Kuya JP's ❤
5 stories
Saranghaeyo, My Bodyguard by legoguywrites
legoguywrites
  • WpView
    Reads 49,919
  • WpVote
    Votes 1,673
  • WpPart
    Parts 17
COMING TO YOUR FAVORITE BOOKSTORES THIS JULY UNDER LIFEBOOKS 사랑해요, 내 보디가드 Saranghaeyo, My Bodyguard "Hindi ko alam kung ano ang mas nagpagulo sa buhay ko... 'yong nalaman kong may gustong pumatay sa akin o noong na-realize ko na nahuhulog na pala ako sa 'yo..." NASISANTE si Alex sa pagka-pulis niya at kinakailangan niya na makahanap ng trabaho upang suportahan ang may sakit niyang ina. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makahanap ng trabaho bilang bodyguard ng isang guwapong Koreano na CEO ng isang malaking Public Relations Agency sa bansa. Ngunit hindi lang ang buhay ng boss niya ang kinakailangan niyang protektahan, she had to maintain her false male identity so she could keep her job. SA unang pagkakita pa lang ni Daniel Jung kay Alex ay naging duda na siya kung kaya nga ba nitong protektahan ang buhay niya. His bodyguard looked like one of those flower boys he see on Korean dramas. Tila malambot pa ito sa tteokbokki. Mas papasa pa itong idol kaysa bodyguard. Gustuhin man niyang papalitan ito ay wala siyang magagawa pa. Dahil ayon sa uncle niya 'Alex is the best there is'. Daniel would soon realize that it wasn't his life that needed protection... dahil guguluhin ng bodyguard niya ang kanyang buong pagkatao, pagkalalaki at maging ang puso niya. Special thanks to Sun-a Choi and Austin Lee for helping me out with some of the Korean words. This story goes to all HanChul fans out there!
The K-Pop Star and I by legoguywrites
legoguywrites
  • WpView
    Reads 105,301
  • WpVote
    Votes 2,913
  • WpPart
    Parts 14
Somewhere Between Moving On and You by legoguywrites
legoguywrites
  • WpView
    Reads 155,323
  • WpVote
    Votes 4,398
  • WpPart
    Parts 35
Pinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. Sakit na hindi kayang limutin ng alak, DOTA, at hindi kayang alisin ng Advil. At isa lang ang naisip ni Kei na paraan para mawala ang sakit. Ang magpakamatay. Tatalon na sana siya sa footbridge sa Morayta nang hatakin siya ni Abby Santillan---ang babaeng parang kabute na bigla na lang sumulpot sa buhay niya. Nag-offer ito ng tulong sa kanya. Tutulungan siya nito na mag-move on at magpapanggap na sila para pagselosin si Lindsey. Pero may isang kondisyon si Abby sa kanya: Bawal siyang ma-in love rito. Nakipag-deal si Kei na hinding-hindi mangyayari iyon, dahil hindi si Abby ang tipo niyang babae. Pero mas habang tumatagal ang palabas nila, mas nararamdaman ni Kei na parang nagiging totoo na ang lahat sa kanya. At kailangan niyang pigilan ang anumang namumuong damdamin. Dahil alam niya na ang unang mahulog ay talo. Ang librong ito ay para sa mga nasaktan at nagmo-move on kahit hindi naman naging sila. Para sa mga umasa. Para sa mga pinaasa. At para sa mga pakshet na nagpapaasa.
Forget Me Not by legoguywrites
legoguywrites
  • WpView
    Reads 216,076
  • WpVote
    Votes 6,701
  • WpPart
    Parts 19
Simula nang dalawin ng magkakaibigan na sina Kayla, Rico, Brennen, Irene, Kate at Gilbert ang burol ng kaibigan nilang si Melissa ay sunod-sunod na kababalaghan na ang naganap sa paligid nila. Maging sa Section 4D. Iyon na ang simula ng mga araw na hindi sila matatahimik. Mararanasan nila ang matinding takot na kailanman ay hindi pa nila naranasan. Sunod-sunod na kamatayan. Sunod-sunod na burol. Matutuklasan ni Kayla sa nakapangingilabot na mga nagaganap sa kanilang magkakaibigan ang isang lihim na mag-uugnay sa bawat isa kanila sa naging kamatayan ni Melissa.
Chain Letter by legoguywrites
legoguywrites
  • WpView
    Reads 33,014
  • WpVote
    Votes 1,511
  • WpPart
    Parts 27
IF YOU DELETE OR IGNORE THIS MESSAGE SHE WILL COME FOR YOU... AND SHE WILL KILL YOU! Ang buong akala ni Vanessa Montalban ay isang sick prank lamang ang chain letter na na-receive niya tungkol sa classmate niyang nag-suicide last year. She ignored it. The next day she died.