user33798181's Reading List
7 stories
Wedding Girls Series 09 - FAITH - The Printer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 128,899
  • WpVote
    Votes 3,081
  • WpPart
    Parts 23
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang pag-ibig ko sa iyo." ***** Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick. Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa't isa. "Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka." Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. "A-ang mama mo," mahinang sabi niya. "I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn't recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko." Napahikbi siya. "I love you, Patrick." Tumigas ang anyo nito. "Really?" sarkastikong wika nito. "Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?" "Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil-"
Wedding Girls Series 08 - ADRIENNE BLYTHE - The Caterer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 143,386
  • WpVote
    Votes 3,746
  • WpPart
    Parts 19
I'll tell you that I love you because I want you to be beside me every morning that I wake up and share each breakfast together. I'll tell you that I love you because I want to spend the rest of my life with you. Andie, that's how I really feel right now." *** Madalas ay nakatitig si Andie sa kabilang bahay. Kung mansyon ang turing niya sa bahay na pinagbabakasyunan niya, mas mansyon ang sa kabila. Naalala niya ang kuwento tungkol kay Jesse-ang may-ari ng kabilang bahay. One of the most sought-after bachelors in the city. Ang angkan ay isa rin sa pinakamayaman sa Baguio. And so? Tahimik na react niya na may kasali pang pagtataas ng kilay. Bakasyunista siya. Hindi siya naghahanap ng lalaki. He's rich. At hindi lang basta guwapo. He had the face, the stance, the personality. Kahit na suplado ito, tila nakakadagdag pa iyon sa karisma nito. He definitely had the elements to be tagged as one of the most sought-after bachelors in the city. And so again? Bakit ba ang lalaking iyon ang iniisip niya? Kungsabagay, attractive namang talaga ang lalaki. "But I'm not attracted to him," sabi niya sa sarili. Yeah, hindi ka nga attracted. Kaya nga ganoon na lang kung makatitig ka sa katawan ni Jesse. Ano na nga iyong naisip mo kanina? He's sexy.
Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The Florist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 162,405
  • WpVote
    Votes 4,124
  • WpPart
    Parts 24
"Kissing you made the difference, Calett. It stirred all the dormant emotions in me. Emotions that I didn't know I possessed until you made me realize they exist. I didn't know what I'm missing until I kissed you." Si Scarlett - gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Chad O'Hara-para lang matuloy ang obsesyon niya na maging Scarlett O'Hara ang pangalan niya. Si Rod - gagawin niya ang lahat para lang alaskahin si Scarlett. Mientras nakikita niyang napipikon ang dalaga, ang saya-saya niya. Si Scarlett uli - hindi niya kailangan si Rod sa buhay niya. Ni hindi niya ito itinuturing na kaibigan-asungot sa buhay niya manapa. Mula't sapul ay alaga na siya nitong buwisitin. Hanggang sa isang araw ay sumagad ang pagkapikon niya sa binata at binuhusan niya ito ng isang pitsel ng juice. Hindi nagalit si Rod. Bagkus ay hinalikan siya. And oh, that kiss felt sooo sweet she almost forgot her name. At nagbago ang lahat kina Scarlett at Rod...
The Wedding Garter Promise by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 636,884
  • WpVote
    Votes 13,639
  • WpPart
    Parts 58
Kitkat dropped a garter on his lap. Naniningil na siya. She wanted a two-week long exciting adventure with him. Iyon ang hinihingi niyang kabayaran sa pag-iwan nito sa kanya noon. "Linawin natin ito. Iyong dalawang linggong hinihingi mo, are we going to be together round the clock?" sindak nito sa kanya. "Ayaw mo ba?" she asked in a challenging tone. Napasipol si Dominic. "Alam na alam mo kung ano iyong naabala mo kanina. I'm very active, Kat. In more ways than one, so to speak. And if we will be together for two weeks, ngayon pa lang sabihin mo na sa akin kung kasali iyan sa activity natin for two weeks or kakailanganin kong mag-excuse ng konting oras para iraos ko iyan sa iba," he said blatantly. "Sex is one of my regular activities. It's a natural thing for me. Imposibleng lumipas ang dalawang linggo na wala ako niyan." Her heart skipped another beat. Pero hindi siya nagpahalata. "We almost did that ten years ago, Dom. Ikaw ang nagpamalay sa akin sa mga bagay na wala akong kaalam-alam dati. Let's start that two weeks. And let's wait and see if we are going to do it. If the occasion calls for it. So be it." His eyes locked on hers. It was filled with burning passion. "Mukhang hindi naman kailangang maghintay pa. I will make sure that we'll have an occasion to call for it." Oh, dear, she felt a liquid heat pooled between her thighs. Masusulit ang dalawang linggong pangarap niya... Author's Note The published version of this story is entitled Passion Overdue (released by Red Room Books) using a different pen name Sam Raye.
