iamROSAS
- Reads 509,546
- Votes 1,287
- Parts 10
Hindi lahat ng pagtanggi ay kayang tanggapin. Lalo na kung ikaw si Bettina.
Nagsimula ang lahat sa isang business appointment na hindi niya nakuha. Isang bagay na labis niyang ikinagalit, lalo na nang harap harapan siyang tanggihan ng lalaking iyon. Sa mundong ginagalawan niya, hindi uso ang salitang no. Kaya para sa kanya, ang ginawa nito ay hindi lamang simpleng pagtanggi kundi isang matinding pagyurak sa kanyang pagkatao. At dahil doon, sinigurado niyang makakaganti siya. Pinahiya niya ito mismo sa harap ng kasama nito, walang pag aatubili at walang pakundangan.
Ngunit hindi niya inaasahan na sa simpleng eksenang iyon, may isang taong muling magigising ang interes.
Sa unang pagkakataon, may isang babaeng nakakuha ng atensyon ni Thunder. Isang babaeng malakas kumain. Isang babaeng kakaiba sa lahat ng nakilala niya. At sa kabila ng lahat, hindi niya maitatanggi ang paghanga sa taglay nitong kagandahan at sa hubog ng katawan nito na tila ba hindi naaapektuhan ng dami ng kinakain nito.
Sa halip na magalit sa ginawa nito, isang ngiti ang kusang sumilay sa kanyang mga labi. Isang ngiting agad na naunawaan ng kanyang kaibigan. Trouble. And he likes it.
Sa kabila ng magulong simula, tila may kakaibang koneksyon na unti unting nabubuo sa pagitan nilang dalawa.
Pero paano hahantong sa pagmamahalan ang dalawang taong nagsimula sa gulo?
At paano kung ang isang simpleng pagtanggi ay maging simula ng isang relasyong hindi na nila kayang takasan?
From enemy to wifey. How? 💍🔥