logvhi10's Reading List
17 stories
Barely Heiresses- Sky by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 103,477
  • WpVote
    Votes 859
  • WpPart
    Parts 4
Nang matuklasan ni Sky na lolo niya ang bilyonaryong si Don Alfonso Banal ay labis-labis ang naging tuwa niya. Nang matuklasan naman niyang may pito pa siyang mga kapatid sa ama ay nag-uumapaw ang kaligayahan niya. Subalit nang matuklasan niya ang proviso na nakasaad sa huling testamento ng lolo niya ay labis, nag-uumapaw, siksik at liglig ang naging kalituhan niya. Kapag natupad raw niya ang kondisyong nakasaad sa huling sulat ng Lolo Alfonso niya ay saka pa lamang niya makukuha ang mana niya. Ayon sa proviso, kailangan niyang iguhit ang larawan ng taong mahal niya at ibigay ang larawan sa taong iginuhit niya. Ang problema, sino kina Bram at Pierce ang iguguhit niya? Bago siya pumunta ng Sagada at makilala ang tunay niyang pamilya, walang pagdududang agad niyang isasagot na si Bram, ang ex-boyfriend niyang iniwan siya matapos niyang tanggihan ang alok nitong kasal. Subalit ngayon, ginugulo rin ang puso niya ni Pierce, ang best friend niyang mula't sapul ay nasa tabi niya at lihim na minamahal siya.
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4  - PICOLO aka PIOLO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 132,367
  • WpVote
    Votes 2,462
  • WpPart
    Parts 11
Labinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan ang batang puso niya nang iwan siya ni Piolo. Pagkaraan ng mahigit sampung taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. At kahit isa nang sikat na modelo at sinasamba ng mga kalalakihan ay hindi nagbabago ang epekto ni Piolo kay Amparo. Pero kailangan niyang maging matibay. Kung noon ay muntik nang may mangyari sa kanila, ngayon ay ipinapangako ni Amparo: kahit si Piolo pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo, hindi niya ipagkakaloob ang sarili rito. Pero ano ang ginagawa ni Piolo sa kanyang kuwarto? Nakatayo ito sa harap niya. At siya, naghihintay lang sa susunod nitong hakbang...
ARK My Love My Hero 388 (COMPLETED) by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 100,234
  • WpVote
    Votes 2,084
  • WpPart
    Parts 12
First sight pa lang ni Ark kay Nollet, convinced na siya na ito ang kanyang "The One." Kaso lang, convinced din si Nollet na six feet under the ground na ang puso niya. Lalo na sa isang makulit na manliligaw na nagpapanggap na superhero. Hanggang isang araw, matapos iligtas ni Ark si Nollet ay dinala siya ng babae sa kuwarto, isa-isang hinubad ang damit, niyakap siya at hinalikan. Hindi malaman ni Ark ang gagawin sa babae. Ano ba talaga ang gusto nito sa buhay? Published in 2017 Unedited
Hot Intruder, The Gorgeous Trespasser by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 85,393
  • WpVote
    Votes 1,837
  • WpPart
    Parts 11
Phr Imprint printed in 2011
Love Story On Jeju Island (COMPLETE) by greciareine
greciareine
  • WpView
    Reads 67,665
  • WpVote
    Votes 1,430
  • WpPart
    Parts 10
"I learned that when it comes to love, it doesn't matter how long you've been together.It's about how long you stay faithful to each other even though your other half is not around." Amitiel de Silva spent her life looking for true love. Kaya nang hiwalayan siya ng kasintahang si Brix ay ganoon na lang ang disappointment niya. Needing a fresh start, nagbakasyon siya sa Jeju Island sa South Korea kasama ang isang kaibigan. Doon ay nakilala ni Amitiel ang napakaguwapong si Jin na malaki ang pagkakahawig sa Korean actor na si Kim Soo Hyun. Jin was a man of many secrets at ubod ng suplado. Kaya naman sigurado si Amitiel na hindi niya ito type! Ngunit sino ba ang kanyang lolokohin kung titig pa lang ni Jin ay nagsa-somersault na ang puso niya?
Midnight Blue Society Series 2  - JEBU - by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 106,936
  • WpVote
    Votes 2,010
  • WpPart
    Parts 11
Jebu wanted revenge at any price... hanggang sa makaharap niya si Janelle. Namalikmata siya nang makita na ang babae ay nagtataglay ng maamong mukha. Natagpuan na lang ni Janelle ang sarili sa mga bisig ni Jebu, kapatid ng lalaking nagdala sa kanya sa kapahamakan. Hindi niya napaglabanan ang malakas na magnetismong humihigop sa kanya para malunod sa kakaibang emosyong nalalasap tuwing magdidikit ang mga kanilang mga katawan... Her instinct dictated na si Jebu ay hindi isang kakampi kundi kaaway!
Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 136,511
  • WpVote
    Votes 2,646
  • WpPart
    Parts 11
Masakit man para kay Yanni, napilitan siyang samahan si Cholo nang bumili ito ng engagement ring para sa babaeng pakakasalan daw nito. Nakalimutan naman niyang isauli ang singsing at nakatuwaang isukat. Pero nang huhubarin na niya ay hindi niya mahugot sa daliri. "A-ano'ng gagawin n-natin?" tanong ni Yanni sa kawalan ng masabi. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang ilapit ni Cholo sa bibig nito ang kanyang daliri at slow motion na isinubo. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang unti-unting nauupos. It seemed that she was being hypnotized. Nanatiling nakatitig siya sa mga mata ni Cholo. At ano itong nababasa niya sa mga mata nito? Was it desire? Paano na kung hindi lang ang kanyang daliri ang pangahasan nito? At noon lang natiyak ni Yanni, mahina ang kanyang depensa kapag si Cholo na ang nasa harap niya.
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 118,605
  • WpVote
    Votes 2,090
  • WpPart
    Parts 10
Si Joey Agoncillo ang nag-iisang babae sa limang arkitekto na napiling mag-bid sa isang malaking kontrata. She needed that break to prove something to her ex-boyfriend who dumped her for a rich woman. Si Nico Madrigal naman ang pinakamahigpit niyang kalaban sa proyektong iyon. He, too, needed to get that contract so badly. Kailangan nitong mapatunayan sa inang napaka-domineering and manipulative na may narating ito without her help. Mukhang mahihirapan si Joey kay Nico. From what she gathered, he was as stubborn as a bull. A typical Taurean. "What Nico wants, he gets." Hindi nga lang niya alam kung kasama siya sa gusto nitong makuha. Hindi naman siya papayag na mangyari iyon. He had his motives. Gusto siya nitong sirain at guluhin ang diskarte niya para hindi mapunta sa kanya ang kontrata. But when he kissed her... now, that was another story. Saka na muna ang agam-agam. Meanwhile, she would enjoy his advances. Saka na siya mag-iisip...
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #6 ALEC (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 133,724
  • WpVote
    Votes 2,375
  • WpPart
    Parts 9
Kaaway ni Eliza si Alec Buenaventura, isang negosyanteng wala nang inisip kundi ang sariling interes. Kaya naman nang malaman niya ang diperensiya ni Alec, nagtaka pa siya sa sarili kung bakit nakadama pa siya ng simpatya rito. Pero hindi pa rin ito tumigil sa pang-aapi sa tulad niyang maliit na negosyante. Kaya ipinamukha niya kay Alec ang nalaman niyang lihim nito. "Hanggang diyan ka na lang, Mr. Buenaventura. Alam ko ang rason kung bakit hanggang patikim-tikim ka lang." Gumuhit ang pagtataka sa anyo nito. "Gusto mo ako, hindi ba?Unfortunatey, hanggang halik lang ang kaya mong gawin." Halos magdugo ang mga labi ni Eliza nang halikan siya ni Alec. Naramdaman pa niya ang paglilikot ng kamay nito sa loob ng suot na blusa. Pero alam niyang ligtas siya sa kapahamakan. Nang biglang manlaki ang mga mata niya sa naramdamang matigas na 'bagay' sa gawing hita niya. "There's no stopping now, Liz..."
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #MBS7 ELMO (completed) (published under PHR) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 95,850
  • WpVote
    Votes 1,706
  • WpPart
    Parts 11
Dahil hindi mahal ni Haya ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng kanyang ama at dahil wala pa sa isip niya ang pag-aasawa, lumayas siya sa kanila. Nangako siya sa sariling babalik lang kapag natagpuan na ang lalaking mamahalin at pagsisilbihan. At sa isiping iyon, tutol ang loob niya sa paglitaw ng isang imahen sa kanyang isip: ang imahe ni Elmo Mirano. Katabi niya ito sa tren na sinakyan patungong Legaspi City. At talagang naiinis siya rito sa halos kawalan ng konsiderasyon-- nakadikit o mas tamang sabihing nakapatong na ang braso na ang braso nito sa kanya. Naiinis si Haya, pero naggugumiit pa rin sa kanyang isipan ang matigas na muscles ni Elmo na hindi maikubli ng suot na polo: ang makakapal nitong kilay at likas na mapupulang labi, ang init na sumisingaw sa katawan nito, na lalong nagpaasiwa sa kanya. Hindi pa man nakarating sa kanyang destinasyon ay mukhang babalik na si Haya sa kanila-- kasama si Elmo Mirano.