user916986's Reading List
10 cerita
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) oleh Gretisbored
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Gretisbored
  • Membaca 558,503
  • Suara 24,371
  • Bagian 42
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa paghahanap ng ka-match ng kanyang bone marrow ay matatagpuan niya rin ang lalaking magpapabago sa kanyang pananaw at magpapatibok sa niyeyelo niyang puso. Si Moses San Diego ay isang accomplished businessman. Masasabing maswerte siya sa buhay dahil nakamulatan na niya ang karangyaan, subalit hindi ito ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam ng binata, isang sumpa ang mapabilang sa pamilyang San Diego. Lahat kasi ng mga tao sa paligid ay sumasamba sa kanila. Isang hamon tuloy ang makakita ng isang babaeng tunay siyang mahal at hindi dahil isa siyang San Diego. Isang araw, naisipan na lang niyang magpakalayu-layo sa anino ng kanilang angkan at mamuhay bilang si Mon Batumbakal, isang hamak na janitor ng Bianchi-Moretti Corporation sa Chantilly, Virginia. Ano kaya ang mangayayri kapag pinagtagpo ang isang dalagang bato na ang puso at isang binatang wala na ring tiwala sa kapwa? ABANGAN! ********** Alam ko marami ang maiinis dahil nga hindi pa tapos ang dalawang kuwento pero heto't may sisimulan na naman ako. Hehehe! Sorry, guys. I just want to write the plot so I can have peace of mine. :) Promise, hindi na lalampas ng Setyembre bago matapos ang dalawang ongping stories. I am planning to finish When I love this July-August. Cheers! ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"
The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION] oleh MatildaBratt
The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]
MatildaBratt
  • Membaca 15,473,606
  • Suara 260,439
  • Bagian 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siya kay Adrian, ang anak ng bestfriend ng daddy niya. She was a food-loving teenager while Adrian was the star of their school's soccer team and the guy that she loathes. When her father died, she decided to take control of her life kaya't umalis siya ng Pilipinas at hindi na muling nagpakita pa. Makalipas ang siyam na taon ay bumalik si Samantha, hindi para pakasalan si Adrian kundi para kumbinsihin ang mga magulang nito na hindi na ituloy ang kasal nila. She has made a life of her own and she has found love. Masaya siya at kontento sa piling ni Miles, ang boyfriend niyang nagnanais na pakasalan siya. Gagawin niya ang lahat para hindi na matuloy ang kasal ni Adrian, kahit na mapanggap pa siya bilang isang personal chef ng mama nito just to convince her to cancel their wedding. But how can she stick to her plan when she finds out that Adrian is not the person she thought he would be? Will she choose the one who owns her heart or the one who owns her future? ***** "I really like your story: The Presidents Son. It's like a breath of fresh air from my stressful job. Looking forward to reading all of your works..." - ImNotAPrude "hi nakakagutom nman ang bawat chapter title ng TPS...." - missSbob "I'm starting to love you and your stories, mostly The President's Son... Love the names of the chapters which are about FOODS haha" - mikaellarosedaguro "I really love The President's Son..natapos qu xa in one night..puyat talaga aqu pero worth it naman..."- JopelleAtienza All rights reserved. Only the author has The right to reproduce the work (make copies); the right to adapt it (make new versions); the right to distribute or publish the work; and the right to display it in any form.
SUKIYAKI (COMPLETED) oleh Gretisbored
SUKIYAKI (COMPLETED)
Gretisbored
  • Membaca 383,805
  • Suara 14,199
  • Bagian 32
Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang magsasaka. Simple lamang ang pangarap niya sa buhay. Mabigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang at kapatid. At isa lamang ang naiisip niyang paraan para maisagawa ang ganoong misyon sa buhay---ang Tita Chayong niya na matagal nang nakabase sa Japan. No'ng una inisip niyang mag-asawa na lang ng matandang Hapon para mapadali ang pagtupad niya sa number one life goal niya. Subalit nang mapag-alaman niyang maaari rin pala niyang magamit ang tinapos na kurso sa Education, nagpursige na siyang maghanap ng trabaho bilang English teacher. Kaso sa kasamaang palad ay hindi siya matanggap-tanggap sa mga pinag-aaplayan... Siya naman si Kaito Furukawa. Nag-iisang anak ng may-ari ng Furukawa Builders, ang pinakamalaking construction company sa buong Kansai. Sanay siya sa maluhong buhay. 'Ika nga'y nakahiga sa salapi. By a twist of fate, nagkrus ang landas nila ng ating dalagang Pilipina na simula't sapol ay mainit na ang dugo sa binata. Napagkamalan pa niya itong bulakbol na salary man kahit na ilang beses nang sabihan ng tiyahin na galing ito sa mayamang angkan sa Osaka. Ang tingin kasi ni Pipay dito batugan, pero dahil kaibigan ng tiyahin niya ang ama nito'y bini-build up na lang sa kanya para may pumatol ding babae. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Pipay kapag nalaman niya na ang inakalang bulakbol na salary man ay may-ari pala ng pinakamalaking video game company sa buong Japan at nag-iisang tagapagmana ng Furukawa group of companies?
