag nakita kita, PATAY ka."
Red Tape (Book Two of Red Ribbon) by misterdisguise
misterdisguise
  • WpView
    Reads 98,563
  • WpVote
    Votes 2,887
  • WpPart
    Parts 37
[COMPLETED] BOOK 2 OF RED RIBBON (Rated PG-13) Alex Farr was just an ordinary girl before until she entered showbiz. Fame. Fans. Spotlight. Nasa kanya na ang lahat dahil sa kasikatang natamo nang mamatay si Celine Rodriguez. Pero ang kasikatan din palang ito ang hahatak sa kanya paibaba patungo sa kamatayan. Threats. Enemies. Envy. In the world of showbiz, there are two faces. One is good. One is bad. Sino ang dapat niyang pagkatiwalaan kung ang lahat ay mahusay sa pagbabalatkayo? Sino ang pinakamagaling sa pag-arte? Dahil baka hindi mo alam, katabi mo na pala ang taong sasaksak sa 'yo.
Miedo de Luna (Published under PSICOM) by TheLadyInBlack09
TheLadyInBlack09
  • WpView
    Reads 180,378
  • WpVote
    Votes 8,389
  • WpPart
    Parts 42
Sa isang lugar na puno ng halimaw at kababalaghan, lugar na wala kang ibang tao na pwedeng pagkatiwalaan, walang araw na magbibigay ng liwanag at walang D'yos na maaaring dasalan... Paano ka mabubuhay? Halina't pasukin natin ang isang misteryosong sitio. Ang sitio kung saan may tatlong gabi na nagkalat ang mga halimaw at mga taong asal halimaw. Ang sitio na pinagkaitan ng liwanag ng sikat ng araw at awa ng D'yos. Ang sitio na sinasabing isinumpa raw ng langit. Ang sitio kung saan makikita at mararamdaman mo ang tinatawag nilang.... MIEDO DE LUNA.