i like it?
30 stories
Umaasa lang sa'yo COMPLETE (Montgomera Empire)  by Jecyvie
Jecyvie
  • WpView
    Reads 229
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 9
Summary Kelly is a good daughter and sister and she will do anything para sa kapakanan ng kapatid at ina nya, kahit pa ang sariling kaligayahan nya ang kapalit. Nakilala nya sa hindi inaasahang pagkakataon si Joshua Montgomera Bermudez isang kilalang playboy at walang pakialam sa mga babae kahit na nasasaktan na nya ang mga ito. Dahil sa kailangan nya ng pera para sa operation ng ina nya pumayag sya sa alok ni Joshua na panandaliang kasal at binalaan sya nito na hindi dapat mahulog dito. Anu kaya ang mangyayari sa istorya nila? Magawa kaya nito ang number 1 rule ni Joshua na huwag mahulog dito gayong una palang nagustuhan na niya ang binata? Alamin natin sa kwento nila.
Miss President's Prince Charming (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 167,877
  • WpVote
    Votes 2,926
  • WpPart
    Parts 10
PUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Please be KIND. :) ******************************************* Si Jannah Montelibano ay isang successful businesswoman, independent at matapang. Wala sa bokabularyo niya ang mga salitang "kasal" at "lalaki." Ngunit nang makita niya ang bagong silang na anak ng kanyang best friend ay bigla siyang nainggit. Gusto na rin niyang magka-baby-minus marriage. Gusto lamang niya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak pero kapag nakabuo na sila ay tapos na rin ang papel nito sa kanyang buhay. Si Russell Torres ang napili niyang maging daddy ng kanyang baby. Akmang-akma kasi ang mga katangian nito na hinahanap niya para sa magiging ama ng kanyang anak-guwapo at kilalang basketball player pero happy-go-lucky at takot sa responsibilidad at commitment. Pero bago nila maisagawa ang binabalak ay kailangan muna nilang maging komportable sa isa't isa. In short, kailangan nilang mag-date-palagi. "Gusto mo lang yatang maka-date ako, eh," buong kaarogantehang bintang nito sa kanya.
LOVING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 218,052
  • WpVote
    Votes 5,597
  • WpPart
    Parts 12
KAHIT sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon. Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gabayan ito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina na lamang ay laging nag-iinit ang ulo niya sa mga pang-iinis nito? Ang nakakairita ay kasama yata sa paraan nito ng pang-iinis ay ang pang-aakit nito at pagnanakaw ng halik tuwing may pagkakataon ito. Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari - she fell in love with him. Alam niya na walang kahahantungan iyon. Afterall, kasama lamang niya ito dahil pinaparusahan ito ng lolo nito. One day, he will surely go back to his old life as the co-heir of a multi-million company, in a place where she will never reach him even in her wildest dreams. PS: thank you Abby (OhCheeseball) for the cover. :)
KISSING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 168,949
  • WpVote
    Votes 4,379
  • WpPart
    Parts 10
"Ang gusto ko lang, instead na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me." Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito. Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito. Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan? PS: Thanks to Abby (@OhCheeseball) for this new and prettier version of the cover. love you. :)
The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,426,021
  • WpVote
    Votes 38,254
  • WpPart
    Parts 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kung hindi si Choi Montemayor, kilalang prinsipe ng high society na sa TV lang niya nakikita. Lalo pang naging complicated ang sitwasyon nang biglang sumulpot ang isang batang babae sa bahay ni Choi. Anak pala nito sa dating karelasyon. Nasaksihan ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama dinamay pa siya ng binata sa gulo ng buhay nito. Ginawa kasi siyang babysitter. Hindi nga lang niya ineexpect na mapapamahal siya sa bata. At kahit ayaw niyang tanggapin ay napamahal din siya kay Choi Pero alam niyang walang kahahantungan ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi siya naniniwala sa fairy tale at sa fairy tale lang nangyayaring nagkakagusto sa isang tulad niya ang isang prinsipeng gaya ni Choi Montemayor.
MY ENIGMATIC STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 283,747
  • WpVote
    Votes 8,469
  • WpPart
    Parts 22
Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat. Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,550,445
  • WpVote
    Votes 34,642
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?
Bachelor's Pad series book 3: PLAIN JANE'S MR. ARROGANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,688,973
  • WpVote
    Votes 38,277
  • WpPart
    Parts 34
Buong buhay ni Jane passive siyang tao. Plain hindi lang ang hitsura niya kung hindi pati ang personalidad niya. Kaya naman kahit kailan hindi siya umasa na mapapalapit siya kay Charlie Mariano, her puppy love, her first love and her one true love. Kaya naman nang isang gabi ay sumulpot si Charlie para sa dinner dapat ni Jane kasama ang lolo ng binata ay labis siyang nagulat. Lalo na nang malaman niya na fiancée pala niya ito alinsunod sa kagustuhan ng lolo nito. Ni wala siyang kaalam-alam! Binigyan pa sila ng mga pamilya nila ng dalawang buwan para kilalanin ang isa't isa bago ianunsyo ang kanilang engagement. Galit na galit si Charlie. But Jane realized it was her chance. Sa unang pagkakataon gusto niyang gumawa ng paraan para makuha ang isang bagay na gusto niya. Kaya balak niyang gamitin ang dalawang buwang palugit na iyon para paibigin si Charlie. It was the gamble of her life. Because if she failed, she will surely end up with a broken heart. PS: this is one of my personal favorites. :)
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,783,722
  • WpVote
    Votes 40,451
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.