vampire__mate's Reading List
119 stories
Just You Baby (Completed) by seenerblack
seenerblack
  • WpView
    Reads 266,260
  • WpVote
    Votes 6,491
  • WpPart
    Parts 58
He needs a wife or better say they need a wife, they need to settle down, and his friends came up a good idea for a good wife material. Marami ng bahay ang napupuntahan nya, isa sa mga paraan nya upang magmahal ng tapat sa tamang babae. He acted like a beggars but no one knows... He's someone you should not try to be face of. Nakikita mo man ang kadungisan ng mukha nya, pero binaliwala niya yun makahanap lang nang babaing pagkakatiwalaan nya sa buhay at makakasama habang buhay. Its all started in ''The Billionaires Plans on having a wife"...
Peter, My Beloved Angel (Assassins 2) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 78,267
  • WpVote
    Votes 1,597
  • WpPart
    Parts 12
Dahil sa halos siyam na taon na nilang relasyon, labis na ang pagtitiwala ni Jelay sa kasintahang si Peter. Kahit pa nga ba naging kasinlaki na ng refrigerator ang kanyang katawan, naniniwala pa rin si Jelay na mahal siya ni Peter. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagtitiwalang iyon at tinubuan ng insekyuridad sa katawan si Jelay nang hindi sinasadyang makita niya si Peter na may kasamang sexy at matangkad na babae. Inilihim iyon ni Peter kaya napilitan siyang sundan-sundan ang kasintahan. At sa pagsunod-sunod ni Jelay, lalo lang nadagdagan ang kanyang insekyuridad nang magpatuloy ang pagkikita ng nobyo sa babaeng itinuring na ni Jelay na karibal. Sa udyok na rin ng isang kaibigan, napilitan si jelay na baguhin ang kanyang lifestyle at maglunsad ng "Operation: Diet." Ngunit diet nga ba ang solusyon para mabalik ang confidence niya at tiwala kay Peter na nangakong siya lamang ang babaeng pagkamamahalin?
[COMPLETED] My Ex's Stepbrother (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 230,403
  • WpVote
    Votes 4,572
  • WpPart
    Parts 10
Hello! May mga naghahanap ng librong 'to kaso wala na raw mabilhan, luma na kasi. Haha! Hindi 'to edited, pasensya na, kung may mga typo at grammatical errors. Sana ma-enjoy niyo :)
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 197,862
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 31
"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ciara sa bayan ng Kanaway, mainit na agad ang dugo niya kay Lucas de Gala, ang masungit na lalaking nakatira sa lighthouse tower-like na bahay, dahil pinalabas siya ng lalaki nang mapagkamalan siyang nag-trespass sa pamamahay nito. Mula noon, sa bawat pagkikita nila ay para na silang aso't pusa kung magbangayan. But Lucas offered her something nobody ever dared to give her-ang magamit ang kanyang kakayahan sa paggawa ng alak. Kaya tinanggap niya ang business partnership na ino-offer ng lalaki. Lagi silang magkasama kaya hindi naiwasan ni Ciara na maging malapit kay Lucas. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na unti-unting mahulog ang loob sa binata--na may kabutihang-loob palang taglay. Handa na siyang sumugal lalo't naramdaman din niyang attracted si Lucas sa kanya. Pero nang ipagtapat ni Ciara ang tunay na damdamin ay labis siyang nasaktan dahil sa tahasang pagtanggi ng binata, sabay sabing kailanman ay hindi ito magmamahal...
