Precious
164 stories
As Long As My Heart Beats by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 132,196
  • WpVote
    Votes 1,129
  • WpPart
    Parts 9
"I've traveled the world to find the peace only your arms can give." (Published under Precious Pages Corporation) Hindi makalimutan ni Katerina ang mga sinabi ni Brett sa kanya thirteen years ago. Ang mga salitang iyon ang naging daan para maging positibo ang tingin niya sa mundo. Ang lalaki at ang nagawa nito ang naging inspirasyon niya para mabago ang kanyang kapalaran at maging successful siya sa buhay. Sinabi niya sa kanyang sarili na mahahanap niyang muli si Brett para mapasalamatan at mabayaran ang utang na loob niya rito sa naging kabutihan nito. And fate must be really good to Katerina. Nagkita sila uli ni Brett. Pero ibang-iba na ang Brett na nakilala niya noon sa ngayon. Nang dahil sa mapapait na karanasang napagdaanan ng binata sa paglipas ng panahon, naging napakaimposible na ng ugali nito at tila galit sa mundo. He carried upon himself this ogre façade na gusto niyang tibagin. Kaya gumawa ng paraan si Katerina-inilapit niya ang sarili kay Brett para maibalik ito sa dati. Dahil sa pagkakataong ito, siya naman ang sasagip sa lalaking agad na natutuhan niyang mahalin.
Territorio de los Hombres 2: Pociolo Almendra by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 155,666
  • WpVote
    Votes 3,484
  • WpPart
    Parts 10
"No matter how much you hurt me, I don't think I can settle for any other man because I only want you." Balak pikutin ni Cher ang batikang abogadong si Wulfredo Resplandor kaya naman ginawa niya ang lahat upang siya ang maging babaeng lalabas sa birthday cake nito. Plano niyang may mangyari sa kanila. Ngunit sa huling sandali ay nagbago ang isip niya. Huli na ang lahat nang baguhin niyang ang kanyang plano. Lasing na siya at nang hagkan siya nito ay nadala na siya. Naisip niyang tatalilis na lamang siya kinabukasan, total ay hindi siya namukhaan nito. It was dark and she was wearing a veil. When she woke up the next day, she found out the darkness didn't work to her advantage. Sapagkat hindi si Wulfredo ang nakasiping niya kundi si Pociolo Almednra, and hubas na ex-boyfriend niya na nagtaksil sa kanya apat na taon na ang nakalilipas. And everything went avalanching from there because two days after that incident, she got drunk again and ended up marrying him.
Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version) by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 119,934
  • WpVote
    Votes 2,208
  • WpPart
    Parts 10
"Kung may parte man ng relasyon ko sa nakaraan na ipagpapasalamat kong nangyari, that was when I found out that my boyfriend cheated on me because that turned out to be the best day of my life. Because that was when I met you." Chase Sandoval was the most gorgeous and the hottest guy Una had ever seen in her entire life. Ito ang lalaking sumagip sa kanya sa nakaambang kapahamakan dahil sa paglalasing niya. Inakala niya na bukal sa puso ang pagtulong nito pero hindi pala. Ayon nga kay Chase: "Sa panahon ngayon ay wala nang libre." Kaya hayun siya-naninilbihan dito bilang maid nito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkahulog ng loob niya sa binata habang tumatagal ang pagsasama nila bilang mag-amo.
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 168,856
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
What Comes After The First Kiss (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 164,910
  • WpVote
    Votes 3,360
  • WpPart
    Parts 25
"Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo." Dahil sa kalokohan ng mga kapatid at sa pakikialam na rin ng tadhana ay nagulo ang tahimik na buhay ng boyish na si Joelle at natagpuan na lamang ang sariling engaged na kay Ridge, ang lalaking nagnakaw ng unang halik niya. At kahit ano pa mang pagtataboy ang gawin niya sa gwapong binata ay palagi pa rin itong sumusulpot sa harapan niya at ginugulo siya. Hanggang sa dumating sa puntong pati ang nararamdaman niya at tibok ng puso niya ay nagugulo na rin ng presensya nito. Dapat ba niyang tanggapin ang binata at ang magiging role nito sa buhay niya o dapat ay layuan na lamang niya ito upang maisalba ang puso sa pagkabigong maaaring kaakibat ng unti-unting pagkahulog ng loob niya rito?
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 146,081
  • WpVote
    Votes 3,232
  • WpPart
    Parts 23
"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when you were younger and you had sworn to hate the guy for the rest of your life. Kaya naman nang sabihin iyon ni Menriz, ang bagong boss ni Anikka, nang muli silang magkita pagkalipas ng ilang taon ay nawindang ang buong sistema niya. Pero hindi pa ito nakontento roon. Sa araw-araw ay hindi ito pumapalya sa pagpapapansin sa kanya. Until he finally confessed his feelings towards her. Matagal na raw may gusto si Menriz sa kanya at ngayong bumalik na siya, sisiguruhin daw nito na magugustuhan din niya ito! Pero imposible iyon. Dahil nang nakawin ni Menriz noon ang first kiss niya, ipinangako ni Anikka sa sariling kamumuhian ito habang-buhay. Pero bakit hindi niya maipaliwanag ang kakaibang tibok ng puso tuwing napapalapit siya rito? At bakit parang lumilipad ang iba niyang problema at si Menriz na lang ang pumupuno sa magulong isipan niya? The world must be ending!
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,291,239
  • WpVote
    Votes 26,628
  • WpPart
    Parts 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya. Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
Sweetheart Series 1 by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,749,394
  • WpVote
    Votes 40,148
  • WpPart
    Parts 27
"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beautiful love noong eighteen siya under the stars and the moonlight. Makapanatili ba ang magandang pagibig when she was already pregnant at eighteen at si Renz ay tumalikod sa pangako.
For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 698,255
  • WpVote
    Votes 13,635
  • WpPart
    Parts 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,048,369
  • WpVote
    Votes 49,195
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.