goriosuapero
Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang estado sa buhay, personalidad, katangian at kakayahan.
Tadhana na ipinanganak ang iba na pinapampaligo lamang ang salapi at nakukuha ang luho sa isang pitik lang.
Samantala, itinadhana sa iba na ipinanganak sa pamilyang swerte na kung makakain ng dalawang beses sa isang araw.
Tadhana na ipinanganak ang iba na sinasamba ang pisikal na anyo, at pinupuri ang ganda ng hulma ng mukha.
Samantala, itinadhana sa iba na ipinanganak na halos itaboy at itakwil na ng mundo ang itinakdang anyo at kulay para sa kanila.
Tadhana na ipinanganak at nahasa ang kakayahan at katalinuhan na mayroon ang iba.
Samantalang ang iba ay kinukutya at hindi makasabay ang kanyang isipan kumpara sa pangkaraniwan at sa nakahihigit.
Sawang-sawa ka na ba?
Sawang-sawa sa mga pang-aapi at pangungutya?
Sa mga tao na hindi mapipigilang pagkumparahin ka sa kagandahang naitakda at mayroon sila o ang iba, na naitakdang wala ka?
Wala lang sa kanila ang pagbitiw ng salita na hindi ka dapat nabuhay!
Huwag kang mag-alala.
Matutulungan ka niya.
Pagsapit ng 3:00 AM, maa-access mo ang kanyang website.
Matutupad niya ang kahilingan mo.
Hindi mo kailangan ng limpak-limpak na pera.
Kailangan mo lang makipagkasundo at ibigay ang iyong kaluluwa.