Historical
5 stories
Santiago (Sequel of Stuck in 1945) by jmshadows
jmshadows
  • WpView
    Reads 62,618
  • WpVote
    Votes 2,451
  • WpPart
    Parts 38
(Battle of Manila 1945, Post World War II to Contemporary History) Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang mapunta si James Salvacion sa taong 1945, kung kailan siya nakipaglaban ng isang buwan laban sa mga Hapones. Sa kanyang pagbabalik ay unti-unti niyang nakita ang pagbabago sa kanyang ugali. Pero, nanatili pa rin ang mga masasamang ala-ala mula sa naging mapait niyang buhay sa ibang panahon. Nararamdaman ni James Salvacion na parang hindi siya buo, lalo nang may mga panaginip siya na napaka-misteryoso. Sa lahat ng mga nangyayari sa kanya ay sinasabi niya kay Dr. Cuares. Iniintindi at tinutulungan ni Dr. Cuares si James pero, hindi lang dahil sa propesyon niya kundi sa isang malaking sikreto na kailangang malaman ni James Salvacion.
Stuck in 1945 (Completed 2017) by jmshadows
jmshadows
  • WpView
    Reads 235,186
  • WpVote
    Votes 7,793
  • WpPart
    Parts 27
(Battle of Manila 1945 / Liberation of Manila) Kakayanin mo kayang mabuhay sa panahong walang kalayaan, puno ng hinagpis at kawalan ng pag-asa? Tunghayan ang mga nasaksihan ni James Salvacion sa panahong hindi niya kinabibilangan, at kung paano niya nalaman ang totoong ibig sabihin ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Feb 2021 Note: Ito ay ang una kong nasulat dito... way back 2017 pa (nung underrated pa ang his fic) . Hindi ko pa kayang i-edit ang mga typographical errors, kaya pasensya po. Salamat! Started on May 15, 2017
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 33,985,115
  • WpVote
    Votes 837,967
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,594,709
  • WpVote
    Votes 574
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Continuously DREAMING by DreiMadayag
DreiMadayag
  • WpView
    Reads 193
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 7
Isang kuwento na isinulat ng nakaraan na hindi pa nabasa ng kasalukuyaan.Ang unang pagkikita ng ng dalawang taong magkakaroon ng magandang mga alaala,ngunit mauuwi nga ba sila sa pagmamahalan na makatotohanan?