YurSariStories
- Reads 243
- Votes 19
- Parts 19
Written in Tagalong-English
Bilang normal na mga tao, marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay. Marami tayong iniisip na mga bagay dahil kailangan nating mabuhay sa mundo na puno ng mga hindi inaasahan.
Bilang normal na tao, kahit ni-isang beses hindi pumasok sa isip ni Emily ang mga ibang makabuluhang bagay sa mundo. Masyado siyang pokus sa importante, at iyon ay manatiling buhay at mairaos ang sarili mula sa isang mundo na naging malupit na rin sa kaniya. Pero kahit naging masama ito ay umaasa pa rin siya na may kahit isa lang na indibidwal ang makasama o masandigan niya sa buhay.
Sa mundo na puno ng mga taong kaniya-kaniya ang mga ginagawa, mga paninindigan, mga pinaglalaban, mga paniniwala-paano kung hindi lang pala mga normal na tao ang ganito?
Paano kung may iba ring mga nilalang? Hindi lang tao?