MegaFil
Eliana Refreza ang naging pangalan ng isang babae na tunay na pinakamamahal ni Alfredo Ponchiago. Si Alfredo Ponchiago ay isang gwapo, matapang, at siya ang itinuturing na Ang Pag-asa ng bayan ng Alchego. Mayroon siyang ikinagagalit na makita. Ang isang taong kakilala na retokado. Si Eliana Refreza ay isang magalang, masunurin, at siya ang pinakamaganda sa bayan ng Elestriado. Isang araw, tumawag ang uncle ni Eliana na si Don Altiego at sinabihan na doon siya muna sa bayan ng Alchego makapagpahinga at silang dalawa ni Alfredo ang magbabantay ng bahay dahil, mayroon pang inaasikasong problema ang kanyang tiyuhin sa bayan ng Latar. Nang nakasakay na si Eliana sa eroplano, may masama siyang nararamdaman. Hanggang, ang eroplano ay nagkaproblema. Nasira ang mukha ni Eliana dahil sa sunog na ginawa ng eroplano at pati ang kanyang balat ay nasunog rin. Paano kaya kung iba na ang magiging pangalan ni Eliana? Matatanggap kaya ni Alfredo na iba na ang mukha at balat ni Eliana?