Wedding Girls Series 23 - Alexandra by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 59,317
  • WpVote
    Votes 1,403
  • WpPart
    Parts 13
WEDDING GIRLS 23 - Alexandra - The Printer Umiikot ang araw-araw sa buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. At kung pakiramdam niya ay kailangan niyang lumabas ng bahay, iyon ay ang oras ng pamamasyal niya sa mall. Her life was such a bore. At tanggap niya iyon at wala naman siyang reklamo. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang bagong lipat niyang kapitbahay. Guwapo, matipuno, matangkad, moreno. Unang kita pa lang niya rito ay literal na siyang napanganga. Bakit ba hindi ay nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa katawan. He was Alexander. At noong oras pa lang na iyon na nalaman niya ang pangalan nito, malakas ang sapantaha niya ay sila ang itinadhana. Alexander at Alexandra. Pangalan pa lang nila ay bagay na bagay na. Tama naman nga kaya ang kanyang sapantaha? ----- WEDDING GIRLS 24 - Jamaica - The Wedding Photographer "Shit! Ano ba?" angil niya nang mabunggo niya ang paparating na lalaki. Pakiramdam niya ay isang pader ang nabangga niya. Mabangong pader dahil mabilis na nanuot sa pang-amoy niya ang samyo ng Hugo Boss. "Huwag kang mataray, miss. Ikaw na nga itong nakabunggo sa akin," sagot ng lalaki, tila galit din. "So, ako pala ang may kasalanan?" "Obviously," matabang na tugon nito. "Then sorry!" tila mas tumaray pa ang tono niya. Hinagod niya ito ng tingin saka matalim na umirap bago nagpasyang ituloy ang paglakad. "Sandali, miss," habol na tawag nito. Huminto siya at nilingon ito. Naghintay siya ng sasabihin nito pero ang nakita niyang ginawa nito ay ang paghagod din nito ng tingin sa kanya. "Aba't..." "Ganti-ganti lang, miss." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi kasi ako sanay na sinusukat ako ng tingin. Gusto ko lang ding malaman kung ano ang meron sa iyo para tingnan mo ako mula ulo hanggang paa." "Arogante!" gigil na wika niya. "Suplada."
Wedding Girls  Series 01 - EVELYN MAY - The Wedding Planner by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 168,408
  • WpVote
    Votes 4,102
  • WpPart
    Parts 22
"I intend to marry you, Eve. Kung kailangang haranahin kita uli ay gagawin ko para tanggapin mo ang alok ko." Inilahad nito ang palad sa kanya. "My mother's engagement ring, Eve. Hiningi ko ito sa kanya upang ibigay sa iyo. Will you marry me?" Ryan Olivares was handsome. He was tall. He had striking personality that she felt he was making her breathless. He seemed to possess a patent in sex appeal. Wala siyang iniwan sa isang babaeng kulang na lang ay mangatog sa labis na emosyong dumamba sa dibdib niya. Pinangahasan siya nitong halikan. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na pag-isipan kung tama ang nagaganap o hindi. Eve opened her mouth and accepted his kiss. At tangay na tangay na siya ng halik na iyon nang bigla ay matauhan siya. Ikakasal na siya sa ibang lalaki! A year later, isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang asawa. At wala siyang ibang sinisisi kung hindi si Ryan Olivares. At ipinangako niya sa sarili na gaganti siya. Aakitin niya si Ryan at paiibigin. At saka iiwan. And they are now ensnared in the web of seduction game.
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 130,235
  • WpVote
    Votes 1,754
  • WpPart
    Parts 41
"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang nakaraan at kapareho rin niya ng hilig sa musika. Dahil doon, madaling gumaan ang loob nila sa isa't isa. Madali siyang nagtiwala kay Fritz. Madaling nahulog ang loob dito. Nangako si Fritz na hindi siya iiwan, hindi sasaktan. Naniwala siya. Dahil sa labis na pagmamahal sa binata, alam ni Elise na hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya. Iyon nga lang, hindi lahat ng pangako ay nakatadhanang matupad. Bumalik ang best friend niyang si Kate at nalaman niyang ito ang ex-girlfriend ng nobyo niya. Ngunit dahil mahal niya si Fritz, anuman ang sabihin ni Kate, handa siyang tanggapin ang nakaraan ng binata. Hindi magbabago ang tingin niya rito. Ngunit si Fritz pala ang nagbago. Dahil bigla na lang nitong sinabi na nais na nitong makipaghiwalay sa kanya dahil mahal pa rin daw nito si Kate at kahit minsan ay hindi man lang siya nito minahal.