pingkay2326's Reading List
87 stories
You're Perfect To Me COMPLETED by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 66,794
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 10
Supermodel No. 4 Benjamin Salazar, ang "Papa Ben-tot" ng TMA
The Past Series: He Needed Me by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 59,103
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 11
"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang mga lalaking naging dahilan ng kanya-kanyang mapait na karanasan sa pag-ibig. Ang susuway ay mapaparusahan. Hindi mahirap para kay Valeen na sundin ang kasunduan dahil sobra ang galit at sama ng loob niya kay Landon-ang lalaking nakatakda sana niyang mapangasawa four years ago. Mahal na mahal kasi niya si Landon mula pagkabata. Umasa siya na mapapansin din ng binata lalo at naipagkasundo na siya rito. Pero nang ma-realize ni Landon na mahal pa rin nito ang ex-girlfriend, umatras ito at sa mismong araw pa ng kasal nila. Naiwan si Valeen na hindi lang napahiya sa mga tao kundi nagkadurog-durog din ang puso. At dahil sa nangyari, naging sobrang bitter siya pagdating sa pag-ibig. Pero biglang bumalik sa buhay ni Valeen si Landon-desperado at nangangailangan ng tulong. Sa kabila ng matinding galit, naawa siya sa binata at sa sinapit ng pamilya nito. Kaya lang, ang kondisyon para matulungan si Landon ay kailangang pumayag siya na ituloy ang naudlot na kasal nila noon. Natatakot siya hindi lang sa parusang matatanggap sa pagsuway sa kasunduan nilang magpipinsan, kundi lalo na sa posibilidad na bumalik ang dating pag-ibig kay Landon at masaktan lang kapag muli silang nagkasama.
Ang Suplado At Si Ma'am (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,372
  • WpVote
    Votes 2,049
  • WpPart
    Parts 10
Sorry sa typos and grammatical errors. Enjoy reading!
[COMPLETED] Love Team (Published Under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 44,701
  • WpVote
    Votes 910
  • WpPart
    Parts 10
Wala na pong edit-edit para mabilis ang pag-update. Haha! Ngayon pa lang, sorry sa mga errors. Ang istoryang ito ay tungkol kina May at Lawrence, mga artistang away nang away na parang aso't pusa. Enjoy reading!
More Than Anyone - Published under PHR by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 107,375
  • WpVote
    Votes 1,764
  • WpPart
    Parts 13
Para makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best friend nitong si Jay-Jay na bantayan siya. Lingid sa kaalaman ng lahat, dating nakarelasyon ni Kate si Jay-Jay. Kaya lang ay nauwi iyon sa hiwalayan nang magpunta ang binata sa ibang bansa at maging abala sa training bilang paghahanda sa paghawak sa kompanya ng pamilya nito. Pero nagbitiw naman ng pangako si Jay-Jay na babalikan siya at liligawang muli. Tumupad naman ito sa pangako kaya muling ipinagkatiwala ni Kate ang kanyang puso. Pero sinubok ang tatag ng kanilang relasyon nang may umeksenang babae at mahuli niya sa isang compromising na eksena ang dalawa. Walang pagdadalawang-isip na hiniwalayan niya si Jay-Jay at hindi pinakinggan ang paliwanag nito. Sa huli, napag-isip-isip ni Kate na bigyan ng chance si Jay-Jay. Pero hindi na ito sumubok na makipag-reconcile sa kanya. Hahayaan na lang ba niyang tuluyang mawala si Jay-Jay sa buhay niya?
The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,433,717
  • WpVote
    Votes 38,390
  • WpPart
    Parts 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kung hindi si Choi Montemayor, kilalang prinsipe ng high society na sa TV lang niya nakikita. Lalo pang naging complicated ang sitwasyon nang biglang sumulpot ang isang batang babae sa bahay ni Choi. Anak pala nito sa dating karelasyon. Nasaksihan ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama dinamay pa siya ng binata sa gulo ng buhay nito. Ginawa kasi siyang babysitter. Hindi nga lang niya ineexpect na mapapamahal siya sa bata. At kahit ayaw niyang tanggapin ay napamahal din siya kay Choi Pero alam niyang walang kahahantungan ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi siya naniniwala sa fairy tale at sa fairy tale lang nangyayaring nagkakagusto sa isang tulad niya ang isang prinsipeng gaya ni Choi Montemayor.
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,697,760
  • WpVote
    Votes 38,612
  • WpPart
    Parts 41
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita siya nito sa isang hindi magandang sitwasyon. "Instead of looking for other men to seduce, you will warm my bed as long as I want to. Of course, I will make sure to compensate you. However, I will not love you and you are not to fall in love with me. I will not marry you either. Are you willing to throw away all your love for money?" Parang patalim na sumaksak sa puso niya ang sinabi nito. Pero tinanggap niya iyon kasi umaasa siya na baka kapag hinayaan niya itong saktan siya ng ganoon ay mapatawad siya nito. "Matagal ko ng itinapon ang sinasabi mong pag-ibig Raiven." Iyon ang lakas loob niyang sinagot dito. Kahit ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito...
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARD by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,033,554
  • WpVote
    Votes 28,031
  • WpPart
    Parts 38
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula ang pasakit niya dahil walang araw na hindi sila aso't pusa kung mag-away. Hanggang sa kausapin siya ng masinsinan ng ama nito. "I want you to not only protect him but to tame him." Paano niya iyon gagawin kung siya mismo ay naniniwalang wala na itong pag-asang magbago? But everything seems to change when her hate for him became attraction. Bigla ay apektadong apektado na siya sa mga taong nagtatangkang saktan ito. At nang biglang sumulpot ang ex nito at nais makipagbalikan dito ay labis siyang nabahala. Sinabi na ni Riki sa simula pa lang na hindi ito magkakainteres sa kaniya. So what would she do now that she realized she was already in love with him?
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,793,785
  • WpVote
    Votes 40,481
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Wildflowers series book 4: A Lover's Second Chance by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 581,146
  • WpVote
    Votes 16,749
  • WpPart
    Parts 36
"Maghihintay ako kahit pumuti pa pareho ang mga buhok natin. Kapag pagod ka na, gusto kong malaman mo na may uuwian ka." Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita na nila ang pagkakaiba ng mga gusto nila sa buhay. Nais niyang maging isang sikat na singer habang ang nais ni Cade ay manatili lang siya sa tabi nito. Isang pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan upang maghiwalay sila ng landas. Pagkalipas ng sampung taon, natupad ni Carli ang pangarap niya pero may hinahanap-hanap pa rin ang puso niya. At alam niya kung sino iyon... si Cade. Ang akala niya ay pagkakataon na iyon upang ayusin ang relasyon nila, pero ang isinalubong nito sa kanya ay annulment papers. Nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang dalawa dahil may nakita na itong babae na ipapalit sa kanya.