lostmortals
- Reads 3,538
- Votes 238
- Parts 3
HINIRANG NA ANITO #2 | "Paano tayo tatakas mula sa kadena ng tadhana kung patuloy mong ikukulong ang sarili natin sa sawing kapalaran?"
Mariing nakapikit ang mga mata habang pinagdidikit ang mga palad; sa ganyang hitsura lagi makikita ang dilag na si Tadhana sa t'wing papalubog ang araw sa dalampasigan. Parating dasal niya sa Hari ng Katubigan ay gisingin siya sa reyalidad o ibalik sa mundong kinagisnan.
Ngunit sarado ang tainga ni Amanikable mula sa hiling ng mga mortal. Hindi siya nababahala sa anumang alay o katapatang ibigay nila, kahit buong buhay pa ang kanilang isumpa. Sa halip, huramento ni Amanikableng maghiganti sa kanila matapos masawi.
Hanggang sa mag-krus ang landas nilang dalawa. Dinala siya ng mga baka-bakahan tungo sa dilag, habang tinuro naman ng aguhon ni Tadhana ang anito.
Sa pagbubuhol ng kanilang kapalaran, mas lalong nakulong ang dalawa sa sumpa ng tadhana sa kanila. Sa pagpupumilit na kumalas sa isa't isa, mas lalo lang silang nasakal. At sa pagsasama naman ng dalawa'y nawala na sila sa landas.