The Woman He Broke (Published under PSICOM) oleh AnjSmykynyze
The Woman He Broke (Published under PSICOM)
AnjSmykynyze
  • Membaca 17,299,742
  • Suara 272,236
  • Bagian 63
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a man who never believed in love while I was a woman who took the challenge of changing his heart and mind. Akala ko kaya kong baguhin ang baluktot niyang paniniwala sa relasyon. Akala ko kayang painitin ng aking pagmamahal ang malamig niyang puso. Akala ko kaya kong sabayan ang nilulumot niyang buhay. Ngunit mali ako. Dumating akong buo ang puso at puno ng pag-asa sa pag-aakalang LOVE CONQUERS ALL. I took my chance to make MAGO CONCEPCION love me pero trinato niya ako na parang isa lang sa mga koleksiyon niya. Ginamit niya ako; pinaramdam na kahit kalian ay hindi ako sapat. He sliced through my perfectly shaped heart and dragged me down so as I am left empty-handed. Ibinuhos ko na sa kanya ang lahat, kakayanin ko pa ba? Ako si ARLENE MEJORADA, once a hopeless romantic, now --- I am THE WOMAN HE BROKE. This is the third story of the Adonis band. This time, naka-center kay Mago Concepcion at Arlene Mejorada
The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1) oleh pinkriverx
The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)
pinkriverx
  • Membaca 22,681,390
  • Suara 329,907
  • Bagian 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanyang kuya, at ang lalakeng laging pinagkakaguluhan ng babae. Kasi nga... He's a playboy. He's the casanova. He's a DEVIRGINIZER. Pero bakit nga ba laging lumalabas ang soft side niya pag nandyan si Athalia? Bakit napaka-overprotective niya kay Athalia? Ano bang rason ni Eleven?
YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED) oleh Gretisbored
YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Gretisbored
  • Membaca 570,580
  • Suara 16,026
  • Bagian 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudyante roon simula ng sila'y nasa elementarya pa lamang, outcast ang turing nila kay Mara. Lagi na lang siyang target ng pambu-bully lalung-lalo na ng grupo nila Minami, ang pinaka-popular na babae sa campus at ni Keisuke, ang guwapong swimmer. Naging malala ang naranasan niya sa kamay ng mga ito nang ipakilala siyang girlfriend ng pinaka-hot na baseball player at lider ng banda ng eskwelahan na si Ryu Otsuji--pamangkin ng pangalawang asawa ng mama niya. Kagaya ni Minami, galit din si Ryu kay Mara. Subalit ang ipinagtataka ng dalaga, lagi na lang siyang nililigtas ng binata sa mga kamay ng kanyang bullies sa tuwing nalalagay sa panganib ang kanyang buhay. Gusto kaya siya nito? O baka hinahanda lang siya para sa plano nitong paghihiganti dahil sa pamumulabog daw nila ng tahimik niyang buhay? ********** Ang nasa cover po ay si Jin Akanishi---ito ang gumanap sa papel ni Hayato Yabuki sa Gokusen 2. Ang kuwentong ito ay inspired ng character ni Yabuki. :) Thank you for supporting my story.
