Angelsharparp
- Reads 6,627
- Votes 142
- Parts 26
Sa araw-araw na pamumuhay natin sa mundong ito, minsan hindi na natin maiisip o aakalaing may iba pa palang namumuhay sa mundo natin.
Na maaaring hindi ka isang normal na tao. Na baka iba ka talaga sa kanila. Na baka ang kinagisnan at pinaniwalaan mong mundo ay parte lamang pala ng napakaraming ilusyon na nabuo sa pamamagitan ng mahika.
Mahika. Isang katagang bata lamang ang maniniwalang totoong mayroon nito sa mundo. Na sa dami mong pinagkaka-abalahan ay hindi mo na maiisip pang paniwalaan ito.
Si Lassie Eileene Quincy ay isang taong nagmahal, nasaktan, charot lang.
Isa siyang normal na taong hindi naging normal ang buhay dahil napunta sa isang hindi normal na lugar at doon niya napagtantong hindi pala talaga siya normal.
Ang gulo 'no? Ganyan ang magiging buhay niya sa Magical world. Oh, hindi ka naniniwala? Siya rin naman nung una e.
Sino nga bang maniniwalang may lugar dito sa mundo na may mga kakaibang nilalang? Na may lugar kung saan may mahika? Na may lugar kung saan mga hindi normal na tao ang nakatira?
Sino na nga bang maniniwala sa panahon ngayon kung halos lahat ng tao ay sarado na ang utak? Na sa sobrang pokus nila sa kani-kaniyang paniniwala, nahihirapan na silang tanggapin na mayroong ganitong klaseng mundo. Na hindi lang tao ang nilalang na naririto.
Isang normal na araw lamang 'yon para kay Lassie. Ngunit hindi niya inakalang ang araw na 'yon ay makapagbabago ng kaniyang buhay.
Guess what?
She's in Magical World to find out what's Behind the Darkness.
---------------------------
Book cover by: eulu-xuria
Date started: March 28, 2018