PHR NOVELS
42 stories
The Knight of My Life (COMPLETED) by ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Reads 199,425
  • WpVote
    Votes 5,370
  • WpPart
    Parts 25
Isang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena ba naman ng ginang na maging manugang siya?! Buti sana kung walang sosyalerang girlfriend ang anak nitong si Raniel na inirereto nito sa kanya...
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 865,722
  • WpVote
    Votes 23,347
  • WpPart
    Parts 42
Mula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulungan ang babaeng namatayan ng baterya ang kotse sa gitna ng ilang at bumabagyo-only to be shocked by the intense pull he felt when their skin touched. Something long dormant stirred deep inside him. Tulad ng pinsang si Kiel, marahil ay may pag-asa pang maging maligaya uli si Luke. That is, if he could keep her alive from her stalker.
Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,836,909
  • WpVote
    Votes 41,337
  • WpPart
    Parts 50
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her horror, Lance branded her for life. At bago siya nawalan ng malay, she saw cruelty imprinted in his eyes. Iyon ang huling pagkakita niya kay Lance for he left her on the same day he married her. At sa loob ng tatlong taon, tinaglay ni Erika Rose sa tapat ng puso ang tatak ng kalupitang iyon.
Stallion Island 1: Misha Santoros Completed by SofiaPHR
SofiaPHR
  • WpView
    Reads 301,644
  • WpVote
    Votes 7,069
  • WpPart
    Parts 36
Isang pakikibaka ang buhay. Iyon ang laging pumapasok sa isip ni Rahya tuwing nagbabangayan ang boss niyang si Misha at ang pinsan niyang si Rome na nobyo nito. Kaya sa ganoong pagkakataon, pumapailanlang na lang sa isip niya ang pagkakataon na makarating sa Stallion Island at pakasalan ng pinapangarap niyang si Prince Rostam. Pero di siya pwedeng mag-date habang di nakakasal sina Misha at Rome. Doon lang siya makakawala sa pag-alalay at pagbabantay sa pinsan niya. Pero sa malas niya, tuluyang naging disaster ang relasyon ng dalawa at nadamay pa ang project niya para sa commercial ng Stallion Shampoo, ang tanging ticket niya para makapasok sa pinaka-eksklusibong isla. Isa lang ang paraan para mangyari iyon. Turuan si Misha Santoros kung paano maging perfect boyfriend. Pero habang ginagawa niya iyon, parang nagta-transform na ito na Prince Charming niya. And she was starting to like it. Publish under Precious Hearts Romances 2009
THE ASSISTANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 591,114
  • WpVote
    Votes 18,093
  • WpPart
    Parts 38
(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya nang alukin siya ng boss niyang si Dominic Roman para maging executive secretary nito kasi siya raw ang nag-iisang tao na hindi mai-inlove dito, pumayag siya. Parehong malinaw na professional lang ang gusto nilang relasyon at sa unang mga linggo ay ganoon ang nangyari. Pero nang magpunta sila sa Singapore para sa isang business related trip. nagbago ang lahat. May nabuong attraction sa pagitan nilang dalawa. Kay Dominic niya naramdaman kung paano ang alagaan at gawing first priority na kahit siya hindi ginagawa sa kanyang sarili. Kaso pagbalik nila sa Maynila sinalubong sila ng problema. Narealize niya na mas komplikado pala kaysa akala niya ang buhay ni Dominic. Magte-take pa rin ba siya ng risk kahit na may posibilidad na masaktan ang mga anak niya kung ipagpapatuloy niya ang relasyon sa binata?
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 790,889
  • WpVote
    Votes 18,113
  • WpPart
    Parts 25
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.
Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,476,368
  • WpVote
    Votes 32,524
  • WpPart
    Parts 39
"Kailangan lang palang makilala ko ang tamang babae para gustuhin kong lumagay sa tahimik. Mabuti na lang, nakilala kita." Brokenhearted si Almira nang makita niya si Brad sa pangalawang pagkakataon sa Las Vegas. Ang dating masayahin at laging may nakahandang charming smile na Brad Madrigal ay miserable naman sa pagkakataong iyon. Kailangang magpakasal ni Brad sa isang babaeng hindi nito mahal. That night, they found comfort in each other. Kinabukasan, nang magising si Almira ay naroon na siya sa hotel room ni Brad. Kapwa wala silang maalala sa mga nangyari kagabi pero alam nilang may namagitan sa kanila! Inakala ni Almira na hanggang doon na lang ang magiging koneksiyon niya sa binata. Pero dumating ang isang package mula sa Las Vegas. Ang laman-isang marriage contract... At silang dalawa ni Brad ang nakapirma. She was married to a famous and internationally awarded celebrity! PS: dahil published na ang story na ito kaya asahan na po ninyo na may mga eksena sa libro na wala dito sa wattpad. enjoy reading!
His Midnight Secretary (PUBLISHED - MSV Premium) by IngridDelaTorreRN
IngridDelaTorreRN
  • WpView
    Reads 702,525
  • WpVote
    Votes 6,482
  • WpPart
    Parts 8
**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, bookwarepublishing.com, NBS, Expressions, and Pandayan** Nobody knows about his gorgeous, little secret. And when she's gone, nobody would know that she was once his. His Midnight Secretary.
Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 217,515
  • WpVote
    Votes 5,733
  • WpPart
    Parts 20
Tahimik ang buhay ni Berry sa isang squatter's area sa Tondo, nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, sabi ng guwapong abogado na naghanap sa kanya. Pero may mga kundisyon ang lolo niya bago niya makuha ang kanyang mana. Isa na roon ang maging mahinhin na dalaga na babagay sa dadalhin niyang pangalan ng kanilang angkan. Tsiken! Madali lang iyon kay Berry lalo na at ang guwapong abogado ang tutulong sa kanya para maging prinsesa. Ang problema, nalaman ni Berry na may sarili ding agenda si Atorni kaya siya nito tinulungan. At ang mas malaking problema, apektado siya dahil nangarap siyang pupuwede sila kahit malayo siya sa babaeng magugustuhan nito. Sabi na nga ba, eh. Dapat nanahimik na lang siya sa isang tabi at nagbilang ng kanyang kayamanan. Pahamak talaga ang puso kahit kailan.
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,782,728
  • WpVote
    Votes 40,451
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.