MORE THAN I FEEL INSIDE by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 207,028
  • WpVote
    Votes 4,065
  • WpPart
    Parts 22
"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito. Nangyari naman ang inaasam niya; she became Mrs. Gabriel Vasquez. Ngunit sa pangalan lamang sila naging mag-asawa dahil labis na kinasuklaman siya nito. Iyon ay dahil isang kasunduan lamang sa pagitan ng mga magulang nila ang nangyaring kasalan at siya ang labis na sinisisi nito sa bagay na iyon. Despite everything, she still loved him and she would take every risk to make him love her, too. And fate had been so kind to her. He fell in love with her, too. Subalit kung kailan may katugon na ang damdamin niya rito, saka naman niya nalaman na nasa panganib ang buhay niya na nakatakdang maglayo sa kanya rito. Will fate still be on her side? Warning: It may not be suitable for younger readers. But no, not an SPG story. :)
PINAKAMAGANDANG LALAKI by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 175,638
  • WpVote
    Votes 3,645
  • WpPart
    Parts 20
"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa pag-aalaga sa nag-iisang kapatid. Kaya nang malaman niyang nakipagtanan si Yojan ay hindi niya iyon matanggap. Sa tingin niya ay hindi pa kaya ng kapatid na pumasok sa buhay-may-asawa. Kaya sumugod si Micah sa Kanaway-isang lugar sa dulo ng Benguet kung saan nakatira ang katanan ni Yojan na si Soraya-upang bawiin ang kapatid. Nanatili siya sa Kanaway at doon nakasama si Achaeus de Gala, ang nag-iisang kapatid ni Soraya at itinuturing na leader ng lugar. Sa simula ay inis si Micah kay Achaeus dahil sa pakikialam ng lalaki sa kanyang pakay. At wala siyang pakialam kahit sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na ang binata raw ang pinakamagandang lalaki sa buong Benguet. Pero nang magtagal pa ang pananatili ni Micah sa Kanaway ay unti-unti silang nagkalapit. Hanggang sa maramdaman niyang tinamaan na rin siya ng "animal" appeal nito. Tuwing mapapatitig nga siya rito ay kung saan-saan nakakarating ang kanyang imahinasyon. Noon nagpasya si Micah na iwasan si Achaeus. Dahil kung hindi ang lalaki ang may "gawin" sa kanya ay baka siya pa ang may "kakaibang" gawin dulot ng malakas na epekto sa kanya ng presensiya ni Achaeus.
I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 91,441
  • WpVote
    Votes 1,133
  • WpPart
    Parts 10
"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Cherry dreamt that she was being kissed by a breathtaking Prince Charming. Dahil doon ay nahumaling siya sa ideya na baka ito ang lalaking nakatakda para sa kanya. Kaya nang makaharap niya ang counterpart ng lalaking iyon sa totoong buhay na si Dr. Atom Aurelio ay literal na nagkandarapa siya makilala lamang ang doktor at mapalapit dito. Lakas-loob pang umakyat siya ng ligaw. Hindi naging madali ang lahat dahil kilala si Atom na hindi naniniwala sa pag-ibig. Pero dinedma lang ni Cherry ang mga sabi-sabi. Sa halip ay nangako pa siya sa sarili that she will make the man fall in love with her. Umasa siya na may magandang kahihinatnan ang pagni-ninja moves niya sa lalaki. Subalit isang gabi, ipinamukha sa kanya ng tadhana na nag-iilusyon lamang pala siya. Talaga nga yatang kabaligtaran ang mga panaginip...
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 610,768
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...
❤Loving You So (Completed; Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 65,868
  • WpVote
    Votes 1,335
  • WpPart
    Parts 11
After the heartache and pain she went through a year ago, all that Danielle wants is to start a new life. Pero mukhang magugulo na naman ang bagong buhay na iyon dahil sa kapitbahay niyang saksakan ng antipatiko at papansin-si Charles. Sa una pa lang na pagkikita nila ni Charles ay inis na kaagad ang umusbong sa dibdib niya para sa lalaki. Every time na magkakaharap sila ay para silang aso't pusa. Pero bakit nagiging irregular ang heartbeat ni Danielle lately kapag nakakaharap ang binata? Hindi pa siya handang magmahal uli pero paano nga ba niya basta-basta mapagbabawalan ang sarili na ibigin si Charles? Tama bang buksan niyang muli ang puso para sa binata? Note: unedited version po ito
❤Finding Samara (COMPLETED; Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 68,124
  • WpVote
    Votes 1,389
  • WpPart
    Parts 10
"Sana ang puso katulad ng kotse na puwedeng mag-detour. Para kapag nahihirapan nang dumaan sa highway, puwedeng umiwas." Desperado na si Ivan na makakita ng perpektong modelo para sa bagong magazine na ilo-launch ng kanilang kompanya. Ilang baguhang modelo at artista na ang ipinrisinta niya sa editor niya at sa publisher ng magazine pero walang pumapasa sa panlasa ng mga ito. Ang dapat daw ay fresh face. Hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap sa katauhan ni Samara, ang simple at kulang sa self-confidence na dalagang nag-intermission number sa isang beauty pageant sa hometown niya sa Bicol nang minsang makuha siya para mag-judge sa patimpalak. He helped her to develop self-esteem. And eventually Samara bloomed. Pero ano'ng nangyari at tila nagbago ang isip niya? Ngayon ay gusto na lamang niyang itago ito at angkinin ang kagandahan nito.