denaeryss's Reading List
21 stories
Besille & Robert COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 152,222
  • WpVote
    Votes 3,280
  • WpPart
    Parts 20
My Lovely Bride Phr book imprint Published in 2002 Unedited
Shelley's Secret (published under MSV)Completed by BabyLouParksPhr
BabyLouParksPhr
  • WpView
    Reads 71,606
  • WpVote
    Votes 1,358
  • WpPart
    Parts 12
Ano ang gagawin mo kung ang taong minahal mo ng sobra-sobra ay kasuklaman ka mula ulo hanggang paa dahil sa pagkamatay ng isang mahal niya sa buhay sa kagagawan mo? Alamin ang sekreto ni Shelley sa kaniyang kuwento ng pag-ibig...
Braveheart Series 6 Flynn Falcon (Free Spirit) by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 77,739
  • WpVote
    Votes 1,807
  • WpPart
    Parts 12
Phr Book Imprint Published in 2007 "Kung may uri ng pagmamahal na mas malaki pa sa langit, at kaya kong ibigay iyon, ibibigay ko lahat sa iyo, sweetheart." Jam had a perfect relationship with Flynn. But circumstances tried to tear them apart. Akala niya dahil iyon ang itinakda ng kapalaran. Masakit sa kalooban pero wala siyang magagawa kundi tanggapin. Pero paano kung matuklasan niya na hindi pala ang Diyos ang may gawa ng paghihiwalay nila ni Flynn? Kundi mismong ito... At isang babae? Handa na siya na isuko na lang ang pagmamahal kay Flynn. What had been done could never be undone. Pero may mga imposibleng bagay pala na puwedeng mangyari. Sa pagkakataong iyon ang mga sirkumstansiya naman ang umaayon sa kanya. She realized that God could undo the most complicated circumstances just to prove Who is really in control. Pero papayag pa ba siya na bumalik sa kanya si Flynn?
Hooked On A Feeling (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 118,612
  • WpVote
    Votes 3,068
  • WpPart
    Parts 14
I haven't read this story for a veeeeeeery long time. So I'm posting this for selfish reasons, hehe! Unedited. Tinatamad ako mag-edit.
Braveheart Series 1 Alvaro Borromeo: Cinderello COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 143,409
  • WpVote
    Votes 3,395
  • WpPart
    Parts 11
Phr Imprint published in 2002
Please Be Mine by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 118,813
  • WpVote
    Votes 3,375
  • WpPart
    Parts 18
PHR # 970 Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, well, hindi siya nag-iisa. Crush ng halos lahat ng kolehiyala si Neil. Walang balak magpasapaw si Alodia sa iba. Kaya gumawa siya ng hakbang para sabihin sa binata ang tunay na nararamdaman niya. Pero, sorry na lang siya. Dead-ma sa kanya si sir. Sa sobrang sama ng loob niya at pagkapahiya na rin, umalis siya hindi lang sa unibersidad na iyon. Nagpunta siya sa Amerika at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. At wala na rin sana siyang balak na magbalik pa kahit na nang maka-graduate siya. Pero hindi niya matitiis ang sariling ama na naglalambing sa pag-uwi niya. At isang sorpresang malaman na ang taong dahilan kung bakit ayaw na sana niyang magbalik pa ay kadikit pala ng kanyang ama. At ngayong nagbalik na siya, halatang-halata naman niyang attracted sa kanya si Neil. Puwes, manigas ka ngayon. Wala na akong gusto sa iyo, saloob-loob niya. Kaya?
Kissing You Goodbye (First Draft Version) by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 132,295
  • WpVote
    Votes 3,665
  • WpPart
    Parts 23
Maxwell Quintanar may be a dream guy for a lot of women, but for Jan Marie, he was nothing but an arrogant and condescending jerk who happened to be filthy rich and, well, handsome. Bakit niya hahangaan ang lalaking napakababa ng tingin sa kanya? Pero nang bagyuhin ng kamalasan ang kanyang pamilya, natuklasan ni Jan Marie na malaki pala ang utang nila sa lolo nito--kay Don Maximo. At si Maxwell ang inatasang kumuha ng natitirang ari-arian nila: ang kinalakihan niyang mansiyon. Kahit labag sa loob ni Jan Marie, pinuntahan niya ang lalaki para pakiusapan--at hindi sinasadyang nailigtas niya ang buhay nito. Bilang pasasalamat sa pagliligtas niya sa buhay ng apo, nakahanda raw si Don Maximo na tulungan siya. May isa lang itong hinihinging kapalit: kailangan niyang magpanggan na fiancee ni Maxwell. Desperada na si Jan Marie kaya pumayag siya. Tutal naman, may lapses ang memories ni Maxwell nang magising, madali niya itong mapapaniwala. Kailangan lang niyang magpanggap hanggang sa bumalik ang memories ng lalaki. Pero hindi niya napaghandaan ang Maxwell na may amnesia: sweet, malambing at very lovable...
NIGHTINGALE TRILOGY book 2: MAGBALIK (UNEDITED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 99,375
  • WpVote
    Votes 1,615
  • WpPart
    Parts 23
"Handa akong pagbayaran nang buong buhay ko ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. Please, Bianchi Villanueva, pakasalan mo ako at maging alipin mo ako habang-buhay." Self-proclaimed man-hater si Bianchi. Bakit? Dahil wala namang idinudulot na maganda sa buhay ng mga babae ang mga lalaki! Mga paasa lang sila! Mga manloloko! Mga manggagamit! Bakit pa ba siya maniniwala sa mga lalaki kung buong buhay niya, namulat siya sa pagloloko ng isang lalaki. Hindi nga ba't kaya wala siyang kinagisnang ama ay dahil iniwan lang nito ang kanyang ina? At siyempre, may sariling pinaghuhugutan din si Bianchi dahil minsan na rin siyang naloko ng isang lalaki. Ang ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at guwapong si Taylor! Oo, inaamin niya, guwapo si Taylor. Eh, ano naman? Manloloko naman ito! Iniwan na lang siya basta, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya maniniwala sa kahit kaninong lalaki! Kaya lang, pagkalipas ng limang taon, bumalik si Taylor sa buhay niya. Ito pa rin ang dating ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at oo, ubod ng guwapong si Taylor. Panay ang pa-cute ni Taylor sa kanya. Duh! As if naman magpapaapekto siya. Not in this lifetime. Lalo pa't ang puso niyang traidor ay tumitibok pa rin sa binata kahit na anong kaila ang gawin niya. But never will she ever admit it to him. Baka masaktan lang uli siya. Iyon nga lang, hindi pa man nalalaman ni Taylor na mahal pa rin ito ni Bianchi, nasaktan na agad siya. Paano, ang sabi ni Taylor, ibalik na lang daw nila ang dati nilang samahan. 'Yong samahan kung kailan naging mabuti silang magkaibigan. Ouch!
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 168,637
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 275,269
  • WpVote
    Votes 4,979
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.