JanaLynnGuads's Reading List
8 stories
Please Be Mine by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 118,825
  • WpVote
    Votes 3,375
  • WpPart
    Parts 18
PHR # 970 Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, well, hindi siya nag-iisa. Crush ng halos lahat ng kolehiyala si Neil. Walang balak magpasapaw si Alodia sa iba. Kaya gumawa siya ng hakbang para sabihin sa binata ang tunay na nararamdaman niya. Pero, sorry na lang siya. Dead-ma sa kanya si sir. Sa sobrang sama ng loob niya at pagkapahiya na rin, umalis siya hindi lang sa unibersidad na iyon. Nagpunta siya sa Amerika at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. At wala na rin sana siyang balak na magbalik pa kahit na nang maka-graduate siya. Pero hindi niya matitiis ang sariling ama na naglalambing sa pag-uwi niya. At isang sorpresang malaman na ang taong dahilan kung bakit ayaw na sana niyang magbalik pa ay kadikit pala ng kanyang ama. At ngayong nagbalik na siya, halatang-halata naman niyang attracted sa kanya si Neil. Puwes, manigas ka ngayon. Wala na akong gusto sa iyo, saloob-loob niya. Kaya?
The Unwanted Wife by joydeloss
joydeloss
  • WpView
    Reads 454,324
  • WpVote
    Votes 7,369
  • WpPart
    Parts 21
"Handa akong gawin ang lahat, matutunan mo lang akong mahalin." Teenager pa lang si Charito, alam na niyang si Matthew ang gusto niyang mapangasawa. But Matthew had a fiancée. Kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng dalawa. Binayaran ng daddy niya ng tatlong milyong piso ang babaeng pakakasalan sana ni Matthew para lumayo. With his fiancée out of the way, Charito could now marry the man she loved. Sa gulat-at tuwa-ni Charito, pumayag si Matthew na pakasalan siya. Pagkatapos ng kasal nila, ang akala ni Charito ay iyon na ang simula ng masayang buhay nila ni Matthew bilang mag-asawa. Pero nagkamali siya. Simula lang pala iyon ng paghihirap niya. Matthew found out about what she did. Galit na galit ito sa kanilang mag-ama. Pinakasalan lang pala siya ni Matthew para tuluyang ilayo sa daddy niya. Gusto nitong iparamdam sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nito magagawang mahalin at kung gaano siya kawalang-halaga para dito. Nagtagumpay nga ba siya?
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR by MissClosetNovelist
MissClosetNovelist
  • WpView
    Reads 336,133
  • WpVote
    Votes 8,527
  • WpPart
    Parts 28
Buong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business decision ay nasira ang tiwala ng papa ni Ariana sa kanya. Pero hindi lang pala iyon ang dapat problemahin ni Ariana. Dahil may iba pang naging casualty ang kanyang ginawang business decision, ang De Asis Corporation na pinamamahalaan ng pinaka-aroganteng lalaking nakilala niya-si Clarence De Asis aka Clay, the man who acted like he was a god among mortals. Before Ariana knew it, binablackmail na siya ni Clay na gawin ang lahat ng nais nito. At hindi lang iyon. Minamanipula na din nito ang kanyang buhay. Hanggang sa umabot na sila sa puntong napapayag na siya nitong magpakasal para lang sa kapakanan ng negosyo. Sa pagitan ng mga pagbabanta nito at pagpapaka-charming, hindi na alam ni Ariana kung alin ba doon ang umepekto sa kanya kaya niya biglang natagpuan ang sariling nakikipagpalitan ng "I do" kay Clay.
Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version) by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 119,934
  • WpVote
    Votes 2,208
  • WpPart
    Parts 10
"Kung may parte man ng relasyon ko sa nakaraan na ipagpapasalamat kong nangyari, that was when I found out that my boyfriend cheated on me because that turned out to be the best day of my life. Because that was when I met you." Chase Sandoval was the most gorgeous and the hottest guy Una had ever seen in her entire life. Ito ang lalaking sumagip sa kanya sa nakaambang kapahamakan dahil sa paglalasing niya. Inakala niya na bukal sa puso ang pagtulong nito pero hindi pala. Ayon nga kay Chase: "Sa panahon ngayon ay wala nang libre." Kaya hayun siya-naninilbihan dito bilang maid nito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkahulog ng loob niya sa binata habang tumatagal ang pagsasama nila bilang mag-amo.
