PHR Book
7 stories
Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 455,096
  • WpVote
    Votes 8,090
  • WpPart
    Parts 35
Unlove Me By Rica Blanca
A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 384,190
  • WpVote
    Votes 5,777
  • WpPart
    Parts 24
A Moment With You By Juris Angela "Thank you for making my dream come true. I can fly even without a magic carpet. All I need is you." Jasmine lived like a princess. Sa yaman ng pamilya niya, kayang-kaya niyang makuha ang lahat ng naisin niya. Gayunman, nananatiling may hungkag na bahagi sa pagkatao niya-ipinagkakait sa kanya ng kanyang ama ang kalayaan na mamili ng lalaking mamahalin niya. Kung kani-kaninong anak ng kumpare nito siya inirereto. Sa tuwina ay kung ano-anong paraan ang ginagawa niya para lang matakasan ang mga inirereto sa kanya. Sa minsang pagtakas niya ay nalagay siya sa isang alanganing sitwasyon. Mabuti na lang at iniligtas siya ng isang guwapong estranghero-si Allen. Animo isa itong Prince Charming dahil sa angking kakisigan nito. Iyon nga lang, sa halip na pamunuan ang isang kaharian ay isang kakarag-karag na jeep ang pinatatakbo nito. Gayunman, hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob niya rito. At nang magkahiwalay sila ay nanatili itong laman ng puso at isip niya. Lumipas ang ilang taon. Isang bagong Allen ang bigla na lang nagpakita sa kanya. Ang dating jeepney driver, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang malaking kompanya. He turned into a real Prince Charming now. Handa na sana siyang maging reyna ng kaharian nito kung hindi lang niya nalaman na huwad pala ang pagkatao nito...
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,484
  • WpVote
    Votes 4,004
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 585,708
  • WpVote
    Votes 8,981
  • WpPart
    Parts 22
Sweetheart 2: Lavender Lace By Martha Cecilia "My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit in to your world of lavender lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department: super-guwapo, ex-scholar, star player, at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigor is a cross between Elvis Presley and Antonio Banderas sa kupas at hapit na maong, itim na jacket, at motorsiklo. Nasa high school si Lacey at nasa college si Rigo. Malayo ang high school building sa college but stealing glances from afar, they fell in love. Their young hearts vowed to love each other for always. But vengeance and betrayal separated them.
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 611,008
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 413,603
  • WpVote
    Votes 7,186
  • WpPart
    Parts 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko, basta nasa tabi kita." Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe-magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman. Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura-super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya! Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito-at nagustuhan niya iyon...
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 670,984
  • WpVote
    Votes 12,312
  • WpPart
    Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?