PHR
14 stories
The Reckless Damsel (published/unedited) by JuliaFrancineSicat
JuliaFrancineSicat
  • WpView
    Reads 209,870
  • WpVote
    Votes 2,824
  • WpPart
    Parts 10
Lakas-loob na nakipagpustahan si Elise kay Jarvis kahit na malaki ang posibilidad na matalo siya at maging alipin nito. Hindi niya rin naman kasi akalain na seseryosohin iyon ng lalaki kaya napasubo na siya. She gave her hundred and ten percent for her overall makeover. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil nakilala siya bilang isang "playgirl" kahit na medyo edited version lang naman iyon ng katotohanan. Ngunit kung kailan akala niya ay tagumpay na siya, nalaglag ang panga niya sa sahig nang muli silang magkita ng lalaki makalipas ang sampung taon! Kung dati kasi ay fafable na ito, ano pa kaya ngayong nag-mature na ang mga assets nito? Puwede na nga siguro itong bigyan ng free pass sa Mount Olympus kung saan ito nababagay. The guy's a freaking god of hotness! Ano kaya kung magpaalipiin na lang siya rito? Hindi na siguro siya talo doon...
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,455,236
  • WpVote
    Votes 28,680
  • WpPart
    Parts 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman. Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito. Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,603,408
  • WpVote
    Votes 30,788
  • WpPart
    Parts 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,085,199
  • WpVote
    Votes 24,271
  • WpPart
    Parts 41
Kristine Series 20 - My Wild Heiress By Martha Cecilia "And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasundo si Andrea Monica ng ama na ipakakasal kay Leandro, anak ng kaibigan ng pamilya, isang lalaking ni hindi pa man lang niya nakikilala. At upang ipakita ang rebelyon sa ama na hindi siya pakakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya ay inalok niya ang hunk and gorgeous at substitute pilot ng Learjet na si Jace del Mare, na pakasalan siya at babayaran niya ito sa anumang halagang gugustuhin nito. Hantaran niyang nilait ang pagkatao ni Leandro sa harap ni Jace. Na si Leandro ay isang oportunista at ang mamanahin lamang niya ang hangad nito. Para lang malaman na ang lalaking hindi niya gustong pakasalan at ang lalaking inalok niyang bayaran upang pakasalan siya'y iisang tao.
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,892,625
  • WpVote
    Votes 30,611
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 840,959
  • WpVote
    Votes 19,060
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 943,165
  • WpVote
    Votes 17,468
  • WpPart
    Parts 17
Pangako by Martha Cecilia Published by PHR
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,546,365
  • WpVote
    Votes 34,827
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,045,068
  • WpVote
    Votes 49,162
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,931,625
  • WpVote
    Votes 37,739
  • WpPart
    Parts 28
"Shut up, Moana, I don't kiss little girls with braces!" Moana Marie was fifteen and had this stupid crush on Vince Saavedra, cool and drop-dead gorgeous. But her feelings for him was way out of line. Walong taon ang tanda nito sa kanya, may girlfriend, apprentice sa kompanyang pag-aari ng daddy nya, higit sa lahat: Hindi nito pinapansin ang panunukso niya. Pero bakit laging naroon si Vince sa tuwing kailangan niya ito that she became dependent on him? When Vince left, it broke her heart. Now, he was back after four years. CEO and general manager ng bangkong pag-aari ng mga magulang niya. Hindi lang ang bangko ang hinahawakang tungkulin ni Vince sa pagbabalik nito. He also assured his role as her self-appointed big brother. What now? Nawala nga ang crush niya rito, nahalinhinan naman ng mas malalim. She was falling in love with him.