We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
jeanscythe23's Reading List
10 stories
The Lawless Supreme Sovereign [Volume 2] (COMPLETED) by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 2,667
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 109
Ilang minuto nagcultivate si Vester Sullivan sa Parang na ito. Agad din niyang binuksan ang Myriad Painting at pumasok sa loob nito. Nakikita niya pagpasok niya pa lamang sa loob ang malahiganteng puno ng Niraya Tree. Hindi man ito maikukumpara sa mga dambuhalang puno sa mga bulubunduking bahagi ng Myriad Painting of Mountain and Rivers ay maituturing na rin itong malaki sa paningin ni Vester Sullivan maging sa sinumang makakakita nito. Gamit ang Immortal Eye ay nakikita niya sa mga pugad na ito na nasa mga sanga ng Niraya Tree ang mga nakahimlay na mga ibong siyamnapu't tatlo ang bilang? Ito ay walang iba kundi ang mga Dragon Sky Birds na isang uri ng Heavenly Beast. Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Vester Sullivan sa inaasal ng mga ibong ito. Sa laki at bagsik ng mga ito ay parang naduwag ang mga ito dahil kahit saan anggulo mo tingnan ay bakas sa mga hitsura nito ang labis na pangamba at pagtakot.
The Lawless Supreme Sovereign [Volume 7] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 21
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
...
The Lawless Supreme Sovereign [Volume 6] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 15
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
....
The Lawless Supreme Sovereign [Volume 5] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 16
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
....
The Lawless Supreme Sovereign [Volume 4] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 171
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 21
Sa isang walang katapusan lagusan ng Space and Time ay naroroon ang isang batang animo'y walang buhay at parang gawa lamang sa papel ang kanyang katawan dahil sa kakaibang markang bumabalot sa buong katawan nito. Lingid sa kaalaman ng batang nasa edad sampo hanggang labinlimang taong gulang na ito ang mga mababagsik na Space storm ay nakakalat lamang sa paligid maging ang space turbulent na natural na nangyayari sa loob ng Transmission Arrays. Maging ang natural na daloy ng Space and Time dito ay nagkakaroon ng fusion o paghahalo na siyang kayang magpadala ng mga nilalang o bagay mula sa isang lugar papunta sa ibang lugar. Ang sinasabing Teleportation ay ito ay pagkakamali lamang na sinabi ni Mystica lalo pa't nagbibiro lamang ito dahil imposible para sa batang si Vester Sullivan na mapagana ito ngunit nagkamali si Mystica. Ngayon na nandito sa loob ng Transmission Array ang batang ito ay imposible para dito na makaalis sa loob na hindi nasusugatan ng malala. Huli na si Mystica nang pumunta siya sa loob ng Interstellar Palace dahil ang kalunos-lunos na kalagayan ng batang ito ay alam ni Mystica na magtatamo ang batang ito ng malalalang sugat na magreresulta sa kamatayan. Ngunit isang bagay ang hindi alam ni Mystica at ito ang mga sikreto sa loob mismo ng katawan ng batang si Vester Sullivan. Kung sinuman ang
Immortal Destroyer: Red Cloud Sea [Volume 3] by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 47,535
  • WpVote
    Votes 545
  • WpPart
    Parts 12
Nagsimulang magbago ang buhay ni Li Xiaolong nang lumikha ng kaguluhan ang Sky Flame Kingdom tungkol sa kanyang angkan (Li Clan). Masasabing isa ang pamilya niya na nakatira sa isang mahirap na angkan ng Li. Ang paghihirap sa mismong angkan nila ay nangangahulugan din na apektado sila at ang iba pang mga maliliit na mga pamilya. Sa mahirap na sitwasyon ni Li Xiaolong, makakagawa ba talaga siya ng milagro upang mabago ang kapalaran ng angkan niya? Ang paghahanap ng solusyon ay napakailap para sa kaniya-parang nangingisda siya sa malawak na dagat ngunit walang kahit isang lamang-dagat na nakukuha. Talaga bang nakatadhana na ang pagkawasak ng Li Clan o makakahanap ba sila ng pagmumulan ng lakas upang magpatuloy na mabuhay sa malupit na mundong ito ng cultivation world? Para makahanap ng paraan para lumakas, binalak ni Li Xiaolong na pumunta sa isa sa mga ipinagbabawal na lugar na daan-daang kilometro ang layo mula sa kanilang kaharian. Ito ay walang iba kundi ang Red Cloud Sea- isang baybaying lugar sakop ng Dou City na pinaniniwalang pinagbagsakan ng isang napaslang na imortal. Upang maisakatuparan ni Li Xiaolong ang kaniyang mga mabubuting pinaplano, siya ay naghahanap at handang makipagkumpitensya sa mas malalakas na mga eksperto na mayroong nagtataasang mga lebel ng cultivation. Kasabay ng kanyang paglalakbay, maraming hindi mabilang na kalaban lalo na ang mga mababangis na mga halimaw ang makakalaban niya. Kahit sa musmos nitong edad, alam niyang Ito ay laban ng buhay at kamatayan. Mababago ba talaga niya ang kanyang sariling kapalaran lalong-lalo na ang mismong angkan niya? O ang masamang kapalaran ang naghihintay sa paglalakbay niyang ito na walang iba kundi ang sariling kamatayan?
