OREOnnejustine
- Reads 1,159
- Votes 290
- Parts 25
Author's Note:
Tayong mga tao, mataas ang expectations sa buhay. Walang katapusan ang mga 'hingi' at 'hiling' natin. Kapag naman natupad na yung gusto, hindi pa tayo nakukuntento.
Madalas, sa love at sa friendship, hanap pa tayo ng hanap ng iba, nasa paligid lang naman pala natin sila. Nagpapaka-stress tayo sa mga problema sa family at studies, nasa paligid lang naman natin ang solusyon.
Gusto natin maging masaya, pero hindi tayo marunong mag-appreciate ng mga bagay na meron na tayo. At yung mga bagay na wala pa, gawin nating inspirasyon para magtagumpay.
Sana magustuhan mo ‘tong We Could Happen. Pinag-puyatan ko tong i-type, ilang sermon mula kay Mama ang nakuha ko dahil daw maghapon at magdamag nakasaksak ang laptop ko na tatlong beses ko ng pinaayos at palaging nagha-hang, at higit sa lahat, gusto kong makuha mo yung mga lessons nila Carly at Russel sa dulo.
Sabay-sabay tayong kiligin, maiyak, magulat sa twists at ma-inspire sa buhay nila.
Salamat at God bless! :)
- AJ Patriarca