Somniator_lux09
VIRTUAL REALITY: PREQUEL
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nawala ang 100,000,000 populasyon ng mga tao sa buong mundo at upang hindi katakutan at magdahilan pa ng panic sa mga tao na walang kaalam-alam, ang nangyaring iyon ay itinago ng gobyerno sa masa.
Sa kabilang banda, ang binatang si Cormac Dashiell ay isa sa mga nawala na lamang biglaan, ang dating siya na tao ay ngayon isa ng summoned beast, ang paniniwala nila na Earth lamang ang natatanging may lifeforms, ay ngayong tina-travel niya ang iba pang mundo na tinitirahan ng magiging master niya.
Sa mundo ng summoned beast ang pinakamalas na iyong magiging anyo ay ang maliliit na hayop o mahihinang nilalang dahil isa itong 'prey' kumpara sa ibang summoned beast na may kakakayahang maging 'hunter'. Habang umiiyak ang iba pang tao na kasama niyang nawala dahil sila'y kuneho, langgam at iba pa. Siya na lang ang ikinatuwa ni Cormac dahil ang totoo niyang anyo ay ang Dragon, habang natatakot para sa buhay nila ang iba pa niyang kasama na nawala, ganun na lang ang pagka-godly cheat ni Cormac dahil sa System na meron siya.
Habang ang iba ay busy sa pagpapalakas, normal na sa kanya ang maging malakas. Ang gagawin na lamang niya ay magpalakas pa ng unti (kahit nga hindi na kailangan)...
***
Book Cover
Wattpad: Xandrage
Facebook: Movan WP
No Stealing of Book Covers! I officially commissioned this from the Artist.