Legend Of Void Summoner: New World [ARC 1] COMPLETED | Published on Amazon by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 32,286
  • WpVote
    Votes 465
  • WpPart
    Parts 4
Matapos ang matagumpay na digmaang naisagawa ng grupo ni Bowen maging ng mga mabubuting mga nilalang laban sa mga masasamang panig ay kasabay rin nito ang pagkawala ng kanyang buhay. Kasabay ng pagkawala ng mga Guardian Beasts niya ay ang kanya ring inaasahang kamatayan. Ngunit mayroong pangyayaring hindi inaasahan na hindi alinsunod sa batas ng buhay at kamatayan. Ang dugong nananalaytay kay Bowen ay hindi nanggaling sa butihing mga magulang niya. Ang kanyang sariling pinagmulan ay isa pa ring malaking misteryo. Kasabay ng pagkawala niya sa kawalan ay siya ring pag-usbong ng kakaibang lakas na nakatago lamang sa loob ng katawan niya. Kahit tanggap na nito ang nasabing kamatayan ay kamatayan rin mismo ang magbibigay-daan upang bumalik ang kanyang buhay. Ang muling pagkabuhay niya ay tanda lamang ng panibagong paglalakbay. Muli niyang nasilayan ang ganda ng mundo ngunit sa ibang dimensyon na. Matatanggap niya kaya ang pangalawang buhay na ito kung ang kahulugan lamang ay wala na ang pamilyang naging parte ng buhay niya? Sa muling paglalakbay ng ating bida sa kakaibang dimensyon ng mga summoner, ano kaya ang magiging bagong suliranin kanyang kahaharapin? Magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito o mabibigo lamang siya katulad sa naunang mundong kanyang nilalakbayan noon? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ang iba pang kapangyarihang kanyang tinataglay.
Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 952,106
  • WpVote
    Votes 148,278
  • WpPart
    Parts 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa isang mapanganib na pakikipagsapalaran sa mundong ito. Tutuklasin nila ang misteryong bumabalot lupaing ito, at gagamitin nilang magandang oportunidad ang paglalakbay rito upang ipakilala ang New Order sa sanlibutan. Iba't ibang puwersa mula sa iba't ibang upper realm ang kanilang makakasalamuha. Nakatakda na silang magkaroon ng mga kakampi at kaaway, at handa silang gawin ang lahat upang mapili sila ng Land of Origins bilang magiging pinakamalakas na adventurer sa hinaharap. -- Started on wattpad February 1, 2023 - ??
Ramil: The 8th Supreme Being by MaztamarkDallo
MaztamarkDallo
  • WpView
    Reads 190,582
  • WpVote
    Votes 7,797
  • WpPart
    Parts 69
Warning: This story has many foul word and foul actions for kids, If you can't handle the bad words, sexual activity and violence don't continue to read it. In the World we're everything exist, our new and stupid protagonist will be born. A kind and Stupid, Idiot but smart, handsome but pervert, a pervert who sees many things and still live in this cruel world called reality, by the faithful meetings of two person his life finally changes, the one should be cursed is now loved by the world, a person who sees many things and do many kinds will now appear in this world. Read and Follow Ramil's story as he set foot in the world where the weak will be devoured, a kind man with naughty attitude is now the new protagonist in this work of the author's imaginary mind.