Pocketbooks
7 stories
Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy Love por _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    LECTURAS 75,809
  • WpVote
    Votos 1,825
  • WpPart
    Partes 10
[When your past came back to haunt you...] Wala nang mahihiling pa si Lemon-masaya na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Hanggang sa ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Pepper ang lalaking pakakasalan nito: si Joey Montinola. Si Joey ang lalaking ayaw na niyang makita. Ngunit hindi na siya makakaiwas dahil siya ang napili ni Pepper na mag-organize ng engagement party nito. Kahit hindi niya gusto ang ideya ng pagpapakasal ng dalawa, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho. She thought everything was going to be perfect, but something went wrong. Tumakas si Pepper; and worse, sumama ito sa kuya niya. Sinabi ni Joey sa kanya na kailangan niyang malusutan ang problemang iyon. At hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. Joey suddenly kissed her. The moment Lemon felt his lips on hers, she knew he had captured her heart. Again.
Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart por _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    LECTURAS 121,572
  • WpVote
    Votos 2,684
  • WpPart
    Partes 13
[First love never dies...] For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito. Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito. She did not expect she would fall in love with him. Again...
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits por _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    LECTURAS 102,667
  • WpVote
    Votos 2,297
  • WpPart
    Partes 13
[A best friend-turned-to-lovers story.] Seff was Sugar's best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya ay tinanggihan niya ito. Mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kaysa sa pagmamahal nito na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal. Alam niya sa sariling mahal niya si Seff bilang kaibigan. Or so she thought. Nanatili silang magkaibigan ni Seff sa kabila ng pagtanggi niya rito. Ngunit nararamdaman niyang lumalayo ito sa kanya. Nang pormahan nito ang isa sa mga kaibigan niya, nalito siya sa kanyang nadama. Dahil sa halip na matuwa siya dahil sa wakas ay napansin din ni Seff ang kaibigan niya ay pagkainis ang nararamdaman niya tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Nang ma-realize ni Sugar na hindi na pagtinging-kaibigan ang nararamdaman niya kay Seff ay sinabi agad niya ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi siya naging handa sa naging tugon nito...
Twisted Tales Book 2: Better Than Revenge por _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    LECTURAS 86,360
  • WpVote
    Votos 2,179
  • WpPart
    Partes 12
[When frenemies fall in love with each other...] Aso't pusa ang turingan nina Ginger at Yoej sa isa't isa. Hindi lumilipas ang araw na hindi sila nag-aasaran nito. Akala ni Ginger ay hindi na mababago ang batian nila sa isa't isa hanggang sa humingi ng tulong sa kanya si Yoej. Gusto nitong magpatulong para makuha ang atensiyon ng best friend niyang si Sugar. Napagdesisyunan niyang tulungan ito ngunit hindi ang tulong na inaasahan nito. Sinabi ni Ginger kay Yoej ang lahat ng kabaligtaran ng gusto ni Sugar. Inaasahan na niyang magagalit ito sa kanya at madaragdagan uli ang pang-aasar nito sa kanya pero nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Naging mabait ito sa kanya. Hindi na siya madalas na asarin nito at binubusog nito ang puso niya ng kilig. Yoej was all handsome and cool. Hindi niya napigilan ang kanyang sariling mahulog ang loob dito. Pero hindi pala siya dapat nagpadala na lang basta sa mapang-akit na tingin nito, magandang katawan, at masarap na mga labi. Dahil lahat pala ng ginawa nito para sa kanya ay pulos kalokohan lang. He was on her for revenge. Paano na ngayon ang puso niyang tumitibok para dito?
S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18] por DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    LECTURAS 11,706,259
  • WpVote
    Votos 72,343
  • WpPart
    Partes 53
Katropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? Ano nga ba ang mga sangkap nito at gaano katagal lutuin? Sinu-sino ang mga pwedeng tumikim? Sino-sino ang nakatikim kahit na hindi pa 'yun pwede sa kanila? Kung trip mo ang S.T. gaano ba katagal ang biyahe at magkano ang pamasahe? [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Erotic Comedy Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Cover Design (Published): Enjelicious Started: March 2014 Completed: September 2014 Published: February 2015 PUBLISHED by VIVA PSICOM Book Launch dates: February 14, 2015
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) por Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    LECTURAS 630,579
  • WpVote
    Votos 16,572
  • WpPart
    Partes 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!