Phr
34 stories
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,603,901
  • WpVote
    Votes 37,191
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 93,001
  • WpVote
    Votes 1,671
  • WpPart
    Parts 10
Napasimangot si Tweety nang makitang maikli lang ang mensaheng nakasulat sa card ng bouquet na natanggap at hindi pa nagpakilala ang sender. Dear Ms. Lopez, Happy birthday! I love you! From your number one fan Naging eratiko ang tibok ng puso niya nang maisip si Brendan Wisell. Sa lalaking iyon lang niya narinig ang salitang fan. Parang gusto na niyang kiligin. Sa kabila niyon, ayaw pa rin niyang paasahin ang sarili at baka ma-frustrate lang kapag nalamang hindi naman pala kay Brendan galing ang mamahaling bouquet. At kung ito man ang nagpadala niyon, wala ring saysay. Kailan man ay hindi niya ito lubusang maaangkin. Dahil si Brendan ang tipo ng lalaking hindi naniniwala sa kasagraduhan ng kasal!
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #6 ALEC (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 133,841
  • WpVote
    Votes 2,375
  • WpPart
    Parts 9
Kaaway ni Eliza si Alec Buenaventura, isang negosyanteng wala nang inisip kundi ang sariling interes. Kaya naman nang malaman niya ang diperensiya ni Alec, nagtaka pa siya sa sarili kung bakit nakadama pa siya ng simpatya rito. Pero hindi pa rin ito tumigil sa pang-aapi sa tulad niyang maliit na negosyante. Kaya ipinamukha niya kay Alec ang nalaman niyang lihim nito. "Hanggang diyan ka na lang, Mr. Buenaventura. Alam ko ang rason kung bakit hanggang patikim-tikim ka lang." Gumuhit ang pagtataka sa anyo nito. "Gusto mo ako, hindi ba?Unfortunatey, hanggang halik lang ang kaya mong gawin." Halos magdugo ang mga labi ni Eliza nang halikan siya ni Alec. Naramdaman pa niya ang paglilikot ng kamay nito sa loob ng suot na blusa. Pero alam niyang ligtas siya sa kapahamakan. Nang biglang manlaki ang mga mata niya sa naramdamang matigas na 'bagay' sa gawing hita niya. "There's no stopping now, Liz..."
Marrio (The Playful Heart) PREVIEW by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 395,772
  • WpVote
    Votes 6,872
  • WpPart
    Parts 30
Mahinhinon Virgins book 2: Lemuella (a.k.a Ellah) Romcom. Unedited. Warning: HINDI PARA SA MGA BATA.
NIGHTINGALE TRILOGY book 3: FÜR ELISE (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 130,235
  • WpVote
    Votes 1,754
  • WpPart
    Parts 41
"Kahit mawala ako sa mundo, kahit mawala ang alaala ko, hindi ka mawawala rito sa puso ko, Fritz. Kasi, ito, tumitibok lang para sa 'yo." Minsan lang nakakilala si Elise ng lalaking makakaintindi sa kanya-si Fritz-ang lalaking kapareho niya ang nakaraan at kapareho rin niya ng hilig sa musika. Dahil doon, madaling gumaan ang loob nila sa isa't isa. Madali siyang nagtiwala kay Fritz. Madaling nahulog ang loob dito. Nangako si Fritz na hindi siya iiwan, hindi sasaktan. Naniwala siya. Dahil sa labis na pagmamahal sa binata, alam ni Elise na hindi niya makakaya na mawala ito sa kanya. Iyon nga lang, hindi lahat ng pangako ay nakatadhanang matupad. Bumalik ang best friend niyang si Kate at nalaman niyang ito ang ex-girlfriend ng nobyo niya. Ngunit dahil mahal niya si Fritz, anuman ang sabihin ni Kate, handa siyang tanggapin ang nakaraan ng binata. Hindi magbabago ang tingin niya rito. Ngunit si Fritz pala ang nagbago. Dahil bigla na lang nitong sinabi na nais na nitong makipaghiwalay sa kanya dahil mahal pa rin daw nito si Kate at kahit minsan ay hindi man lang siya nito minahal.