MINE oleh MaxineLaurel
MINE
MaxineLaurel
  • Membaca 3,611,223
  • Suara 78,605
  • Bagian 39
The small but wealthy town of Salvacion is being ruled by powerful vampires. The vampire king Devon Havenhurst is in a battle to keep his reign and his throne. With the help of three vampire lords--Stephen Villaroyal, Marcus Altamonte and Lucas Montenegro--Devon will do anything to remain king among his race. But will the four of them be able to keep their duty and promise when four young heroines are destined to rule over their minds and hearts? A gothic romance novel like no other. *** Bloodlust Novel Book I Ang akala ko no'ng una ay napakaperpekto na ng buhay ko. Mayaman ang pamilya ko. Nakakapag-aral ako sa isang eksklusibong paaralan, nakukuha ko ang mga bagay na ninanais ko, at higit sa lahat, may mabait akong kasintahan. Life is indeed perfect in our small but glamourous town of Salvacion... Hanggang sa nalaman kong isang ilusyon lang pala ang lahat. Ang kayaman ng pamilya ko ay hindi pala tunay na sa amin. Ang paaralang akala ko na para sa mga mayayamang katulad ko ay hindi pala isang ordinaryong unibersidad. Ang nobyong minahal ko ay may lihim na itinatago. At higit sa lahat ang inaakala kong napakaperpektong buhay ko ay nababalot pala ng kasinungalingan... Because behind all the glitz and glamour of this world lies another dark and mysterious one where creatures of the night known as vampires pay a very good price to own girls like me. #BloodLustMine (Written in FILIPINO)
Change of Blood oleh LKsolacola
Change of Blood
LKsolacola
  • Membaca 38,002
  • Suara 1,169
  • Bagian 15
"You're afraid of me, Jinny. But why? Mukha ba 'kong nangangagat?" Naniniwala si Jinny na mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot sa kuya niya. Maraming parte ng childhood memory niya ang nawawala pero ang bite mark sa kanyang leeg ang patunay na may bampirang umatake sa kanya noong bata pa siya. Kaya nang magkaroon ng sunod-sunod na kidnapping cases sa academy nila, alam agad ni Jinny na mga bampira ang nasa likod niyon. Dahil sa pag-iimbestiga, nalaman niya na bukod sa kanya ay may isa pang target ang mga kidnapper-si Lucho, ang guwapo pero misteryoso niyang classmate. Thanks to her "gift," Jinny could easily tell that he wasn't an ordinary mortal. Napatunayan niyang tama siya dahil nang gabing umatake ang mga bampira ay dumating si Lucho at iniligtas siya. Nalaman niyang isa itong Bloodkeeper o nilalang na kalahating mortal-kalahating bampira. Bilang proteksyon niya, nag-volunteer ang lalaki na maging bodyguard niya. Ibinaba rin nito ang depensa at pumayag na mapalapit siya rito. Jinny wanted to return his kindness, really. Pero nang malaman kung sino ang kalaban ni Lucho, na-realize niyang kailangan niya itong traidurin kahit pa ikamatay niya.
Dangerously Mine (PUBLISHED Under PSICOM) oleh AyamiLu
Dangerously Mine (PUBLISHED Under PSICOM)
AyamiLu
  • Membaca 26,255,092
  • Suara 79,613
  • Bagian 10
#StanfieldBook1: Duke Steele "So which is it... are you leaving me because I'm a criminal? Or because you think I'm a liar?" Secrets. Lies. And deception. It all comes back six years ago, when Louraine Samantha Allegra thought her life was turned upside down and she was tossed into a black-hole of misery of life-the ugly past she never wanted to remember. But then, six years had passed and Louraine stood face to face with a man who will be her husband, the same man who froze her heart. Duke Arjun Steele-the man with undeniably good-looks, confidence and oozing sex-appeal. Dangerous and darker. Can his fiery eyes warm her heart and melt the icy barriers he himself erected? Disclaimer: The story is written in Filipino/Tagalog. __________________________ Started: December 2014 Ended: August 2015 AyamiLu © Copyright 2014-2015 All rights reserved.
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED) oleh Gretisbored
WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)
Gretisbored
  • Membaca 551,005
  • Suara 18,945
  • Bagian 32
NORDIC SERIES #4 (ZYRA CASTILLO'S STORY) Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH ********** Chubby at hindi kagandahan. Iyon ang laging pagsasalarawan ng mga kaanak at kaibigan ni Zyra sa kanya. Paano ba naman, minalas siyang mapabilang sa pamilya na may mga kuyang pinaulanan ng Diyos ng kaguwapuhan at kakisigan. Tuloy ay tumataas ang kilay ng sinuman kung sasabihin niyang kapatid niya ang mga kuya niya. Idagdag pa ro'n ang pagkakaroon niya ng mga kaibigang gaya nila Ysay at Leigh na sadyang lingunin ang kagandahan at kaseksihan. Kaya nang makilala niya ang isang Lukas Borsett, isa sa mga Norwegian engineers na nakatoka sa hotel project ng kompanyang pinagtatrabahuhan, ni hindi niya inisip na magkakagusto ito sa kanya. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang blonde hunk na isa sa pinagkakaguluhan sa upisina nila ay sa kanya manligaw? Pero totoo nga naman kaya ito? O baka ginu-good time lang siya ng damuho. Baka tama ang narinig niyang tsismis na isa lamang siya sa Filipina conquests nito. Pagkakatiwalaan pa kaya niya ito o maghahanap na lang siya ng Pinoy na magkakagusto sa isang katulad niya?