MonicaAndBianca
Upang wala nang kaagaw si Miguel sa puso ni Lucia, naisip niyang makakabuti kung ipapatay niya si Ricardo, kaya kumuha siya ng gunman para ibaril ito. Nagkataong papunta sa kabilang bayan si Dra. Rachel nang may napansin ang driver nitong parang katawan ng tao, tumigil sila sandali upang tiyakin ang nakita, at tao nga, tumambad sa kanila ang nag-aagaw buhay na lalaki, sinaklolohan nila ito at nang magkamalay ay nagpakilalang siya si Ricardo Montenegro.