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 841,948
  • WpVote
    Votes 19,078
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
Love Unexpectedly by missrxist
missrxist
  • WpView
    Reads 31,564
  • WpVote
    Votes 620
  • WpPart
    Parts 12
Lev Allyson is secretly in love with Reev Exigo for the longest time. At dahil hindi na makayanan ng puso niya ang lihim na damdamin para sa kaibigan, isang gabi ay niyaya niya itong mag-inuman sila para magkaroon siya ng lakas ng loob para maipagtapat ang damdamin para sa binata. Ngunit na-friendzone siya! Sa sobrang sakit ay parang nabiyak ang puso niya sa dalawa, mas masakit pa 'yon sa gasgas sa tuhod, sa papatubong pimples o sa dysmenorrhea! Gayunpaman, hindi siya agad sumuko kaya nag-suggest siyang liligawan ito hanggang sa bumigay ang puso nito.
To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completed by KaylaCaliente
KaylaCaliente
  • WpView
    Reads 51,155
  • WpVote
    Votes 897
  • WpPart
    Parts 10
Posible ba na ma-in-love sa isang robot?
Diary Of A Heart Stealer COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 308,265
  • WpVote
    Votes 4,849
  • WpPart
    Parts 22
Diary Of A Heart Stealer By Dawn Igloria First encounter pa lang ni Gwen kay Paolo ay palpak na. Marami itong nabisto tungkol sa kanya: ang habit niya na makipag-usap sa sarili, ang singing voice niya na parang pinupunit na yero, ang plano niyang agawin ang secret love niyang si Lawrence, at ang grabeng pamimintas niya sa nililigawan nito. Malay ba niyang may isang cute na Paolo palang nakikinig sa solo concert at monologue niya? Mula noon ay inasar-asar siya nito. Baka raw isumpa siya ng singer ng kantang pinipilit niyang ibirit. Maluwag daw ang turnilyo niya at maghahanap daw ito ng vise grip para higpitan iyon. Asar na asar siya rito pero mas nanaig ang pagkakaroon niya ng crush dito. Ang kaso ay bigla itong nawala na parang bula. Five years later, muli silang nagkita. Nabuhay uli ang atraksiyon niya rito. Ang kaso ay ikakasal na ito sa iba. Kailangan niyang makaisip ng paraan para maagaw ito. Magpaagaw naman kaya ito?
You And I by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 126,383
  • WpVote
    Votes 2,680
  • WpPart
    Parts 24
"I knew I loved you the first time I saw you. AndI'm falling over and over again every time I look at you." Kung gaano katagal nang kaibigan ni Rey si Casey ay ganoon na rin katagal na umiibig siya sa binata. Ngunit tila hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Gayunman, patuloy pa rin niyang minamahal ito nang lihim at idinadalangin sa Diyos na sana ay dumating ang panahon na matutugunan din nito ang pag-ibig niya. Tila dininig naman ng langit ang mga dasal ni Rey dahil isang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo ni Casey sa kanya. Bigla itong naging extra sweet at maalalahanin. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan upang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nang nakakita na siya ng pag-asang makamit ang puso nito, bigla naman siyang ipinagtabuyan nito nang paulit-ulit. Hanggang sa dumating sa puntong hindi na nagpakita o nagparamdam si Casey sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay inalam niya ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Sa nalaman ni Rey masusubok kung gaano talaga katatag ang pag-ibig niya rito... Author's Note: This is one of the first stories I've ever written. Fifth book ko yata 'to? And I must've written this from year 2012. Anyway this story holds a very special place in my heart. Hope y'all like it. I'm going to update this every other day. Thank you. ?