lykabels
Baliw ka. Baliw din ang mga kaibigan mo. Kaya naman hindi na kataka taka kung puro kabaliwan din ang tumatakbo si isip niyo.
Bukod sa pagiging baliw ay pare pareho pa kayong nganga pagdating sa lovelife. In short single.
At hindi narin nakakagulat na gumawa kayo ng kabaliwan.
Tulad na lamang ng magpustahan kayo kung sino ang unang magkakaanak. At hindi lang basta basta anak. Kailangan, ang ama ng mga ito ay gwapo, mayaman, kung baga unang tingin pa lang, makalaglag panty na.
Sino ang magwawagi?
Si Louisa Janne Roan, ang babaeng tatahitahimik ngunit matinik. Matinik sa paggawa ng pranks sa taong matripan?
Si Hannie Mae Zapanta, na mukhang sweet ngunit walang tabas ang bibig sa kabastusan?
O si Mary Angel Aquino na mukhang anghel tulad ng pangalan niya ngunit demonyo naman ang ugali sa totoo lang?
At sino naman kaya ang mga malas na lalaking magiging target ng mga baliw na babaeng ito?
Walang gustong magpatalo sa tatlo. Dahil nakataya dito ang isang napakamahalagang bagay. Para malaman....
Kung sino ang pinakadyosa sa kanila!