asrah028
- Reads 100,645
- Votes 2,494
- Parts 20
"Sagutin mo naman 'yung mga 'bakit' sa utak ko. Huwag mo naman akong patayin sa katahimikan mo..."
One minute, he loved her completely. The next day, he wasn't even sure anymore.
Sa isang iglap, gumuho ang mundo ni Twaylem nang iwan siya ni Tao nang walang malinaw na dahilan. Ang dating matatag na pangako, natunaw sa apat na salitang wumasak sa buong pagkatao niya: "I need to find myself."
Ang daling sabihin, pero ang sarap pumatay sa sakit. Itatapon na lang ba talaga ang lahat para sa isang mababaw na dahilan? Kaya bang gamutin ng salitang "I'm sorry" ang unti-unting pagkadurog ng puso niya?
Ibinigay ni Twaylem ang lahat, pero sa huli, luha at matinding pait lang ang iniwan sa kanya. At sa pagtalikod ni Tao, isang bagay lang ang sigurado... hindi lang distansya ang babago sa kanila, kundi ang sugat na iniwan ng isang biglaang pamamaalam.