EilenLeynes's Reading List
60 stories
Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 123,613,417
  • WpVote
    Votes 3,059,362
  • WpPart
    Parts 70
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali...
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 93,153,130
  • WpVote
    Votes 2,238,825
  • WpPart
    Parts 74
Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinaiyak ka na? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 136,383,062
  • WpVote
    Votes 2,979,785
  • WpPart
    Parts 83
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?" Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant? Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.
HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDE by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 17,352
  • WpVote
    Votes 837
  • WpPart
    Parts 34
Dahil love ko lahat ng bagets at feeling bagets, another Rebel Fiction for MIBF 2017.
Wicked by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 21,107
  • WpVote
    Votes 530
  • WpPart
    Parts 5
Wala kang inasam sa buhay kung hindi ang MAGHIGANTI sa mga taong nakasakit sa 'yo...at nang dumating ang sandali ng iyong PAGHIHIGANTI.... wala na. Naka-move on na silang lahat. Ikaw na lang ang hindi.
Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 303,903
  • WpVote
    Votes 7,527
  • WpPart
    Parts 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay sa kanya ni Pio ang lahat ng kailangan niya. But there was a catch: Sa ayaw niya at sa gusto, araw-araw niyang makakasalamuha si Vicente Banaag, ang lalaking kinaiinisan niya nang labis-labis. Bakit hindi? Noon ay walang awa nitong dinurog ang inosente niyang puso. Ngunit wala naman pala siyang dapat ipag-alala. Gagawin din ni Vicente ang lahat para iwasan siya. Hindi rin nito gustong makita siya araw-araw. Ang hindi nila alam, may niluluto ang Bud Brothers...
Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 251,245
  • WpVote
    Votes 5,647
  • WpPart
    Parts 21
May misyon sa Bud Brothers Farm si Betsy: Susubaybayan at aalamin ang lahat-lahat tungkol kay Wayne Alban, ang misteryosong boyfriend ng kanyang amo. Unang araw pa lang niya roon ay pumalpak na siya nang madaganan at masira niya ang precious hibiscus hybrid ng lalaki. Nangangatal man ang lahat-lahat sa kanya ay umamin siya rito ng kasalanan. "Kahit ano ho ang iparusa n'yo sa akin, tatanggapin ko, mapatawad n'yo lang ako," sabi niya sa dark and utterly mysterious na si Wayne. "Okay. Be my wife," sabi nito. Gilalas siya. Parusa ang hinihingi niya, hindi biyaya!
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 180,163
  • WpVote
    Votes 4,391
  • WpPart
    Parts 21
Ang gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa yata siyang sunugin ng mga ito nang buhay dahil nga naniniwala ang mga ito na isa siyang aswang. Enter Carlo, her Lilliputian knight. Buong gilas siya nitong ipinagtanggol sa mga nang-aakusa sa kanya. "Mga katoto, aswang man po ay may karapatan sa due process, ayon sa Saligang Batas ng bansang Pilipinas!" buong giting na wika nito. Itinalaga pa nito ang sarili na maging tagabantay niya. Kapag daw nahati ang katawan niya, ito na ang bahala sa maiiwan niyang kalahati. Mahilig daw ito sa magagandang legs.
Blush Series 3: Crush Curse (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 289,899
  • WpVote
    Votes 6,259
  • WpPart
    Parts 18
"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng magpakasal ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator nitong kapatid. Inis si Mirinda kay Mack dahil sinasabihan siya dati na bad influence kay Becka. Pinag-resign pa ng lalaki sa trabaho ang kapatid para tuluyang mailayo sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit napapayag sa request ni Beka. Maybe she was just plain stupid. Or was it something else? Because Mack may be tyrannical, but he was also irresistibly gorgeous.