When I Fall In Love  (The Bouquet Ladies Trilogy Book 3) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 162,754
  • WpVote
    Votes 3,510
  • WpPart
    Parts 14
"I'll wait forever if I have to." Published Under PHR 2016 xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox Paglipas ng maraming taon ay nagbalik si Ynella sa probinsya na kanyang kinalakihan para pangasiwaan ang kasal ng dati niyang kabarkada noong high school. Kasabay ng masayang okasyon na nasaksihan niya ay ang pagbabalik ng mapapait na alaala. Lalo pang lumala ang pait nang makaharap niya ang vocalist ng sikat na banda na tutugtog sa reception. Sevastian de Angelov "Torch" Montelibano, rock star, sinfully handsome devil, her first love, first kiss, first heartache... her one and only love. Dahil sa isang pangyayari sa kanilang nakaraan ay pinaghiwalay sila ng tadhana. Ngayon ay muli silang pinagtagpo para ipamukha sa kanya ang kasalanan niya sa lalaki noon. Mukha namang bale-wala na kay Sevastian ang lahat. In fact, halatang interesado pa rin ito sa kanya ngayon. Pero malinaw ang mensaheng ipinapahatid ng bawat salita at titig nito- he was only in for some fun. Fun. Hindi siya interesado doon. Especially not with him. Lalo na ngayong maayos na ang buhay niya. At lalo pa ngayong napatunayan niya na hindi pa rin naghihilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bawat lingon niya ay naroroon ang lalaki, at mukhang determinado itong durugin ang puso niya sa ikalawang pagkakataon.
ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION) by iamcranberry
iamcranberry
  • WpView
    Reads 66,511
  • WpVote
    Votes 1,994
  • WpPart
    Parts 14
STATUS: COMPLETED(/^-^(^ ^*)/ THIS STORY WAS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. COPYRIGHT YEAR 2013, month OF DECEMBER ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA IS A STORY OF WENGGAY WHO INSTANTLY FELL IN LOVE WITH ZEKE AT VERY YOUNG AGE. THIS STORY IS WRITTEN BY MISS CRANBERRY LAUREL.
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR) by Cornynorte
Cornynorte
  • WpView
    Reads 110,560
  • WpVote
    Votes 1,594
  • WpPart
    Parts 18
"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang gag show. Akala pa naman ni Wynona ay natagpuan na siya ng kanyang "The One." Muli silang nagkita ng lalaking nag-"propose" sa kanya. Ito pala si Apollo, ang bago niyang boss. At ang unang trabaho niya ay samahan ito sa isang lugar na wala yata sa mapa ng Pilipinas at pinamamahayan yata ng mga baliw. Hindi akalain ni Wynona na bibilis ang tibok ng kanyang puso kapag nasa malapit si Apollo. Paano ba namang hindi, nang ma-trap sila nang ilang araw sa kung saan-saan ay nakita niyang lovable naman pala ang playboy na ito. At ang puso niya, hindi immune sa mga lalaking lovable. Akala ni Wynona, happy ending na dahil ang lalaking lovable, nangako ng forever at naniwala naman agad siya. Pero nang makabalik na sila sa Maynila, humingi si Apollo ng space para sa magsisimula pa lang sana nilang relasyon. Hindi naman ito astronaut, bakit nito kailangan ng space? Nasaan na ang pangako nitong forever? Nganga?
Pulang Rosas, Linyang Gasgas, Pag-ibig Na Wagas (Kanaway Book 3) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 213,646
  • WpVote
    Votes 4,764
  • WpPart
    Parts 32
"I don't want another girl. I can't even look at them anymore. My heart, my mind, my eyes-you own everything." Napilitang pumayag si May na magpanggap na girlfriend ng kanyang boss sa rancho na si Dash de Gala para daw tumigil na ang manipulative at snob na ina nito sa pagma-matchmake sa binata at sa mga anak ng mga amiga nito. Kapalit iyon ng pagtulong ni Dash na hindi mailit ng bangko ang bahay na naiwan ng mga magulang ni May. Hinayaan din niya na mapagkamalan siyang lesbian ni Dash upang maging off-limits sa charms nito, kahit alam naman niyang never siyang magiging type ng binata. Because Dash-despite his sometimes childish, playful, and carefree attitude-seemed to be "perfect" and "high and mighty" in his own right. Samantalang siya ay hamak na empleyado nito at never na naging isang sopistikadang babae. Pero sa kanilang pagpapanggap ay hindi sinasadyang nahulog ang loob ni May sa binata na kinalaunan ay nagpakita rin ng interes sa kanya. Nagselos pa ito sa nagbabalik na ex-boyfriend niyang si Randall. They would have made their fake relationship real... almost. Kung hindi lang sa pagtutol ng ina ni Dash at ang pagkawala ng matagal nang pangarap ng binata na pamahalaan ang canning business ng pamilya dahil sa hindi inaasahang pagkabulgar ng kanilang kunwa-kunwariang relasyon.